Chapter 46

433 43 1
                                    

A N D R E I

By this point in time, alam na ng parents ko what's going on with Tin. Alam na nila yung issue with Tin. Kaya they also suggest na sa condo ko muna patuluyin yung family ni Tin, for safety purposes.

Hindi namin alam yung reason kung bakit siya nawala or bakit siya dinukot pero we need to think din what's best for her family. But I don't think na pupunta sila dito pero if yes, i am willing na tumira muna sa dorm, para atleast di ba.

"Maghahanap ka kuya?" Sabi ni Vince sa akin paglabas ko ng CR.

it's a Sunday kaya super unsual na wala sila mama pero sabi ko sa kanila, wag na muna sila magdididikit sa akin, kahit na sino. Ayaw ko munang may kasama ako lagi, hindi natin alam baka mamaya susunod na pala ako i-hunting, ayokong may madamay sa gulong pinasok ko.

"Wag na vince, antabay ka nalang sa social media. Baka may nakakita sa kanya or what." Sabi ko sa kanya habang nagsusuklay ako.

Pupuntahan ko kasi si Amélie, actually hindi niya alam na pupuntahan ko siya pero sana nandyan siya.

"San ka pupunta?" Tanong niya sa akin.

"Kay Amélie. Wag ka ng gumala muna hangga't hindi natatapos 'to." Bilin ko sa kanya kaya naman tumango tango lang siya.

"Basta yung bilin ko, wag mo kakalimutan isarado yung pinto anytime. Please vince, gamitin mo ang peep hole bago ka magbukas ng pintuan. Libre yan at hindi nangangagat." Nakita ko naman kung paano niya kinamot ang ulo niya.

Better safe, than sorry.

"Balitaan mo ako. Dito ka lang." Sabi ko bago ko isuot yung cap ko at tuluyan ng lumabas ng unit.

Kapag lumalabas ako ng unit ko or ng kalsada, takot na takot ako. Baka bigla nalang akong dukutin or bigla nalang akong barilin diyan.

Natatakot ako para sa mga malalapit sa akin at lalo na sa family ni Tin.

"Andrei!"sabi ni Jollo at Cheska sa akin habang hinahabol ako.

"Ano? May balita na?" Sabi ko agad sa kanila. Parang may dala silang good news.

"May friend ako, he tried to hack the number. Look! Nakuha namin yung address kung nasaan phone niya." Sabi ni Cheska habang pinapakita sa akin.

Ang lapit nito sa bahay nila Tin. Bakit walang nagreklamo? Bakit walang nangialam?

"Thank you!" Niyakap ko silang dalawa ang they insisted na ihatid ako sa place kaya sumama na ako sa kanila.

Thank you, lord. Hindi man namin mahanap si Tin pero pwede ng way ito para makita na namin siya.

"Fuck! Auto ni Tin yan!" Sabi ni Cheska kaya naman tinabi ni Jollo yung sasakyan at bumaba kami.

May nakalagay na Police line do not cross.

"Mukhang okay naman siya." Sabi ni Cheska sa amin.

Pinaikutan ko yung sasakyan, wala akong nakitang gasgas. Walang bala ng baril. Walang sira. Walang kung ano.

"She's safe." Sabi ni cheska sa akin habang nasa kabilang gilid ako.

While Jollo is taking pictures of her car.

"Thank God! She's safe, drei." Inulit niya pa.

Hindi ko maiwan na hindi maiyak dahil sa kaba at sa saya na nararamdaman ko ngayon. Sana safe siya. Sana talaga hindi siya sinasaktan kung nasaan siya ngayon.

I • All About You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon