Chapter 38

374 21 3
                                    

T I N

It's Sunday, nandito kami ngayon sa bahay kasi di ba we're going back to Canada. Ngayon happy ako na babalik sa Canada kasi alam ko na wala akong maiiwan dito sa Philippines, im good.

Andrei and I are good as well. I'm free now to go.

Wala nang atrasan 'to, good bye PH na talaga after I graduate.

"Desidido ka na talaga sa pag-alis?" Sabi ni ate eight sa akin habang inaayos ko yung mga damit ko sa luggage ko na nakapatong sa bed.

"Oo naman ate." Sabi ko habang ni-roll ko yung mga damit ko. Yung mga hindi ko na nagagamit sa everyday life ko, nilalagay ko na sa luggage.

"Handa ka ng iwan siya?" Sabi ni ate eight kaya naman napatingin ako sa kanya bago tumaas yung kilay ko.

The last time that we we're talking about andrei super sama ng loob niya kay Andrei. And I guess, it turns out na okay na siya with Andrei.

"Hindi ko naman iiwan ate." Sabi ko nalang habang tinuturo ko yung scar ko sa dibdib.

"I'm happy for him, i mean dun ako sa kung saan siya masaya. I can't be a hindrance. That's the most genuine love na pwede kong ibigay sa kanya, yung maging masaya." Sabi ko sa kanya bago niya ibato sa akin yung trench coat ko.

Hindi ko rin alam kung bakit may trench coat ako sa PH, pero eto yata yung ginamit ko nung nag-Japan ang F2. 😅

"Wala ka pa rin bang naaalala?" Sabi ni ate eight sa akin habang pinapagpag yung damit niya na galing sa cabinet.

Umiling lang ako sa kanya bilang pag-sagot.

"Alam mo ba yang si Andrei, mahal na mahal ka niya before. Before ka mawalan ng memorya." Sabi niya sa akin at diniin talaga niya yung before.

"Kapag hindi kayo okay at nandito ka sa bahay pinupuntahan ka pa niya dito." Litanya niya habang inaayos yung mga gamit namin na galing sa cabinet.

"Kaya nga nahulog ang loob nila mama sa kanya eh." Umupo ako sa kama at nanatiling nakikinig sa kanya.

"Tapos ikaw rin sa kanya, pinupuntahan mo siya sa Lucban lalo na kapag mahaba ang holiday." Sabi pa niya at nakuha pang ngumiti ng nakakaasar.

"Akala nga namin wala ng makakapaghiwalay sa inyo eh." Sabi niya at komportable ng umupo sa sahig habang kinukwentuhan ako.

"Sino yung babae?" Sabi ko sa kanya.

Natigilan siya at tumayo na ulit para mag-ayos.

"Si Elaine. Elaine Timbol." Sabi niya sa akin habang nakatalikod.

Sino si Elaine?

"N-nag away na ba kami before ni Andrei na siya yung naging dahilan?" Sabi ko at natigilan siya habang hawak niya yung mga damit na naka-hanger galing sa cabinet.

"Sa pag-kakaalam ko, oo. They are blockmates." Sabi niya habang iniisa isa na ang hanger.

"Pero kahit kailan hindi in-entertain ni Andrei yun." Natahimik ako.

"Kasi mabait na bata si Andrei." Dugtong pa niya.

"Alam niyo naman palang mabait si drei, so bat niyo nagawang magalit sa kanya?" Natigilan siya.

Hinila niya yung isang luggage at binuksan ito.

"Actually tin, nagalit kami sa kanya dahil sa aksidenteng inabot niyong dalawa." Pinipilit kong alalahanin lahat nung araw na 'yun, pero hindi ko talaga maalala.

I • All About You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon