Chapter 29

330 16 3
                                    

A N D R E I

Binigyan kami ng 2 hours to rest. 10am call time na ulit sa lobby. Buti nalang yung mga tents naka set-up under the trees kaya hindi mainit but super hangin.

You wanna know the reason? kasi i forgot my jacket sa unit so binalikan ko pa. Pagdating ko sa Henry Sy, bus nalang ng Swimming Team yung natira.

Eto namang mga teammates ko, hindi man lang nagtaka kung bakit wala ako.

"Pwedeng yung things sa labas nalang?" Sabi ko sa kanya.

"Paano kung mawala?" Sabi niya at nahiga.

Ang sungit naman ng buddy ko, pagtiyagaan mo ako Tin 4 days lang 'to.

Sulitin mo na ako.

Ang laki laki nung tent, 5 tao kasya. Kahit magpagulong gulong pa siya dito, go.

"Okay." Sabi ko at nahiga.

Nung naramdaman ko na hindi na siya gumagalaw, tinignan ko siya.

"Anong tinitingin tingin mo diyan?" Sabi niya sa akin.

Ang sungit talaga ng buddy ko.

"Bawal ba tumingin?" Sabi ko lang.

Ang sarap talagang asarin neto ni Tin. Asar talo eh.

At namiss ko siya.

"Oo bawal, pwede ba? Nandito ako to relax not to mingle with you." Woaahh.

Palaban. Yan yung mga gusto ko. Turn-on ako diyan. 😆 joke HAHAHA

"Okay buddy, wag mo na ako sungitan matulog ka nalang diyan." Sabi ko sa kanya bago siya tuluyan ng pumikit.

Ilang sandali pa ay nag-ring na yung bell namin paglingon ko kay Tin wala na siya sa tabi ko.

Paglabas ko ng tent, nakita ko siya na nakatayo na nakikipagusap kay Aduke.

"Buddy, bakit mo naman ako iniwan?" Sabi ko sa kanya ng pasigaw

At dali dali niya akong pinuntahan.

"Andrei, pwede ba? Wag ka gumawa ng eksena dito. Wala naman sinabi na dapat magkasama palagi yung partners. Pwede ba?" Sabi niya sa akin at napaatras ako.

Ang tapang talaga ni Tin. Nakakatakot.

"Nagtatanong lang ako, masama ba yun?" Sabi ko at nag-pamewang na siya ulit.

Si Tin kapag galit talaga siya sayo, talagang hindi ka niya kakausapin hangga't may nararamdaman siyang sakit o bigat sa loob niya.

"Andrei, hindi yun yung point ko." Pasigaw niyang sabi sa akin.

"At alam mo yun!" Dagdag pa niya.

Buti nalang wala ng tao dito sa tents, nandun na lahat sa lobby kumakain. Even si Aduke, umalis na sila kanina.

"Tin, ang babaw mo naman. Parang yun lang." Sabi ko sa kanya bago ako umupo at nagsuot ng sapatos ko.

Nakita ko naman na hindi pa rin siya umaalis sa harapan ko.

"Ako pa ba yung mababaw, drei?" Nagiba yung tono ng boses niya.

Parang iba na yung gusto niyang iparating.

"Tin, tara na." Sabi ko sa kanya pero nagulat ako nung tanggihan niya yung  yaya ko sa kanya.

"Sige na, mauna ka na dun." Sabi niya at pumasok siya bigla sa tent namin.

Tumayo ako sa labas, nagiisip ako kung paano ko siya mapapa-amo.

"Hindi pwedeng mag-isa lang akong pupunta dun." Sabi niya sa akin. 

Tinignan niya ako ng masama bago siya nagsalita.

"Pwede ba?" Sabi niya. Ang sungit talaga.

"Buddy nga eh, di ba?" Sabi ko habang nakatingin sa mga mata niya.

"Eh di walang iwanan." Dugtong ko bago ako umupo sa tent na katapat ng tent namin.

Nakita ko naman sa mga mata niya na nahiya siya sa sinabi ko.

"Kung hindi ka aalis, dito lang din ako." Sabi ko sa kanya bago siya tuluyan na ngumiti ng bahagya.

Aww namiss ko tuloy bigla si Tin. Kahit na nasa harap ko na siya ngayon, kahit na magkatabi kami natulog kanina hindi pa rin enough.

Parang ang tagal tagal ko siyang di nakausap at nakita.

At masaya ako na kahit papaano eh, gumagaaan na yung loob niya ulit sa akin.

"Mauna ka na nga." Sabi niya habang inaayos yung gamit niya sa bag niya.

Well, Amélie is a different story. She's my blockmate. Dun ko siya nakilala.

Singkit. Maputi. Medyo matangkad. Short hair.

"Tara na sabi ko!" Sabi ni Tin at binato niya sa akin yung tsinelas ko.

Sabi nga nila Aljun, parang si Tin lang.   Ang pinagkaiba nga lang daw, eh morena si Tin.

Pero hindi ko naman nakikita si Tin sa kanya at vice versa. Magkaiba sila. Pormahan palang ibang-iba na sila.

Si Amélie kasi super millenial siya, she always wear skirts and sleeveless tops while tin is on the conservative side.

Hindi siya pwedeng maging si Tin. Kasi si Tin, nag-iisa lang.

- - - - - - - -

T I N

Pagdating namin sa lobby, nakaupo na halos lahat ng teams. And as usual, balik kami sa teams namin.

"Ang tagal niyo!" Sabi ni Aduke sa akin bago ako umupo sa tabi niya.

"May inayos pa kasi ako." Sabi ko sa bago ako tumayo at pumunta sa catering service na nasa gilid namin.

Paglapit ko sa food, naramdaman ko na tumabi siya sa akin. And by the smell of his perfume, alam ko na kung sino 'to.

"Leg part po." Sabi ko sa nag-assist ng food.

"Bawal yan. Magagalit si Coach." Sabi ni habang kumukuha siya ng kanin.

Napangiti naman agad ako.

"Ang bawal naman, masama lang kapag sobra." Sabi ko sa kanya before I proceed dun sa other food choices.

Nanatili kaming tahimik hangga't sa dumating na sa point n kailangan ko na bumalik sa table ko to eat fast.

"See you buddy!" Sabi niya pero binalewala ko nalang.

Natutuwa ako kay Andrei not just because natutuwa ako dahil malapit siya sa akin but natutuwa ako sa kanya kasi kahit na marami ng nangyari month ago, nandun pa rin yung care niya for me.

Which is feel ko, hindi na mawawala sa kanya.

"Sus! Nakipag chitchat pa." Sabi ni Jolina pag-upo ko sa table namin.

Natawa nalang sila sa amin. Ganito lang talaga sila, pero believe me mababait 'to: kapag tulog.

Maya maya habang kumakain ang lahat, nagsalita yung instructor namin.

"Okay so yung purpose ng buddy niyo is, sila yung partner niyo and makakasama niyo sa duration ng stay niyo dito sa camp." Natuwa naman yung iba, pero ako ang hindi yata natuwa.

"This can't be." Sabi ko nalang sa sarili ko.

Tinignan ko si Andrei, at kita ko sa reaksyon niya na parang shy din siya. Pero he still managed to smile.

"Don't worry. I know, ate eight will understand." Sabi ni Aduke sa akin bago niya ako tuluyan akbayan.

Oh lord please, don't make this event too hard for us. 🥵🙏🏻

I • All About You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon