13

1 0 0
                                    

Magkahawak ang kamay nila habang tinatahak ang pinaka espesyal na lugar na pinuntahan. Nakangiti sila habang naghahawak.

Nakarating na sila sa wishing well, ngayon na lamang sila nakapunta dito, hindi karamahihan ang mga tao ngunit pansin mo sa kanilang mukha ang kasiyahan.

Unang nag-wish si Natasha. Nakangiti naman nilang binitawan ang isa't isa.

"Lord, sa mga sandaling ito, sana maging masaya na ang mga pagsasama namin. Hiling ni Natasha habang nakapikit at tahimik na humiling.

"Lord, please sana hindi na kami magkahiwalay, at sana sya na talaga ang babaeng pakakasalan ko soon as possible."

Nakangiti naman silang umalis ng matapos humliling, pumunta sila sa duyan at pinaupo ni Nick si Natasha, Habang tinutulak ni Nick si Natasha ay biglang tumugtog ang pinaka-paboritong tugtog.

Nagkatinginan ang dalawa at masayang idunuduyan si Natasha.

Halos 2 oras silang nasa park, kaya binalak na ni Natasha umuwi, tumango naman si Nick at hinawakan ulit si Natasha palabas ng park.

Nakalabas na sila ng park ng biglang may lumapit na lalaki, at inalok sila ng libreng ticket sa sinehan.

Romantic ang palabas na ibinigay sa kanila, hindi naman sila tumanggi at agad na pumunta sa sinehan.

Naglakad na sila papunta sa sinehan, hindi naman ito kalayuan mula sa park, iniwan din nila yung kotse sa parking lot, kaya dumiretso na sila at magkahawak ng kamay.

Wala pa sila sa loob ng sine ng makakita sila ng popcorn at softdrinks, bumili naman sila ng giant popcorn and 2 softdrinks tsaka sila pumasok sa loob.

Madami-dami din ang mga tao, pinili nila doon sa pinakataas upang makanood sila ng maayos, masyado kaseng malaki kung mismo sa baba sila.

Hinawakan ni Nick ang kamay ni Natasha habang paakyat at papunta sa 18 row. Nakangiti namang tumango si Natasha sa kanya.

Nakaupo na sila sa upuan at inaantay na lang na magsimula ang palabas.

"Ano kayang klaseng romantic movie na ito? Ngiting sabi ni Natasha.

"Sigurado namang maganda yan, romatic eh." Anito ni Nick.

Nagsimula nang mag-umpisa ang palabas, tutok na tutok naman sila sa pinanonood, hindi pa nila nababawasan ang kinakain.

*3:30 p.m

Natapos na ang palabas, naubos na nila ang pagkain at inumin, lumabas na agad sila at dumiretso sa parking lot.

Sumakay na si Natasha sa kotse at si Nick, pinaandar na ni Nick ang kotse.

"Nag-enjoy ka ba?" Tanong ni Nick.

"Oo sobra, ngayon na lang kase nangyari ulit to." Aniya ni Natasha.

Umidlip muna si Natasha dahil ramdam nya ang pagod sa mga ginawa nila, si Nick naman ay maayos na nagmamaneho at nakangiting tumingin kay Natasha.

Nakarating na sila sa mansion, ginising na ni Nick si Natasha at sinabing narito na sila. Tumayo naman si Natasha at agad na pumunta sa kwarto at natulog.

Sinilip naman ni Nick si Natasha ng mahiga na ito sa kama, at umalis din nang makitang pumikit na ang mga mata nito.

Naghubad si Nick ng damit, hindi na sya nagpalit ng salawal, napagod din sya sa park at panonood ng sine.

*5:49 p.m

Nang magising si Natasha, bumaba ito para kumuha ng tubig at pumunta sa banyo. Nang biglang may kumatok sa pinto.

Wrong Love At The Wrong Time Where stories live. Discover now