Chapter 6

12 2 0
                                    





^*^






Magdamag ko lang namang iniyakan si Apollo. Ewan ko ba kasi pero nalulungkot ako. Sino namang ihaharap ko sa prof namin? Patay ako neto. Kung hindi siya pwede edi sino nalang? Mabuti pa yung mga kaklase ko nag-start na gumawa samantalang ako? NGANGA!







Mataba ka daw kase.



Epal na konsensya to.




Nagitla ako nang may tumamang crumpled paper sa mukha ko at nagtawanan naman ang buong klase. Pinulot ko yung papel at binuklat ko.



"BABOY"



Napailing ako. Wala silang magawa kundi mang-bully. Palagi nalang. Hindi ba sila nagsasawa?


After ng klase dumiretso ako sa canteen. Nagutom kasi ako.


"Hala, bambi namamayat ka!" Napalingon ako at isa sa mga schoolmate ko pala.

"Ah he hehe talaga?"

"Oo naman!"

Kaya naman hindi na ako kumain at tiniis ang gutom ko. Kaya ko to, para sakin rin naman to eh. Go go go self!


Isang oras ang lumipas pero andito ako sa canteen. Kumukulo na ang tiyan ko pero kailangan ko magpapayat! Hay buhay nga naman. Kung magpapasaway ako, hindi ako mamamayat. Gusto ko lang pumayat. Yun na yon.


"Balak mo bang patayin sarili mo?"




Tumingala ako. Si Ethan pala. Anong ginagawa niya dito?




"Wala prof namin ngayon."




Huh? Mind reader ba to?




"Hindi ako mind reader. Kumain kana lang diyan Bambi." Sabi niya at umupo sa tapat ko.





"Ayoko, sayo nalang yan. Busog ako." Sabi ko pero ang totoo gusto ko ng lantakan yung carbonara.





Inusog niya yung plato sa harapan ko. Ano ba to si Bambi.





"Hindi ka busog. Hindi ka nga nag-almusal. Huwag mo na pairalin yang diet diet na yan. Pinapatay mo sarili mo e." Sermon niya sakin.




Nakakahiya kay Bambi!



"Okay lang talaga ako E- hmm!"




Ano ba yan! Bigla ba namab akong subuan habang nagsasalita.




"Gusto pa susubuan e. Tsk." Nakailing niyang sabi.



Paano ba to? Nakakahiya kay Ethan!



"Kumain kana, bambi."


Tumango ako. Tama, need ko kumain ngayon.




Susubo na sana ako nang makita ko si Apollo. Kasama si Dana. Para namang dinurog ang puso ko gamit ang martilyo. Bakit magkasama ulit sila? E break na sila diba? Totoo ba to? Kung panaginip to gisingin niyo na ko ohmygad.



"Huwag mo ng tignan para hindi ka masaktan."

Napatingin ako kay Ethan at malungkot na ngumiti.





Mukhang wala na akong pag-asa. Wala ng pag-asa ang matabang katulad ko.




"Crush mo ba yung lalaking yun?" Tanong ni Ethan.



EXTRA ghorlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon