Chapter 48

370 42 2
                                    

A N D R E I

Nakayakap sa akin ngayon si Ate Pat, pinauwi kasi siya ni mama dito sa akin sa taft.

"Mag-ingat ka dun ha." Sabi niya sa akin habang yakap yakap niya ako.

"Oo naman ate, basta wag mo pabayaan sila mama ha." Sabi ko sa kanya habang nakatingin sa mata niya.

I admit, na minsan feel ko ako yung panganay sa kanila dahil nga siguro sa ako yung panganay sa lalaki. Kaya dapat ko talagang protektahan, kahit si Ate Pat.

"Basta kuya, umuwi ka." Sabi ni Vince habang kita sa mukha niya yung takot.

"Oo, uuwi ako. Ano ba kayo, basta ingat kayo dito ha." Sabi ko sa kanila.

One last time tinignan ko muna yung unit namin bago ako tuluyan lumabas. Paghinto ng elevator sa ground, tinignan ko agad yung relo ko sa pala pulsuhan ko.

It's 9:34. Medyo late ako, I was expecting makaalis ng 9am pero dahil late na kami natapos sa kwentuhan kagabi, late din ang gising ko.

Pinuntahan ako ng barkada sa unit namin kagabi, ewan ko ba sa mga 'yun feel daw nila kailangan nila akong puntahan.

Pero we had a good time, hindi nga lang kasing saya nung nandito pa si Tin.

Malapit na ako, tin.

Dumiretso ako sa unit ni Amélie, kasi nagkasundo nga kami sa mga usapan namin. Alam niya lahat ng plano ng ate niya, pwera nalang yung sasabihin daw sa akin ni Elaine.

"Andrei." Sabi niya sa akin at inilipag sa harap ko yung isang velvet-ish na pouch na color black.

Binigyan ko siya ng isang ano-'to-look, ngumiti siya sa akin at inilapit pa sa akin lalo yung pouch.

"Self-protection, andrei." Napaigting naman yung tingin ko sa kanya.

Kinuha ko yung pouch at medyo mabigat siya. Pagbukas ko nakita ko ang isang stainless. Ano 'to, nail cutter?

"Para san 'to?" Natatawa naman akong nagtanong sa kanya.

"Open it!" Sabi niya sa akin kaya nilabas ko yung nasa loob at laking gulat ko na ang laman pala neto ay...

Swiss knife.

"Ano 'to?" Nanginginginig na tanong ko at inilapag ko sa harap niya ulit yun.

"Andrei, better safe than never!" Sabi niya at nakita ko kung paano gumalaw ang mga kilay niya.

Tinignan ko lang siya bago siya mag-salita.

"Hindi ko sinasabi na gamitin mo yan, pero self-protection mo din yan." Sabi niya kaya kinuha ko yung swiss knife at binuksan ko.

Mukhang bagong bili pa, I never had this kind of thing. Ngayon lang.

Pero if sa tingin ni Amélie na gagamitin ko 'to against kay Elaine? No I don't.

Lalaki ako at babae pa rin si Elaine. Alam ko ang ginagawa ko, hangga't hindi kailangan ng dahas, hindi ako gagalaw.

Ang kailangan ko lang ay makuha ang gusto ni Elaine para maibigay na niya si Tin. Hindi ako magdadalawang isip na gamitin 'to, kasi hindi ko talaga gagalawin 'to.

"Ingat, andrei." Sabi ni Amélie sa akin paglabas ko ng unit niya.

Mauuna ako sa place, alam ko na yung pupuntahan ko. Susunod na rin si Amélie mayamaya, para di kami halata.

I gave her number, address and other personal informations sa mga barkada ko. Especially kay Cheska, alam ko na matutulungan nila ako just incase na magkaroon ng aberya sa kanya.

I • All About You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon