Chapter 11

29 1 0
                                    

__________

I woke up this day with a steady heart, a great good night sleep indeed.

Bagamat halos tanghali na kaming lahat gumising dahil sa puyat ay abala pa rin ngayon sa pagaayos dahil sa pagsapit ng hapon ay bibisitahin na namin ang dati kong tirahan.

Nang matapos kaming lahat ay sunod-sunod kaming nagsipasok sa sasakyan. Umupo ako sa passenger seat sa tabi ni Almy para ituro sa kaniya ang daan patungo sa bahay namin dati.

Aabutin siguro ng kalahating oras bago kami makarating sa destinasyon namin kaya naman pina-idlip ko nalang ang iba sa likod kahit sandali lang.

"Kung hindi mo mamasamain, Bahay. Pwede ko bang matanong kung nasaan ang mga magulang mo?" tanong sa'kin ni Almy habang abala siya sa pagmamaneho

"Wala na sila." mapait kong sagot sa kaniya

"Oh, sorry to hear that." he said with a hint of pain too

"It's fine, how about you?"

"We're the same, matagal na silang wala." may bahid ng diin ang pagkakasabi niya

"They got killed." he added and I was left speechless by what he said, hindi ko inaakala na parehas lang pala ang pinagdaanan naming dalawa

"I don't know what to say, but I feel sorry to hear that from you." I apologetically said, I know the pain of losing your parents so he must feel so bad right now that he was reminded of his parents.

"Saan pala dito ang daan?" pagbabago niya sa usapan naming dalawa na nagtanggal ng tensiyon na namamagitan sa pagitan namin

Pinaliko ko siya sa kanan at sinabihan na iparada ang sasakyan sa gilid ng isang maliit na daan. Hindi na ito kasya papasok kaya naman kailangan nalang naming maglakad bago makarating sa bahay namin na tago at malayo sa main street ng lugar na ito.

Bumaba na ako mula sa sa sasakyan at ginising ang mga kasama namin na nakatulog nang mahimbing sa likod. Nang magising na ang lahat ay inayos lang nila ang gamit nila at nagkayayaan na kaming umalis.

Sumabay sa paglalakad ko si Noah, "You still fine?" he asked with a worried tone, I nodded and smiled at him to assure him that I'm fine.

Makalipas ang ilanga minuto ay nakarating na din kami sa isang malaking lumang bahay. Ang bahay ng pamilya ko na punong-puno ng masalimuot na pangyayari.

Pinagmasdan ko ito sa labas at nakitang kasalukuyan na itong punong-puno ng mga nagtataasang talahib na isang pahiwatig na walang nang nakatira dito.

Nagsimulang magtubig ang gilid ng aking mga mata habang pinagmamasdana ng dati kong tirahan, hindi ko kailanman inakala na makakabalik pa ako dito.

Noah held me from behind and started patting me gently at my back. He smiled at me with assurance, "You're finally home, Abhaya Claire Gredor."

What he said made me froze to where I was standing. Did I clearly hear what he just said?

"C-can you repeat what you said?" I asked to make sure

"You heard what I said right, Abhaya Claire Gredor." he repeated. How did he know?

Napa-atras nalang ako palayo sa kaniya dahil sa sinabi niya.

"I KNEW IT, ABHAYA! I WAS RIGHT ABOUT YOU!" Ada shouted like she was so happy about the confirmation about my identity

"Tagal ng nilaan nating oras para mahanap siya tapos ganto lang pala kailangan nating gawin para ma-confirm." Livia said na may halong pagkapikon

"Si Boss Noah kasi ayaw pa agad isuko, gusto munang masolo tsk tsk!" Ravi teased Noah

"Wait! Anong pinagsasabi niyo? What do you guys mean and how did you know about my real name? Can anyone please to me what's happening right now?" lumayo ko mula sa kanilang lima at pinagmasdan ang reaction nila

"Let me explain it to you slowly and clearly, Abhaya." Noah said,

"Dami pang arte, direct to the point na." bigla nalang nawala sa tabi ni Livia si Ravi at nakita ko nalang siyang mabilis na nakarating sa harapan ko.

"RAVI!" sabay na sigaw ni Ada at Noah

"You saw what I did right? That's my special ability, Abhaya. I know you can read my mind." sabi ni Ravi sa pamamagitan ng eye contact na ginawa niya.

Nakakagulat lang na alam nila ang mga bagay na 'yon tungkol sa'kin. Kaya ba hindi sila masyadong nagtatanong tungkol sa pagkatao ko? Kasi matagala na nilang alam?

Bigla nalang silang naglaho lahat sa harapan ko at natagpuan ko nalang ang sarili ko sa isang matayog na building at kasalukuyan na akong malapit mahulog mula dito. Anong nangyayari? Dahil sa gulat sa pagbabago ng senaryo ay nawalan ako ng balanse at halos mahulog mula sa mataas na pwesto nang bigla nalang bumalik sa dati ang lahat. Pinagmasdan ko silang lahat at nakitang lahat sila ay may mukhang nagaalala sa biglang pagkatulala ko maliban nalang kay Livia.

Was that her?

"Livia! What did you do?!" Noah spat angrily at her,

"I just showed her my ability. Abhaya, those are illusions btw." kinindatan niya ako matapos ang ginawa

Nakakagulat nalang ang biglang pagbabago ng sitwasyon, bakit parang ang bilis ata ng mga pangyayari?

Pinilit kong kumalma sa kabila ng rebelasyon na ito at sinulyapan nalang ang natitira pang tatlo, "Kayo, anong sa inyo? 'Wag niyo na iparanas sa'kin, just show me." I said to them

Nanlaki ng mata ko nang bigla nalang naglabas ng maliit na bola ng apoy si Almy at binato ito sa legs ni Ravi na nagulat naman sa ginawa ng kasama

"Fudge! Why did you do that?! ADA HELP!" singhal ni Ravi kay Almy samantalang agad namang lumapit si Ada sa kaniya at hinawakan ang balat na nasunog, pagkatanggal ng kamay ni Ada ay wala na ang bakas ng sugat roon.

Speed
Illusion
Fire
Healing

Tumingin naman ako kay Noah na tahimik na pinakikiramdaman ang paligid

"What's you--" bago ko pa man matapos ang sasabihin ay sunod na sunod na putok ng baril ang tumama papunta sa kinaroroonan naming lima mula sa iba't-iba direksyon pero walang natamaan sa'min maski isa. Para bang may isang bagay na nakaharang kaya hindi kami tinatamaan. Shield?

"LET'S GO!" sigaw ni Noah saming lahat

"Fudge! How did they found out?!" sigaw naman ng nagpapanic na si Ravi

"Who freaking leaked the information?!" sigaw ni Livia

Nagmadali kaming lahat na tumakbo pabalik sa sasakyan namin samantalang sa likuran namin ay nagsilitawan na ang mga lalaking kanina pa kami pinapaulanan ng bala.

"Protect Abhaya! They want her!" What do they want from me? I don't even know how I got into this situation

Nagmadaling pumasok ang lahat sa sasakyan habang nababalutan pa rin kami ng isang shield na hindi naman namin nakikita. Agad na pinaharurot ni Almy ng sasakyan papalayo sa lugar na iyon samantalang makikita sa likod na nagmadali rin ang mga kalalakihan sa pagsakay sa sarili nilang sasakyan.

"So you guys are just like me huh?" humihingal na tanong ko kasi maski ako hindi ko inaakala na katulad ko sila

"Not just us, there's more out there."

__________

EpiphanyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon