Chapter 5

15 2 0
                                    



*^*



Days had passed and I feel something wrong about me. Ano nga ba? Sumasakit lang naman ang tiyan ko. Hindi kasi ako kumakain na. Sobrang konti kung kumain sa kadahilanang gusto ko ng pumayat.






"Anak, kumain ka muna bago ka umalis." Katulad nito. Nung mga nakaraang araw, kada papasok ako ng school hindi ako nag-aalmusal.




Nakita ko ang ulam. Adobo. Nagugutom ako pero kailangan ko magpigil. Kailangan kong pumayat.



"Hindi na ako kakain, sa school--"



"Hindi, hindi. Akala mo ba hindi ko alam 'yang ginagawa mong bata ka? Hindi na diet yan! Para mo namang papatayin ang sarili mo aba!"





Napakamot ako sa ulo. No, hindi pwede. Nagsisimula na ako. Masisira lang ang diet plan ko. Kumakain naman ako kaso nga lang, yung three or five times a day, naging once a day nalang.




"Ma, okay lang po. Busog naman--"




"Hindi nga raw. Matigas talaga ulo mo, bunso. Kumain ka dito. Sumabay kana sa amin." Nahihiya akong umupo.





"Anak, kung mag di-diet ka hindi ganyan. Dahan-dahanin mo. Baka kung ano pang mangyari sa'yo." Sabi ni mama at nilagyan ng kanin ang plato ko. Napasimangot ako dahil naka dalawang sandok lang siya hindi katulad dati na apat na sandok lang.




"Ayan, limitahan mo sa kanin. Kahit kumain ka ng maraming ulam, huwag lang sa kanin." Sermon ni mama at nilagyan ako ng adobo. Hindi niya rin nilagyan ng sarsa.



"Ma, bakit walang sarsa?" Tanong ko sa kaniya.



"Mamantika. Nako naman anak, ang laki mo na dapat pa ba kitang pagsabihan?" Nakasimangot parin ako.



Nagsimula na akong kumain. Mabilis ang mga subo ko, grabe. Na-miss ko ang kanin! Feeling ko kukulangin yung pagkain ko ngayon.




"Tsaka bunso, simulan mo na ring sanayin sarili mo na bagalan kumain. At bago ka kumain, uminom ka muna ng dalawang basong tubig para kapag kumain ka, hindi na masyadong papadami kain mo dahil ang tubig, nakakabusog." Sabi naman ni kuya.





Ayoko talaga ng ako yung nasasabihan. Pero tama naman talaga sila. Kaya lang naman ako nagmamadali dahil gusto kong makita ang resulta pero hindi naman pala ganoong kadali yun.





Nang matapos akong kumain, nagbaon ako ng egg sandwhich. Ginawa ko ng tatlo ang tinapay. Eto na ang lunch ko.






Nagpaalam na rin ako kay mama at kuya dahil anong oras na rin.








Naglalakad na ako papasok sa school. Masyado pang maaga, kaya medyo mabagal akong maglakad. 7:10 palang at 8:30 pa naman ang first subject ko.









Namataan ko ang isang babae na pinagtutulungan ng mga babaeng hambog. Sila yung mga pagala-gala sa kalsada. Ayoko sanang makialam kaso naaawa ako dun sa babae. Walang kalaban-laban sa mga yun. Bakit ba ang lalakas ng loob ng mga to na manakit?







Agad na akong lumapit at pumagitna. Talsik tuloy sakin yung mga nang-aaway dun sa bata. Haha, sa laki ko ba naman.





"Tumigil na nga kayo! Bakit kayo nang-aaway? Masama yun diba!" Suway ko sa mga bata. Nagtawanan naman sila sakin.




"Huwag ka nga makisali dito, taba! Laki-laki mo nakikisali ka!" Sabi sakin nung isa.



"Hala, may baboy na nagsasalita!"




EXTRA ghorlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon