"Eto ba yung cafe na sinasabi mo?" Tanong ni nick
"A-ah oo n-nandito na pala t-tayo." Hindi na namalayan ni Natasha na nakarating na pala sila sa Cafe. Dahil punong-puno ang utak nya ng mga katanungan kaya't wala syang imik habang nagmamaneho si Nick.
Lumabas na si Natasha sa kotse, hindi na nya nilingon si Nick sa kanyang paglabas kaya dumiretso na sya sa loob ng cafe.
Nakapasok na si Natasha sa cafe ngunit di nya pa ding nakikita si Nick na nakabuntot sa kanya,nagkaroon ng ngiti sa mga labi ni Natasha ng di nya makitang andito si Nick.
Pero hindi sya sanay na wala syang kasama na umalis. Umupo na sya sa dulo ng cafe,mas gusto nyang mapag-isa kaya pinili nya dong pumwesto.
"Good Afternoon Maam,what's your order po?", tanong ng waiter.
"Uhm Give me one mocha cafe and one slice of cheese cake," sagot nito.
"Copy po maam".
Ilang minuto pa ang hihintayin ni Natasha sa kanyang inorder,hindi sya mapakali iniisip nya kung nasaan si Nick. Kahit na andyan naman yung kotse.
Nakatingin lang si Natasha sa labas ng cafe,nag-aantay na sumunod si Nick ngunit wala pa din ang binata.
"Here's your order maam,enjoy your food".
"Thankyou." Nagsimula nang kumain si Natasha. Enjoy na enjoy sya sa cheese cake at mocha cafe na binili nya, ito kase yung paborito nya sa lahat ng desserts.
Wala pang isang oras ay mas pinili na ni Natasha na umuwi kesa mag-stay padin dito. Hinahanap-hanap padin nya si Nick, na akala nya'y susunod sa kanya hanggang dito pero walang Nick na nakita.
Nakalabas na sya sa cafe,at dumiretso sa parking lot,pagkabukas nya ng pinto,nagulat sya ng makitang si Nick ay natutulog,nagtataka sya kung bakit natulog ito.
Hindi nya na ginising si Nick pumasok na sya sa loob at nilapitan si Nick malapit sa kanyang mukha.
Biglang pumatak ang luha ni Natasha,nang makita ang napakagwapong itsura ng kanyang boyfriend."Nick, kung tinanong mo lang kung bakit ko nagawa sa iyo yon,edi sana masaya na tayo ngayon, ipapaliwanag ko naman e. Patawad mahal ko."
"Teka?baket kaya di nya natanong kung baket ko sa kanya nagawa iyon?"Tanong ni Natasha sa kanyang sarili.
"Hey, andito ka'na pala. Nawala naman ba kahit papano ang stress mo?"pagtatanong nito kay Natasha na nakalapit ang mukha sa kanya.
Agad namang inilayo ni Natasha ang kanyang mukha mula kay Nick,nagkaroon sya ng konting hiya sa nangyari.
"Sh*t!" bulong nito sa ka'nyang sarili.
Umayos na si Nick sa pag-kakaupo para ipagmaneho si Natasha ng biglang magsalita si Natasha.
"Nick,may tanong ako sayo?"
"Ano?"
"E-eh kase, pano ko ba to sasabihin? ay hindi ko na lang sasabihin. Sa susunod na lang pala hehe." Aniya at nag iwas ng tingin.
"Ano ba yon Natasha? Sabihin mo na kase." Pamimilit nito.
Wala ng nagawa si Natasha kung hindi ang sabihin kay Nick ang tinatanong nya.
"B-bakit hindi m-mo tinanong sa a-akin kung b-bakit ko n-nagawa ang m-mga bagay na i-iyon." Utal na sabi nito.
Bumakas sa mukha ni Nick ang galit at inis nito, kaya't pasigaw s'ya nito'ng sinagot.
"Oh come on Natasha! BAKIT KAILANGAN MO PANG IBALIK ANG MGA BAGAY NA YAN?DAPAT NGA KINAKALIMUTAN MO NA YAN E,
KASE IKAW MISMO ANG GUMAWA NYAN! KAYA WAG KA'NG UMAKTO NA PARANG IKAW PA ANG NASADSAKTAN!"
YOU ARE READING
Wrong Love At The Wrong Time
Romance'Sisiguraduhin ko'ng sa akin pa rin ang bagsak mo.'