Chapter 8

18 1 0
                                    

__________

A crow? Parang may tumunog na kung ano sa isipan ko nang maalala ko ang logo na ito. Alam ko sa sarili ko na minsan ko na itong nakita pero hindi ko tuluyang maalala kung saan at kailan.

Bigla nalang pumasok sa loob ng kwarto si Livia kaya naman hindi inaasahan na bigla akong napatayo at pinatong nalang sa lamesa ang papeles.

"Ito na yung bedsheet at punda, palitan nalang natin 'yan." sinulyapan niya ang binitawan ko sa taas ng lamesa bago inabot sa'kin ang gamit na hawak niya

"Ah, sige."

"You know what? You can just wait for me outside, ako na magaayos." she suddenly declared at binawi ang inabot niya sa'kin

"Are you sure you don't need any help?" I asked for assurance and she just nodded

"Sige." Lumabas na ako ng silid na iyon at napahinga nang malalim. Baka akala niya ay pinapakialaman ko ang gamit ni Ada which is partially true.

Pumunta nalang ako sa sala sa ibabang bahagi ng bahay na ito. Yes, this is a two storey house, mukhang may kaya sa buhay ang magkakaibigan na ito at nagawa pa nilang magkaroon ng isang bahay na para sa kanila lang.

She said, "Baby, I'm afraid to fall in love
'Cause what if it's not reciprocated?"
I told her, "Don't rush girl, don't you rush
Guess it's all a game of patience"

I heard a familiar soft voice singing coming from an open door downstairs which I guess leads to the kitchen.

She said, "What if I dive deep?
Will you come in after me?
Would you share your flaws with me? Let me know"
I told her, "Thinking is all wrong
Love will happen when it wants
I know it hurts sometimes, but don't let it go"

Sa boses pa lang alam ko na kung sino ito, lumapit ako sa daan patungo sa kitchen na ito at sumilip sa loob. Nasa loob siya nakatalikod mula sa pwesto ko at abala sa pagluluto ng kakainin namin ngayong hapunan. Sumandal ako sa gilid ng pinto at pinagmasdan siya habang wala siyang kamalay-malay na may nakikinig na sa pagkanta niya.

'Cause I want you
I want you
I want- I want you

Napapitlag ako nang bigla nalang siyang humarap sa pwesto ko at tinitigan ako ng deretso sa mata na parang hindi man lang siya nagulat na nandito ako.

'Cause I want you
I want you
I want- I want you

Tinapos niya ang natitira pang lyrics nang nakaharap na sa'kin at may ngiting nakasilay sa kaniyang mga labi.

Hindi ko na napigilan at tumkas sa labi ko ang isang matamis na ngiti na kanina ko pa pinipigilang lumitaw.

Pumalakpak ako nang malakas para mawala ang tensyon na nabuo sa pagitan naming dalawa.

"Ganda talaga ng boses mo." I commented, "Alam ko," napabusangot ako sa sagot niya, nakalimutan kong isang taong kampante sa sarili nga pala ito.

Lumapit nalang ako sa kaniya at sumilip sa pagkain na niluluto niya. He's cooking Sinigang! My favorite!

Parang gusto nalang biglang kumulo ng kalamnan ko.

"Paborito ko 'yan!" I said,

"Really?"

"Yup!" I said like a child waiting to be fed

"I'll finish here after a while, you can sit on the kitchen stool if you want to." I quickly followed what he said and went to the kitchen stool

EpiphanyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon