6

4 1 1
                                    

Parang mababaliw si natasha sa kakaisip kung tama ba ang pagkakaintindi sa sinabi ng kapatid niya na sasamahan siya ni nick sa england? O baka naman pinaglalaruan lang siya ng imahinasyon niya? Kung totoo man o hindi para sa kanya isang bangungot yon at kailangan niyang gisingin ang sarili.

Nagulat siya ng sinabi ni nick na sasamahan siya nito sa england para bantayan. Sinabi ng binata na ayaw na siya nitong makita pero bakit nagkaganun na lang bigla?

"Parang may mali dito"aniya.

"Walang mali rito kung kapakanan mo naman ang inaalala rito. Kaya sasama ako sayo"

Huh! Nagpapatawa yata ito. Nababaliw na ba siya? Diba ayaw na siyang makita nito.

"Hindi ko nga kailangan ng yaya" pagpoprotesta niya. "I'll be fine."

"Kailangan mo pa rin na mag-ingat hindi natin alam kung kailan sila aataki. Hindi ka pwede umalis na lang basta basta ng walang bantay" sabi ng kuya niya.

"Si louie na lang ang ipasama niyo sa akin wag na si nick dahil alam naman natin na busy siyang tao at kailangan din siya ng company niya" pagpupumilit niya.

"Bakit? Nick is the obvious choice. Bukod sa military training siya alam din niya ang pasikot sikot sa england. At pinagkakatiwalaan ko siya. You coudln't be in safer hands"

Wala siyang alinlangan sa kakayahan ni nick dahil alam nilang hindi ito basta-basta na tao kilala rin itong mainpluwensya sa bansa.

"Hindi ba't incharge siya sa lahat ng US operations ng kompanya niya? Paano kung biglaang magkaroon ng problema at kailanganin siya habang nasa england?"

"Si nick na ang bahala roon. Right nick?" Sabi ng kanyang kuya.

"Yeah" anito.

It didn't make sense. Kahit sino ay iisiping gusto siyang protektahan ni nick. Pero para sa kanya ay napakalabo nun lalo na nung nangyari sa kanila ng nagdaang gabi at sinabi nito na ayaw na siyang makita kahit kailan.

Pinilig niya ang kanyang ulo. "Ayoko sa kanya, wala na bang ibang paraan?"

"Alam kong nabigla ka, pero wala ng ibang paraan kundi ang samahan ka ni nick patungong englad"

"Look. May naka-serve na akong kwarto, pwede naman dagdagan ng security at pwede i-upgrade ang penthouse ko" pagpupumilit niya kahit alam niyang hindi siya mananalo.

"Pumayag na si nick"

"Pero matatagalan ako don. Baka nga abutin pa ako ng kalahating taon bago maayos ang lahat ng kailangan kong ayusin. This is crazyy!"

"Mananatili si nick hanggang sa maayos na ang lahat. Baka nva matapos din ito ng ilang buwan o baka linggo pa"

Pero kahit alam niyang araw o lingo lang bago matapos ay masyadong mahaba ang araw na iyon para sa kanya. Iniisip pa lang niyang makakasama niya si nick ay parang pinabangungot na siya ng gising.

"Pleas, natasha. Gusto lang namin na maging ligtas ang lahat bukod don wala ng pinagkakatiwalaan ang kuya mo kundi si nick lang" sabi ng hipag niya.

"Alam ko," sabi niya sa mahinang boses. Ngunit alam niyang siya ay hindi magiging ligtas kay nicholas. Lalong lalo na ang puso niya.

Nayanig ang mundo niya. He challenged her body ang soul. He turned inside and out with longing. Ipinaramdam nito ang emosyong ayaw niyang pangalanan. Sya? Magiging ligtas dito? Mukhang malabo yata iyon.

"P-pero kasi...."

"Ano?" Matigas ang boses na tanong sa kanya ni nicholas. Kumurap siya ng dalawang beses bago niya ito lingunin.

Wrong Love At The Wrong Time Where stories live. Discover now