Chapter 12

4 0 0
                                    



***

"Kung yelo lang 'yan, kanina pa 'yan natunaw."




"Huh?"




Lumingon ako kay Trizha na ngayon ay umiling-iling sa'kin.


"Huh? Hatdog! Bakit ka ba nakatingin sa crush ko?"

"Huh? Crush mo si Ethan?!"

Napangiwi naman siya at mariing umiling.


"Sinasabi mo diyan, Pam? Si Clyde tinutukoy ko, hoy!"


Ah, si Clyde. Akala ko si Ethan e. Pero paanong si Clyde e si Ethan yung tinititigan ko?

"Hindi naman yung crush mo tinititigan ko ah." Sagot ko at nangalumbaba.

"E sino ba?!"



"Si- wala. Kumain kana nga lang diyan." Sabi ko at lumamon ng spaghetti. Ang sarap talaga ng luto ni mama ng spaghetti.





Nagpatuloy kami sa pagkain nang dumating si Mikee na mukhang masama na naman ang aura.


"Anyare sa'yo?" Tanong ni Trizha sa kaniya. Umupo naman siya sa tabi ni Trizha at padabog na binaba yung bag.


"E kasi naman 'yang si Apollo mo, Pam. Umagang-umaga nambibwisit. Businahan ba naman ako kanina! Edi nagulat ako!" Kwento niya at ilang beses umirap.

"Ngi." Sabi ko at natawa.


"Wow talagang ngi lang masasabi mo, teh? Hindi ka magagalit kay Apollo? Grabe! Grabe." Sabi ni Mikee na parang iritang-irita na gulat.

"Hehe, sorry. Hayaan mo pagsasabihan kp nalang."

"Chill ka lang, Mikee. Dede mo baka malaglag! Ay wala ka pala non nakalimutan ko, sareh." Pang asar ni Trizha kay Mikee kaya mas lalo lang na bwisit si Mikee.


Nandito kami sa may canteen. Ilang minuto nalang at malapit na ang 1st class ko. Apat na oras na naman ang itatagal. Parang gusto ko nalang matulog ng matulog. Joke pala. Si Ethan kasi tumatakbo sa isip ko.


Hanudaw?


"Guys, si Ethan!" Napalingon naman ako agad kay Trizha at doon sa tinuturo niya.


Si Ethan nga.

Papunta ba siya dito? Sayang naman, wrong timing.

Tumayo na ako at kinuha ang mga gamit ko. "Alis na ko, bye mga sis see you later." Paalam ko sa kanila. Tinanguhan naman nila ko at nakipag beso pa sa kanila bago ako umalis.

Habang naglalakad, nararamdaman kong may nakasunod.


Syempre, Pam malamang may studyante tanga lang?

Pero hindi e.


Feel ko may nasunod.


O baka naman nantitrip? Or sinusundan ako? Or kikidnapin ako?

Lol.

Wattpad pa. Kdrama pa. Teleserye pa.

Kaya naman huminto ako at dahan-dahang lumingon.

"Ethan?"

"Yo, haha."

"K-kumusta ka naman?" Luh taba ka kala mo matagal kayo di nagkita ah.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 16, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

EXTRA ghorlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon