Chapter 4

14 2 0
                                    








*^*




Kung gaano kabilis tumaba, ganoon namang kahirap pumayat.




"Tulungan niyo naman ako oh." Sabi ko kay Mikee at Trizha. Nandito kami ngayon sa bahay ni Trizha. Sabado ngayon kaya wala kaming pasok. Wala kasi ang parents ni Trizha at balak rin namin dito na mag overnight dahil wala siyang kasama kundi ang mga katulong nila.






"Istorbo ka! Ano ba yun? Mygad, Pam!" Iritang sabi ni Mikee habang nanonood ng To all the boys I've loved before | PS I still love you.






"Eto si Mikee hb agad! Attitude talaga." Saad naman ni Trizha habang nakain ng fries na ang flavor ay barbeque. Kumuha naman ako at lumamon.




"Eto kasi. Di ba crush ko si Apollo?"



"Na gwapo." - Trizha


"Na may jowang malapad ang noo." - Mikee



"Haha! Girl hard mo, pero totoo ba? Kwento nga dali hahahaha!"




Oo nga pala. Wala non si Trizha gawa ng hinatid niya parents niya sa airport. Kapag naaalala ko yun parang ayoko ng pumasok. Nalait-lait pa ako doon.






"Nako teh, attitude yung babaita na yun. Hindi naman bagay kay Apollo. Saksakan ng arte! Sarap ilublob sa kumukulong tubig!" Iritang kwento ni Mikee kay Trizha. Tapos etong si Trizha mukhang tuwang-tuwa pa.






Ano ba 'tong mga kaibigan ko. Huhuju. Gusto ko na nga lang kalimutan yun kung p-pwede lang.




"Hindi naman uubra sa'yo yun, girl. Katarayan mo palang!" Sabi ni Trizha at nagtawanan naman silang dalawa. Yung tawang pang-mangkukulan hayyys.







"Guy--"




"Sarap naman, luto ka pa teh." Utos ni Mikee kay Trizha.






"Wow ha. Desisyon ka ah may-ari ng bahay? Senyora?" Sagot ni Trizha kay Mikee. Ano ba yan oo.





"Joke, hahaahahahha!"






"Gaga! Hahahahaha!"





"Ganda talaga neto--"





"GUUUUUUUUUUUUYS!" Sigaw ko kaya sabay silang napatingin sakin na gulat.



"Bakit ka sumisigaw?" Mabagal na tanong ni Mikee na nakahawak pa sa dibdib niya.



"Oo nga!" Sang-ayon ni Trizha.





"Kanina pa ko nagsasalita hindi niyo ko pinapansin eh." Sagot ko sa kanila at dumapa sa kama. Mabuti nalang talaga at malaki ang kama ni Trizha kaya kasya kaming tatlo dito.





"Ay haha anu ba yun?" Tanong ni Trizha.



"Go na girl explain na sa'min."  Saad ni Mikee.



"Tulungan niyo ko.."






"Saan?" - Trizha




"Bagal naman!" - Mikee





"Tulungan niyo ko magpapayat."





Loading....




After 5 seconds--






EXTRA ghorlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon