Chapter 52

316 32 3
                                    

T I N

"Good Morning!" Sabi ko habang bumababa ako ng hagdanan.

Napatingin naman agad sa akin si mama habang hawak niya yung apo niya.

"Breakfast is ready, lets eat?" Sabi ni ate bibay habang hawak ang isang plate na may laman na toasted breads & cheese.

No more rice for breakfast.

"4 na linggo ka na dito tin, hindi mo pa rin inaayos yung mga maleta mo." Sabi ni ate aika sa akin pagbaba niya sa mula sa taas.

Napakamot nalang ako ng ulo ko habang napapangiti ako.

"Nako wala pa daw siyang will to live sa canada." Sabi ni ate eight sa akin habang inaayos yung kitchen table.

"Don't tell me may jetlag ka pa." Pang-aasar ni ate bibay sa akin kaya naman bahagya kong kiniliti siya sa tagiliran niya.

"Tama na yan, kumain na tayo." Sabi ni mama sa akin kaya naman nag-punta na sila sa kitchen and we ate our breakfast.

After eating our breakfast, my ates went to downtown for a walk and cycling naman si ate eight. Darating daw si kuya eumir mamaya sabi ni mama.

Medyo 30-minutes drive pa kasi from here hanggang sa kanila. Miss ko na si kuya, im glad that we will be meeting him. 4 weeks na kami rito, di pa siya pumupunta sa bahay to see us.

"Why didn't you join them, iha?" Sabi ni papa sa akin pagpasok niya from dirty kitchen hanggang sa sala.

Napatingin naman ako sa kanya bago ko siya alalayan papunta sa sofa.

"Still wanna rest, pa." Sabi ko sa kanya kaya naman napatingin siya sa akin.

"Parang i wanna give myself a rest po muna." Dugtong ko kaya naman natawa siya.

"We're 4 weeks here, 'nak." Sabi niya na naging dahilan ng pagtawa ko.

"Anong gumugulo sayo ha? tell me." Natahimik nalang ako at napatingin sa pintuan namin.

"Nothing, papa."

Kinuha niya yung kamay ko kaya napatingin agad ako sa kanya.

"Hindi pa rin ba nagpaparamdam?" Sabi niya sa akin na talagang ikinagulat ko.

Ngumiti ako sa kanya bago ako sumagot.

"Hindi ko po alam eh," sabi ko kay papa habang nanonood siya ng tv.

"I uninstalled my social media accounts for awhile." Napangiti naman siya bilang pagsagot.

Hindi rin naman ako nag-roaming para matext ako nila Cheska and Des + my barkada. Parang gusto ko munang lumayo sa mga taong makakapagpalapit sa akin sa Philippines.

Kapag okay na ako, babalik naman ako.

Umakyat ako sa kwarto ko para naman maging productive ako habang walang ginagawa pero nakakatamad talaga kaya nag palit ako ng shorts and ng sweater.

Lalabas nalang ako kasi di ko talaga feel mag-ayos ng luggage ko. Pagbaba ko sa hagdan, nakita ako ni mama na ayos na ayos.

"San ang lakad mo? May date ka?" Sabi niya sa akin habang nasa tabi siya ni papa sa sala kaya naman natawa nalang ako.

"Nasan po yung susi ng auto ni ate bibay, may pupuntahan lang po ako." Binigay naman sa akin ni mama yung susi ng sasakyan ni ate bibay.

"Ingat! Umuwi ka ng maaga, pupunta ang kuya mo." Yan yung huling sinabi ni Mama sa akin.

I • All About You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon