Chapter 43

451 28 5
                                    

A N D R E I

I'm now heading to Razon, galing ako sa class ko from Andrew. Kanina nakasalubong ko si Jolens, tumatakbo, male-late na daw siya sa class niya.

Nandun daw si Tin sa taas nag- ice bath pa daw sila with F2 Team. Wala kasi yung class ngayong araw.

Paglabas ko ng elevator, nakita ko agad yung ibang F2 na nagkkwentuhan sa labas ng shower room nila.

"Si tin?" I mouthed kay Michelle na nakatayo sa labas.

"Tin." Sabi niya kaya naman napatingin agad sila kay michelle.

"Ayun naman pala." Sabi ni Ate Kim sa akin kaya naman nahiya ako lumapit.

Nakakahiya 'no, knowing na halos lahat ng former spikers nandito.

"Your jowa is here." Sabi ni Kalei na napaka kulit lagi, super jolly at close na close 'to kay Tin.

Nakita kong tumayo si Tin galing sa ice bath nila tapos tumingin sa akin.

"Wait kita dun." Sabay turo ko sa bleachers.

Ilang minuto ng paghihintay ko, finally dumating na siya. She's wearing a pastel stripes shirt and a pants.

"Hey." Niyakap ko naman siya at hinalikan ko siya sa pisngi.

She just smiled.

"Gutom ka ba?" Sabi ko sa kanya kasi she look so tired, actually.

Sabi nga ni Jolens hindi daw maganda performance niya kanina sa training nila

"No." Sabi niya bago umupo sa tabi ko.

Hinawakan ko naman yung kamay niya at tinignan ko siya.

"Tell me what's wrong?" Sabi ko habang dahan dahan kong hinahaplos yung kamay niya.

Alam ko na may iniisip 'to, matamlay eh.

"Nag-aalala lang ako para kay Amélie, sa kwintas, sa akin, sayo, kay ma -" i cut her off.

"Bakit ka nag-aalala? Don't be, tin. Hanggat nasa tabi mo ako. Don't worry, leave it to me." Seryosong sabi ko sa kanya.

Ayoko na nag-aalala siya about dun, kaya ko yun. Kakayanin ko para sa kanya, kakayanin ko para kay Mama Agnes.

"Andrei, kilala mo si Elaine. Hangga't kaya niyang gawin, gagawin niya. Natatakot ako para sa ating dalawa." Seryoso din niyang sinabi sa akin 'yun.

At nakita ko na isa isa nang tumutulo yung luha sa mata niya.

"If you think that your gonna lose me this time, no tin." I assured her by giving soft kisses on her hand.

Sumandal siya sa dibdib ko at patuloy na naiyak dahil sa takot niya siguro. I dont't think na kakayanin pa akong mawala ni Tin sa buhay niya.

But if buhay ko yung kapalit para sa lahat ng 'to, i am willing to surrender my life basta okay siya and yung family niya.

"Makikipagkita ako mamaya kay Elaine, i'm sure makukuha ko ulit yung necklace." Sabi ko sa kanya habang hinahaplos ko yung buhok niya.

Don't worry tin, willing akong gawin lahat para sayo. Para maipakita ko sa family mo na deserving pa rin ako.

"No, drei. Sasama ako." Sabi niya sa akin at bahagyang umayos ng upo niya.

Pinunasan niya yung luha niya bago siya tumingin sa akin.

"Maybe let's go to Amélie again. Let's talk to her na baka pwedeng bawiin na niya kay Elaine." Sabi niya sa akin with full confidence na makukuha namin yung kwintas ng ganon na lang kadali.

I • All About You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon