Chapter 8

13 1 0
                                    



^*^





"So cheater nga! Ang kapal ng mukha para mangloko! Kung ako nasa posisyon niya, hindi ko na ipagpapalit si Apollo sa iba!" Gigil na sabi ni Trizha.




"E kaso, hindi ka naman si Dana." Pang-asar naman ni Mikee kay Trizha at nag-asaran na sila.



Napapaisip ako. Sa lips sila nag kiss. Meron bang magkaibigan na ganon? Aba syempre wala. E mag pinsan? Edi lalo na yon! Ano incest?! Family stroke?!

"Anong balak mong gawin ngayon, Pam?" Tanong ni Mikee sa akin. Mukhang tapos na sila magrambulan ni Trizha.


"Hindi ko alam." Totoo naman talaga.


"Gusto mo bang lapitan si Dana at kausapin?" Tanong ni Trizha.

Binalingan naman siya ni Mikee. "Gusto mo ba magkaroon ng gulo? Alam mo naman yang si Dana, eskandalosa. Baka pati dito magkalat." Sabi sa kaniya ni Mikee.

"Oo nga no." Kakamot-kamot sa ulo niyang sabi.

Pero para namang unfair kay Apollo. Unfair kasi ako may alam na may ibang kasama si Dana tapos siya walang alam. Kahit naman masakit ginawa ni Apollo sakin e kaibigan ko parin naman siya.


Naglakad na ako. Tinatawag ako ng dalawa na nakasunod naman.

"Hoy, Pam anong ginagawa mo?" Tanong sakin ni Mikee.

"Kakausapin si Dana."

"Go, Pam wooo! Support support!" Pag cheer ni Trizha sa akin.

"Dana." Tawag ko sa kaniya. Nang lumingon siya ay nanlaki ang mata niya.


"W-what are you doing here?" Gulat niyang tanong. Akala naman may gagawing masama sa kaniya kung maka-react aba. O baka ganiyan siya kasi nahuli namin siya.


"Duh, this is mall. Ano sa tingin mo gagawin namin dito?" Mataray na tanong ni Mikee.

Nawala ang gulat sa mukha ni Dana at tumawa siya. Yung tawang nakakairita. "Oh really? Hindi naman kasi kayo nababagay dito. Baka mamaya trying hard lang kayo."




"HOY KUNG IPASAK KO KAYA SA BUNGANGA MO YUNG PAPER BAGS NA MGA DALA NAMIN?! AYUS-AYUSIN MO LANG SINASABI MO HA!" Gigil na si Trizha.


Ayaw daw nila ng gulo pero ba't tong mga kaibigan ko g na g. Oh noes.


"How dare you--"

"Sino yung kasama mo?"

"WHAT?"

"Bingi ka ba? Sino daw yung kasama mo. Kailangang ulit-ulitin? Sige ka baka matuluyan ka." Sabat ni Mikee.


"I am not talking to you!"


"Dana sino ba yung kasama mo?" Pag-ulit ko ng tanong.


"Why do you care? It's none of your business piggy oink oink." Aba magaling nakuha pang mang-asar.

"Wala naman akong pakialam sa business business mo. Pero ibang usapan na pag si Apollo na niloloko dito." Sabi ko at nagulat ulit siya.


"Anong pinapalabas mo? Na manloloko ako? Ang kapal ng mukha--"

"Nag kiss kayo nung lalaki. Ano sa tingin mo iisipin ko? Nag e-ml lang kayo?"


Natawa naman yung dalawang bruha sa sinabi ko.


EXTRA ghorlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon