__________
Bigla nalang lumitaw sa tabi ni Ravi si Ada at binigyan siya ng isang sapok.
"Hindi mo man lang kami hinintay!" sigaw ni Ada kay Ravi. Pasimple namang kumaway si Livia at Almy sa likod ng dalawa na kakarating lang din, lahat kami ay basang-basa na sa ulan.
Akala ko ay huli na ang lahat at ang kailangan ko nalang gawin ay sumuko sa madilim na lugar na ito pero hindi ko inakalang darating nalang sila bigla para tulungan kami.
"Bagal niyo eh!"
"NANDITO SILA!" bago pa man matuloy ang pagbabangayan ng dalawa ay may naglitawan na mga kalalakihan na hindi namin mabilang ang dami.
Pinalibutan nila ang apat na magkakaibigan samantalang may tumatakbo na papalapit sa magkabilang pwesto namin ni Noah. Bago pa man sila tuluyang makalapit sa'kin ay ginamit ni Noah ang kapangyarihan niya at pinabagsak ang mga puno sa mga lalaking nagtangkang lumapit sa'kin.
Marami nang dugo ang nawala sa kaniya at kung patuloy niya pang gagamitin ang kakayahan ay baka may mangyaring masama sa kaniya.
"NOAH!" sigaw ko nang may lalaking tinutukan siya ng baril. Bago pa man nito tuluyang kalabitin ang gatilyo ng baril ay kinontrol ko ang kaniyang isipan. Nahimatay siya tulad ng nais na mangyari ng isipan ko.
Tiningnan ko ang mga kasamahan ko na napapalibutan na ng mga kalaban, lahat sila ay ginagamit na ang kakayahan para malabanan sila pero hanggang kailan? May limitasyon ang kapangyarihan namin at kapag nasobrahan ay nawawalan kami ng malay tulad ng nangyari sa'kin noong bata pa ako.
Sinulyapan ko si Noah sa gilid at nakitang kasalukuyan siyang nakasandal at hindi na makatayo sa puno. Kailangan kong makaisip ng paraan para matulungan siya.
Tumingin muli ako sa mga kasama namin at nakita si Ada na ginagamit lang ang pisikal na kakayahan sa pakikipaglaban, she can heal right?
Pumasok sa isipan ko ang isang ideya at tinignan si Noah. "Wait for me, I'll get help." I informed him through telepathy and he simply nodded at me.
Hinanda ko ang sarili sa pagsugod sa kumpulan ng mga kalalakihan. Tumakbo ako nang napakabilis palapit sa kanila at ginamit ang kakayahan sa pamamagitan ng pagkontrol sa isipan ng mga malapit na kalaban.
Lahat sila ay tila nawawala lang sa sarili o di kaya naman ay nahihimatay dahil sa'kin, as much as possible ay ayaw kong bumawi na naman ng buhay tulad noon.
Sa dami ng mga lalaking iniisa-isa ko ang pagpapatulog ay unti-unti kong nararamdaman ang pagod sa aking katawan. Nahihirapan na rin akong makita ang posisyon nila nang maayos dahil sa dilim ng kapaligiran at patuloy na malakas na pagbuhos ng ulan.
Bagamat sobra na ang paghihina ko dahil sa sobrang paggamit ng kapangyarihan ay pinilit ko pa ring makalapit kay Ada. "Konti nalang, Abhaya." bulong ko sa sarili
"Almy, watch out!"sigaw ni Livia kay Almy na hindi naman nadaplisan ng patalim at piniling suntukin nalang ang kalaban, mukhang nahihirapan siyang gamitin ang apoy dahil sa ulan kaya umaasa lang siya sa pisikal na labanan.
Lalapitan ko na sana siya upang tulungan nang marinig ko ang malakas na daing ni Ada, "AHGGG!" Natamaan siya ng bala sa balikat. Pinatulog ko ang lalaking bumaril kay Ada at agad na lumapit sa kinaroroonan niya. Nagtalikuran kaming dalawa habang pilit kong pinipigilan ang ibang kalaban sa paglapit sa'ming dalawa sa kabila ng panghihina ng katawan ko.
Third Person's POV
Sa madilim na kagubatan kung saan patuloy ang pagbuhos ng malakas na ulan ay abala ang magkakaibigan sa pagtatanggol sa sarili. Lahat sila ay may nanghihina nang katawan dahil sa sobrang paggamit ng kakayahan nila.
Sa isang banda ay si Noah na tahimik na pinagmamasdan si Abhaya habang pilit na lumalaban upang makakuha ng tulong.
Gusto man makatulong ni Noah pero sobra na ang panghihina ng katawan niya lalo na at marami ng dugo ang nawala sa kaniyang katawan. Tila ba isang beses na subukan nalang niya itong gamitin ay tuluyan na siyang babawian ng buhay.
Sa sobrang dami ng mga nagbabalak na kitilin ang buhay ni Ada nang makitang siya ay sugatan ay parang nawawalan na ng pag-asa si Abhaya sa pagharang sa mga kalaban.
Tila ba hindi na rin naubos ang mga kalaban na patuloy na sumusugod sa kanila.
Sa isang nakakabinging putok ng baril ay nawalan ng balanse at bumagsak sa lupa ang katawan ni Abhaya nang tamaan siya ng isang bala sa kaniyang balakang.
Tila nagulantang si Noah sa nangyari at pilit na tumatayo sa kabila ng sobrang panghihina ng katawan.
"Abhaya!" nanghihinang sigaw ni Noah na hindi umabot sa kinaroroonan ni Abhaya
Tuluyang nahirapan si Abhaya na bumangon mula sa pagkakabagsak. Hinawakan siya ni Ada na tulad niya ay punong-puno na rin ng sugat.
Tila isang napakabagal na senaryo ang naganap kung saan unti unting tumatakbo ang mga kalaban palapit sa pwesto ninanda Abhaya.
Nakapagdesisyon na si Noah matapos ang nasaksihan at inipon ang buong lakas na natitira sa katawan para pagalawin ang mga naglalakihang sanga ng mga puno patungo sa mga kalaban.
Sa isang iglap ay nagsibagsakan ang mga kahoy sa mga nagtangkang sumugod sa nanghihinang katawan ni Abhaya.
Abhaya's POV
"NOAH!" I shouted at the top of my lungs when I saw his body fell because of using the peak of his power.
NO! NOT AGAIN! Ayaw ko nang mawalan pa ng isang mahal sa buhay! I've had enough!
Tila nagdilim ang paningin ko sa nangyari at nagawang patigilin ang lahat ng natitira pang kalaban sa paligid. Kinontrol ko ang mga utak nila at hindi lang sila basta pinatulog kundi binawian ng buhay sa pamamagitan ng isang napakasakit na pakiramdam sa utak na tila pinipilipit ang mga isipan nila.
Bumagsak ang katawan ko sa lupa kasabay ng mga hindi mabilang na katawan ng mga lalaking hindi na humihinga.
"Noah, talk to me love." I tried connecting to his mind for the last time but I never heard any response. Pinipilit kong bumangon sa aking kinahihigaan pero hindi na talaga kaya ng katawan ko.
Unti-unti bumaba ang talukap ng mata ko na ang huling nakita lamang ay ang katawan niyang nakahandusay
Noah
__________
BINABASA MO ANG
Epiphany
Teen FictionMeet Abhaya Silva, a girl who has an ability normal people can never do in this world. She lives in the City of Felidad, a city full of hidden secrets of the people residing in this place. Her story begins as she encounters a man named Noah, a guy w...