GUSTO nang pagdudahan ni natasha ang sarili niyang salita makalipas ng ilang araw dahil kakaunti pa rin ang nagko-confirm na dadala sa darating na launch. Kung sakali man mukhang hindi na nila kakailanganin ng caterer. Para sa dalawang daan na ka-tao ang order nila pero dalawampu lamang ang dadalo.
Kahit ilang beses niyang tinawagan ang opisina ni Duke kamē aloha ay hindi pa rin niya ito makausap.
Tatawagan na lang daw siya nito--na hanggang ngayon ay hindi pa din nangyayari.
Lalo lang siyang nai-stress sa paglipas ng mga araw. Mabagal ang fit-out at aligaga na ang mga staff para sa final number ng guest. Nakatanggap din siya ng tawag mula sa kalahati ng jewelry designs niya para sa launch ay naka-stock pa rin sa customs.
At mas lalong hindi rin nakatulong na nakabuntot lagi sa kaniya si nick. Tinitignan nito kung ano ang ginagawa niya, tsine-check kung sino ang kausap sa telepono at humahara-hara sa daraanan niya. At sinasaamaan ng tingin ang mga nakakausap niyang lalaki na staff nila. Wala naman siya sa panganib pero kung maka sunod ito sa kaniya ay parang aso na handang sakmalin ang kung sino man ang lalapit sa kaniya.
Ang masama hindi siya maka galaw nang hindi dine-demand ni nick na alamin kung saan siya pupunta at sino-sino ang mga kausap niya. Hindi na nakapagtataka kung sumakit ang ulo niya dahil sa dami ng iniisip.
"Hindi mo ako kailangan sundan kahit saan" sabi niya rito nang makapagbayad siya sa receptionist at lumabas ng clinic. Kinailangan niya magpakunsulta sa doktor. Dapat yata ay sa psychiatrist dahil konti na lang ay mababaliw na siya. Dumagdag pa itong si nick na kung maka sunod ay parang aso, kulang na lang mag-tinahol tahol na ito na parang aso ito,dahil sa kakulitan ni Nick.
"I'm supposed to look after you." Sagot nito. "Paano ko iyon magagawa kung gusto mo akong takasan?" Dagdag pa nito.
"DUh sa kanto lang itong clinic. Hindi sa kabilang isla" masungit na sabi niya.
"Whatever" wika nito at binuksan ang pinto ng limousine para makasakay siya.
"It wouldn't do any good. Hindi ka rin naman makakalayo."
"Banta ba yan?"
Tinignan siya nito ng matalim. "Consider as a promise." Anito.
Nagmaneho na palayo sa clinic. Lalo lang siyang na-frustrate dahil hindi na ito kumibo.
"Hindi ka ba nabo-bored sa ginagawa mo"
"Hindi naman ako nabo-bored magmaneho" gusto niya itong batukan dahil sa sagot nitong walang ka kwenta-kwenta.
"Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Dapat ay nandun ka sa pilipinas at hindi ka dapat manatili dito sa england para lang bantayan at protektahan sa kung sino ma'ng hayop ang may pakana ng death threat na iyon na pwede rin namang hindi totoo"
"Sino'ng may sabing hindi 'yon mangyayari?" Salubong ang kilay na sabi nito sa kaniya.
"Sa palagay mo ba, may basehan ang bantang iyon? E mukha ngang hindi 'yon totoo, and worst baka trip trip lang yon" inis na sabi niya dito.
"Hindi mahalaga kung ano'ng isipin ko. Ito ang gustong mangyari ng kuya mo kaya ito ang gagawin ko" anito "pabor din naman sakin 'to" dagdag pa nito sapat na para hindi niya marinig.
"At kapag sinabi kong umalis ka?"
"That's not ganna happen, mataas ang respeto ko sa kapatid mo at hindi ko siya bibiguin."
"At hindi na mahalaga kung ano'ng gusto ko"
Saglit itong natigilan bago siya nilingon. "Ano bang gusto mo?"
Shiiiiit yung mga matang yaaan!!!
"Gusto ko..... Gusto kong umalis kana"
"Plano ko rin yan" sabi nito.
Sa hindi malamang dahilan bigla na lang sumikip ang dibdib niya. Ito naman ang gusto niya pero bakit nasasaktan siya.
"Basta sinabi ng kuya mo na pwede na akong umalis" dagdag pa nito.
Pabagsak na sumandal siya sa upuan. Lalo lang yata sumakit ang ulo niya. Binuksan niya ang bintana ng kotse baka sakaling marelax ang sistema niya.
Maya maya ay binasag nito ang katahimikan. " Ano'ng problema? Ano'ng sabi ng doktor sayo?"
"Stressed daw. Binigyan niya din ako ng sleeping pills."
"Good idea," komento nito. "Kailangan mo talaga ng disenteng tulog. You've been looking like hell lately." Nakangising dagdag pa nito.
"Geat! Salamat sa panlalait" aniya sabay irap dito.
Gusto na niyang makauwi agad at magpahinga. Of f*cking course, she looked like hell. Pero wala siyang pakialam sa itsura niya. Gusto lang nyang makatakas sa presensya nito. It's f*cking soffucating.
Pagdating sa mansyon ay bumaba agad siya ng sasakyan pumunta sa kusina at uminom ng tubig.
"That should make you feel better." Sabi ng binata na hindi niya napansin na nasa likod na pala niya.
Hinarap niya ito. "Ano ka ngayon? Doktor? Matindi rin pala ang qualification mo. Financial savior of the universe, bodyguard, at doktor. Wala ka bang hindi kayang gawin?"
"Hindi ako marunong magluto pero kaya kong mag-order. Ano gusto mong kainin?
'Puta pilosopo.'
"Wala. Hindi ako magugutom"
"Wala akong pake kung hindi ka nagugutom, pero kakain ka pa din"
"Nanay naman kita ngayon?" Asik niya dito.
Sumimangot ito at sumandal sa mormol na kitchen top sa likuran nito.
"Pagod ka na siguro. Dapat ay matulog kana"
"Maybe you should mind your own business and leave me alone."
Huminga ito ng malalim. "Natasha, inumin mo na ang sleeping pill mo para maka pagpahinga kana"
"Bakit ko naman gagawin ang gusto mo?" Masungit na sagot niya.
"Dahil iyon ang sabi ng doktor mo. Ipapaalala ko lang sa'yo. Now be a good girl. Gawin mo ang sinabi ng doktor mo."
Pinukol niya ito ng matalim na tingin. "Hindi na ako bata. Huwag mo akong tratuhin na parang bata."
"Pwes, don't act like one"
Inis na tinalikuran niya ito at umakto na parang hindi nasaktan sa sinabi niya. Paano siya aakto ng tama kung naiinis siya sa kaarogantehan nito? Mukhang inilalabas na nito ang masamang ugali nito.
Ano pa ba ang dahilan kung bakit nagpahalik siya rito noong nasa terrace sila? At bakit lagi na lang niya ito inaaway? Dahil nakakainis ito.
Humalukipkip siya hinarap ulit ito. "Hindi ko naman gusto ma-stuck ka kasama ako."
"Fine. Ayoko rin ma-stuck dito kasama ka. Pero nandito na. I'm stuck with you. So let's make the best of it. Inumin mo na ang gamot para maka pagpahinga ka!"
Bumuka ang bibig niya at akmang sisinghalan niya ito pero mas pinili niyang huwag makipagtalo pa rito. Masyado na siyang pagod ngayon araw.
"Fine. Good night then." Aniya at tinalikuran na ito ngunit hindi naka ligtas sa pandinig niya ang huling sinabi nito.
"Sweet dreams.. baby."
Hindi na niya ito hinarap at nag mamadaling umakyat sa kanyang kwarto habang sapo niya ang kaniyang dibdib kung san nandoon ang kaniyang puso na mabilis ang tibok.
F*ck inlove nga ako!!!
-continue-
YOU ARE READING
Wrong Love At The Wrong Time
Romansa'Sisiguraduhin ko'ng sa akin pa rin ang bagsak mo.'