Chapter 11

8 0 0
                                    







^*^





Naisipan kong magsuot na lang ng dress para hindi naman nakakahiya sa magulang ni Apollo. Ayoko kasing may masabi sila, nakakahiya.






"Sexy ah." Nang sabihin sa akin ni Apollo yun ay nakatanggap siya ng hampas sa akin. Kinikilig ako, crush ko siya kaya kahit paano e kikiligin parin ako.





Ay, hindi pala ko sexy. Siksik lang.





"Tara?"





Tumango ako. Pumasok na kami at nandoon ang magulang niya. Ngumiti naman ako sa kanila. Hindi ako close sa family niya kasi hindi rin naman kami close ni Apollo dahil lagi naman niya akong inaaway noon.






"Hi, iha. Long time no see." Bati sa akin ng mama ni Apollo.






"Ah, hello po tita." Nagmano naman ako. Nang humarap ako sa papa ni Apollo ngumiti rin siya.








"Ang laki ng ipinagbago mo iha! Ang laki!" Sabay tawa ng papa niya.






Nagkatinginan naman kami ni Apollo at napailing siya. Ngumiti nalang ako.



"Maupo na kayo."





Para tuloy akong special dahil kasama ko mag-dinner ang family ni Apollo. Ganitong-ganito yung mga napapanood ko sa mga palabas e. Ipapakilala ng lalaki yung babae sa family niya tapos hindi papayag yung magulang dahil aayaw na tapos ipaglalaban nung lalaki yung babae sa pamilya tapos sasabihin nung tatay na, "Gusto mo bang itakwil kita?" Tapos mag-away sila tapos--







Wattpad pa. Kdrama pa. Teleserye pa.






Sabi ko nga.





Kuminang ang mata ko dahil sa mga nakahandang pagkain. Nagkuhanan naman agad sila ng pagkain.






Teka.. may nakalimutan ata sila?





"Apollo, hindi ba tayo magdadasal muna?" Bulong ko sa kaniya.






"Oh, sorry. Sige na ikaw na mag lead." Sabi ni Apollo at sinabihan niya naman ang parents niya.





"In the name of the father, and of the son, and to the holy spirit amen. Lord, thank you po sa blessings, salamat dahil may makakain kami ngayon, kaya salamat po. Amen."





"Eatwell, iha." Nakangiting sabi sakin ng mama ni Apollo. Ngumiti naman rin ako at tumango.






Binagalan ko ang kain ko dahil nakakahiya, maski ang pagkain ko kinuntian ko lang kahit gusto ko kunin lahat ng nakahain sa lamesa. Pero joke, diet nga pala ako.






"Son, bakit konti lang ang kinakain ni Pamela? Baka mangangayat siya niyan." Sabi ng papa niya kaya naman natawa ang mama ni Apollo at maging si Apollo.






"Diet si Pam, diba?" Sagot niya sabay lingon sakin.





"Ah, oo hehe."





Nagpatuloy kami sa pagkain. Nagsimula na silang mag usap-usap pero pakiramdam ko parang wala naman ako at op na op. Gustuhin ko man magsalita, hindi rin ako makasingit.






"Kumusta na kayo nung ex mo? Nagkabalikan na ba kayo?" Napatigil ako sa pag-inom nang tubig dahil sa narinig kong tanong ng mama ni Apollo sa kaniya.






EXTRA ghorlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon