Chapter 10

11 0 0
                                    




^*^



Dalawang lalaki na ang nakakahalik sa akin. Alangang babae diba? O sige, balik sa sitwasyon kong nakakasira ng utak. Ang tanong, may utak ba ko? Hala sige, barahin ko sarili ko. Okay anyways, butterfly ito na nga.





Ano bang dapat kong maramdaman? Kiligin? O ang mahiya? Una, bakit ginawa ni Apollo yon? Alam niyang may gusto ako sa kaniya. O baka naman may galit siya kay Ethan kaya naman ginamit niya ako?




E si Ethan? Anong dahilan niya? Promise, gusto ko na i-untog ulo ko sa pader. Para naman kasi akong pinagti-tripan. Hindi ako easy to get! Ang sarap nilang batuhin ng fudgeebarsheyts ha!




Pero kinilig ako ng onti. Oo super konti as in slight lang hehe pero kahit na.



Mabuti at hindi ko nakikita si Ethan o nakakasalubong. Mahirap na, baka mailang pa ako. Pakiramdam ko pag nandiyan siya, ang bilis bilis ng nangyayari. O baka naman bumabagal pag nandiyan siya? Ano daw?




Ikaw ba naman, i-kiss diba? Hindi naman kami couple, imposibleng may gusto rin siya sa akin. Ha. Mangarap naman ako, walang magkakagusto sa akin.



Mataba ako, tapos maliit pa. Talong-talo nga ko ni Dana sa totoo lang. Sa attitude lang ako lamang. Hay. Naii-stress ako, huhu jusmiyo carbonara parang nakakagutom nangyari sakin ah?





Papunta na ako sa canteen nang biglang may umakbay sa akin. Sa hitsura palang, halatang varsity at.. teammate ni Apollo?



"Pamela, sumama ka sa akin."


"H-ha? A-anong g-gagawin m-mo s-sakin?" Kabado kong tanong. Andito na kami sa canteen at ramdam ko ang mga masasamang tingin nang mga babae dito. Ha, maiinggit sila! Juk.


"Hoy taba 'wag feeling ha!" Sigaw nung isang babae na nasa gilid lang namin. Nako, kelan pa sumisigaw ang palaka? Grabe naman kakaiba na pala dito sa world?



Tumawa naman 'tong nakaakbay sakin. Yung totoo pre?



"Haha. Pinapatawag ka ni Apollo sa gym. Wala akong balak sa'yo. Lagot ako kay Apollo kung ganon bambi."


Ano daw? Ba't siya malalagot? Tsk. Nakakabobo na rin pala nangyayare sa akin ano?



Nagpatuloy kami sa paglalakad nang mapatigil kami dahil may nakasagi dito sa kasama ko. And the worse, natapunan ng juice yung jersey nitong kasama ko. Uh, oh.




Nang tumingin ako sa sinong nakasagi, nanlaki mata ko. Oo mga dai yung parang kasing laki sa owl. Ganon mata ko, oo na panget ako magulat gege balik sa pangyayari.



"What the fuck?!"


"Chill. Nakaharang ka sa daan." Sabi nitong si Ethan. Hindi ko alam kung nagsasabi siya ng totoo dahil hindi naman kami nakaharang dahil nasa gilid na kaya kami.



Hindi ako tumingin sa kaniya kaya tinitigan ko yung sahig. Ang cute ng sahig may natirang floor wax. Kawawa naman kung sino makaka-apak dito, madudulas.



"Gago! May problema ka ba?" Lalapitan sana niya si Ethan nang humarang ako. Siguro naman enough na pagharang ko? Mataba naman ako kahit uhm, maliit.



"Hayaan mo na. Pagpasensyahan mo na si Ethan." Sabi ko at hinatak na siya paalis don. Ano ba yan nakaka-agaw kami ng atensyon. Okay lang bida naman ako sa kwentong ito. Haha!



"Bambi!" Napatigil na naman ako nang marinig ko ang boses ni Ethan. Kaya naman nang makakalma, naglakad ulit ako at nakasunod itong kaibigan ni Apollo.



EXTRA ghorlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon