Chapter 7

17 1 0
                                    


^*^

"Paano mo naman nasabing weird si Ethan?" Tanong ni Trizha sakin at kinain ang pizza. Sa harap ko pa talaga. Ako nga nag sky flakes lang ngayong lunch e.



"Weird e. Nakaka fudgeebarsheyts kaya! Para siyang kabute na bigla-bigla susulpot. Uh.. I mean you know ah basta tapos nag text pa tas kasabay ko pumasok kanina kasi sumabay sakin. O diba weird?!"


Ngumiti-ngiti siya at natawa. Wala si Mikee. May iniutos sa kaniya ang prof nila, kaya kami lang ngayon ni Trizha ang nandito. Papasukan ko pa yung class ko mamaya. Yung project pa pala doon about sa crush. Huhu ba't naman kasi ganon? Hindi related sa subject, pwede ba yun? Sa iba for sure sobrang dali, pwes sa akin ibahin nila.


Sinong ihaharap ko? E wala na kong ibang matitipuhan dito. Oo maraming gwapo pero kay Apollo lang ang heart ko. Siya lang gusto ko, wala ng...

"Hi bambi!"

"PUTIKNAIDAMO!" Bigla kong sabi dahil sa gulat. Sabi ko sa inyo e! Para siyang kabute. Kabute na bigla-biglang susulpot.

"Haha, nagulat ba kita? Sorry ha."

Tumango lang ako. May hawak siyang tray ng pagkain. Oh noes, dito siya siguro makikikain. Gagawa sana ako ng alibi nang magsalita si Trizha na nagpaguho ng aking puso. Chos.

"Bambi pami, una na ko ha?" Tapos bumaling siya kay Ethan. "Pakibantayan kaibigan ko, thanks!"

"Hoy-" Hindi ko na naituloy. Nakaalis na siya. Ano ba naman yan.

"Pamela." Okay..? Dapat bang big deal sakin ang pagtawag niya ng pangalan ko?

"Oh?"

"Bakit yan lang kinakain mo? Baka naman magka-ulcer ka niyan."

"Hindi okay lang, Ethan. Nasasanay na naman ako na konti kinakain ko."

"No. Kakain ka sa ayaw at gusto mo." Magsasalita pa sana ako nang takpan niya ang bibig ko.

"Tama na reklamo, bambi. Kain na."

Napailing ako. Ano bang ginagawa ni Ethan? Sobrang bait naman at caring niya sakin. Nakakapagtaka lang.

"Pasensya na, Ethan." Sabi ko at tumayo na at tsaka umalis.

***

Na-extend ang pasahan ng biography namin. Mae-extend pa ng 2 weeks gawa ng mag leave ang prof namin dahil namatayan sila. Kahit pa masaya dahil na extend, malungkot naman kasi hindi ko pa rin sino yung gagawan ko. Hindi na rin tuloy ang ipapakita kay prof ang crush. Sabi niya tataasan nalang niya ng grades pag kilig na kilig siya. Pwede kaya yun?

Ah. Huwag na muna isipin. Kailangan ko na ngayon umuwi. Nauna na sila Trizha at Mikee. Kanina pa sila nakauwi, mabuti pa sila.

Gabi na. Oo malamang po gabi na nga. Mag 8 pm na. Dumaan pa kasi ako sa faculty kaya ngayon lang ako nakalabas.

Naglalakad ako papuntang shed nang biglang bumuhos ang ulan. Tignan mo nga namab at minamalas ako ngayon. Dali dali akong tumakbo at pumunta sa shed. Agad kong binuksan ang bag doon at tinignan kung may payong pero wala doon.

"Fudgeebarsheyt naman oo! Ngayon ko pa talaga nakalimutan ha?" Inis kong sabi at napa-padyak.

Napatingin ako sa kalsada at wala ring masyadong jeep. Kung meron man, puno at alam kong hindi ako ka-kasya.

Tumingin ako sa relo ko. Mag 8:30 pm na. Paniguradong lagot ako kila mama lalo na kay kuya. Alam kasi nila ang schedule ko. Kaya para hindi na sila mag-alala, ite-text ko na sila.

EXTRA ghorlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon