Chapter 1

33 3 0
                                    





*^*




Nung bata ako kada may kalaro ako, palagi nalang akong may nakakaaway. Paano eh inaaway ako. Katulad nalang pag naglalaro ng taray-tarayan. O kaya nanay-nanayan. Ako lagi kawawa. Kasi raw mataba ako kesyo ganyan kesyo ganto. Wala kong lakas ng laman non I mean loob na lumaban sa kanila. Sabi nga ni mama sakin noon, "Kalaki-laki mo di mo sila kayang labanan samantalang sila payatot naman!" Alam niyo yun feeling na parang wala kang kakampi, na walang magtatanggol sayo? Ganon yun.






Mahiyain ako, laging mag-isa, at malungkutin. Para kong takot sa tao. Feeling ko kasi lalayuan nila ko pag nilapitan nila ako o kaya naman pinandidirihan nila ako kaya hindi ako nagtatangka at kulang ako sa confidence ano, eh. Naging ganon ako mula pagkabata hanggang sa mag highschool. Nawalan lang ako ng pake sa paligid netong mag college na ako. Kasi na-realize ko na bakit ko sila iisipin o papansinin sasabihin nila? Pero kahit ganon may times na nag d-doubt parin ako at nagiging negative pero hindi na very much. Slight nalang ganon. Parang itong kinakain ko ngayon, slice of mocha cake na peyborit ko. Yummy!






"Slice of cake pero nakakatatlo na. Sige lang bunso, magpataba ka pa lalo ha. Balyena kana, hindi kana overweight. Obese kana. Obese." Napasimangot ako at tumigil sa pagkain ng cake. Sobra akong na offend sa sinabi ni kuya.





"You're not funny. Sorry ha, perfect ka? Perfect? Ediwag!" Sabay pumunta sa kwarto ko. Akala niyo siguro aakyat ano? Pero sorry, wala kaming hagdan, sa ibang story meron pero sa'min wala.




Obese na ba talaga ako? XL ako. Teka ano ba kasing size ko? Ang last na timbang ko, 85kg. Hindi ko alam ngayon. Last year pa yan na timbang ko. Hala eh 'wag naman sana huhu!





Hindi ko namalayan naiyak na pala ako. Kasi naman si kuya, sinabi niya pa 'yon. Siguro naiyak ako kasi totoo. Kasalanan ko to eh bakit ba kasi ako lumaki na ganto?! Pero bakit yung iba kahit marami kinakain hindi nataba?! Tas pag ako?! 💔





"Bunso? Sorry na sa nasabi ni kuya." Inangat ko ang ulo ko at si kuya pala, malamang siya lang kapatid ko m.




"Hindi, tama ka naman. Obese na ko kuya eh. Ako may kasalanan, huwag kana mag sorry sakin." Malungkot kong sabi.






"Bunso, hindi ko sinabi yun para laitin ka. Kasi yun ang totoo, walang masama sa pagiging mataba. Huwag lang naman sobra diba? Kasi nakakatakot ang maging obese. Masama na sa health. Sinasabi ko naman to para sa kapakanan mo, hindi para sa iba. Pero sorry bunso sa nasabi ko ha." Agad kong niyakap si kuya. Mabuti nalang nandito si kuya. Pero tama naman siya.





EXTRA at OBESE.





Dalawang salita na kapag narinig mo sa ibang tao masasaktan ka. Manliliit ka sa sarili mo. Mamomroblema ka't maiistress hanggang ma depress ka. Pero ako nga talaga may kasalanan.

Siguro akala ng iba madali maging mataba. Kujg ako sa inyo? Huwag na! Hindi maganda. Kontrolin niyo nalang sarili niyo kumain kahit masarap kumain. Kapag naaalala ko yung spaghetti, carbonara, mocha cake, fried chicken ahhhhh mapapa fudgeebarsheyt kana lang talaga!





At hindi ako naniniwala sa sinasabi nila ngayon na...



Chubby is the new sexy.




Edi ngi? Ano yun tamang rhyming lang kasi yung end ng chubby is Y at end ng sexy ay Y rin? Ay ambot????!




Hindi ako naniniwala diyan. Mas gusto ng mga lalake yung sexy. Sinasabi lang nila yan kase nauuso ang mga katagang iyan ( so lalim ha ) Pero sa sexy parin sila tumitingin. Gusto nila sexy na may osus at may pwet. Paano naman kaming wala? Nakakairita lang na mataba ako pero dibdib ko ang malaki pero wala kong pwet.




EXTRA ghorlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon