Chapter 3

14 2 0
                                    





*^*



Ang sarap talagang kumain.




Nakakagutom pala ang matulog. Kaya eto, bumabawi ako. Meron akong tatlong pandesal, tatlong itlog at limang hotdog dahil mahilig ako sa hotdog. Nag sinangang din ako at may ham pa kasi mahilig rin ako sa ham. Sinamahan pa ng pang-himagas na mangga. Sarap na sarap ako. Ang sarap magluto ni mama.




"Anak, dahan-dahan sa pagkain.. Hindi ka naman mauubusan." Sabi sakin ni mama habang kumakain ako.



Nagkatinginan pa sila ni kuya at tumingin sa'kin. Ngumiti lang ako sa kanila at tumango sabay kumain ulit.




"Anak kasya pa ba 'yang uniform mo sayo? Ipa-repair na kaya natin? Matagal na yan. Last year pa yan nak." Napatigil ako sa pagkain at tumingin sa uniform ko.


Masikip. Pero kaya pa namang isuot. Pero hindi, masikip talaga. Para kong shawarma na puputok. Oo nga naman, bakit di ko naisip? Nabahala ako. Lumalaki ba ako?



"Ano po ba size neto ma?"


"Large. E, xl kana ngayon bunso." Si kuya ang sumagot. Hindi nga?




Magsasalita pa sana ako nang may kumatok. Sino naman kaya yun?





Si kuya na ang pumunta sa pintuan para alamin kung sino ang bwisita namin at ang aga-aga nandito.


Ang sarap talaga kumain. Grabe kasi si mama. Ang sarap magluto. Marunong ako magluto. Syempre hrm rin ang course ko 'no.





"Ma, bunso si Apollo nandito."





Nang marinig ko ang boses ni kuya ay agad akong naalarma at itinigil ang pagkain ko. Dali-dali kong kinuha ang plato ko at inilipat yun banda sa pwesto ni kuya. Oh noes! Hindi pwede makita ni Apollo na marami ako kumain. Baka ma turning off siya sakin.



"Hello tita, good morning. Hello, bambi. Good morning rin."

Ngumiti rin ako ng pilit sa kaniya.





"Oh iho, kumain kana ba? Mag-almusal kana muna oh."






"Ay hindi na po. I already ate breakfast. Nandito ako kasi sabay kami ni bambi papasok."






"O ganon ba? Sige pero antayin mo nalang siyang mat--"








"M-ma! Tapos na ko kumain." Sabat ko kaya napatingin siya sakin.





"E diba marami pa yu--"




"Bakit marami 'tong pagkain na nasakin?" Tanong ni kuya. Pinandilatan ko siya ng mata.







"Hoy bunso! Bakit mo ko pinandidilatan ng mata ha?" Tumayo na ako. This is not good. Kailangan na namin makaalis. Baka mabuking pa ko ahuhu!






"A-alis na kami ma, kuya." Agad kong hinila si Apollo. Kinuha ko na ang bag ko at lumabas na kami ng bahay at doon ko lang siya binitawan.






"Are you in rush? Why? Magkikita ba kayo nung friend mo, bambi?"






Sinong friend?





"O-oo. Sabay tayo diba? Tara na." Sabi ko at lalakad na nang hinawakan niya ako sa braso.





"Bakit?"




EXTRA ghorlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon