Prologue

46 3 1
                                    





PROLOGUE:
MEET BAMBI







*^*






PAMELA







Pamela is my name pero bambi ang tawag nila sakin. Kasi raw mataba ako. And I find it cute. Nag e-effort silang gawan ako ng new nickname kahit may nickname ako. Mas pinipili kong maging positive kesa sa maging negative kasi talo ako eh pag naging negative ako.






Isa akong babaeng mataba. Oo, tapos size ng damit ko XL. Tapos ang liit ko pa. Gasul kumbaga. Nahihiya na nga ako minsan lumabas dahil sa hitsura ko. Kada titingin ako sa salamin, namumuhi ako sa sarili ko. Tinatanong ko sarili ko na, "Paano ba ko umabot sa ganto?" Marami akong insecurities sa katawan. Naiinggit ako sa mga babaeng sexy. Kasi alam ko naman sa sarili ko na ang rason kung bakit walang nagkakagusto sakin dahil mataba ako. College na ako at wala paring nagkakagusto sakin ni isa. Walang wala. Wala na ata akong pag-asa. Ahuahu! Unfair naman ang mundo.






Ang matabang katulad ko, dumadaan sa stress eating. Sobrang hirap pero ngayon hindi ko na masyadong nararanasan. Alam ko naman sa sarili ko na kailangan kong magpapayat dahil para narin sa health. Pero hindi ko alam kung bakit kada makakakita ako ng pagkain tapos gusto ko pa, natatakam ako. Nawawala sa isip ko na mag diet.





Wala ka kasing disiplina!




Eto na naman si konsensya at nakikialam. Manahimik kana kang kasi hindi ka nakakatulong! Hmp.





Sa awa naman ng Diyos, meron akong mga kaibigan. Dalawa sila. Si Mikee at si Trizha. Nakilala ko sila noong high school pa ko. Nilapitan nila ko at kinaibigan. Edi magmula non hindi na ako naging malungkutin. Malungkot kasi ako noon kasi wala naman akong kaibigan. Sanay akong mag-isa. Pero dahil nandiyan sila, may kasama na ako.





Nandito pala ako sa isang fast food at balak kong mag order. Hindi naman ganoong mahaba ang pila. Kakain akong mag-isa. I treat ko ang sarili ko kase tapos na ang 1st sem. Nakakapiga ng utak talaga, kailangan ko mag relax ngayon.



Nakaka relax pala yung kakain?




Paki mo ba eh?!




"Good morning, ma'am! What's your order po?" Malambing na tanong sakin ng babae. Ngumiti ako at sinabi ang order ko.




"Spaghetti with large coke. Isang extra large na fries at sundae. Tapos beef steak, with extra rice ha. Tapos chicken na rin, spicy yung flavor. Tsaka soup na rin miss. Thankyou!"




Maniwala kayo, hindi lang halata pero di pa ko kumakain. Nang makapagbayad ako ay kinuha ko yung number at umupo sa isang bakanteng upuan.




Wala si Trizha at Mikee. Ako lang naman ang naiiba sa kanila. HRM ang kinuha ko samantalang Education naman ang course nila. Hindi naman kataka-taka dahil matalino silang dalawa. Ako lang ata hinde, haha!






"Hi madam, here's your order." Inangat ko ang tingin ko sa lalaki. Uy pogi.





Haharot ka?





Panira itong konsensya ko. Ano bang pakers mo? Nagsabi lang ako ng pogi e. Pero bakit ganon? Madam tawag sakin? 19 palang naman ako. Mukha ba akong matanda? O kaya tinawag niya akong madam kasi dahil sa ako'y mataba?






EXTRA ghorlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon