Chapter 5

521 19 2
                                    

T I N

"Hindi na mauulit ate eight. I'm sorry." Sabi ko sa kanya habang siya naman ay nakahawak sa sentido niya.

"Talagang hindi na mauulit! Alam mo ba mga ginagawa mo?" Sabi ni Ate Eight sa akin habang nakaharap sa akin.

Tinawagan ko siya through face time, I know gabi na sa Canada pero I need to tell her the truth.

"Ate, wala namang nangyari sa akin oh. Buhay pa naman ako." Sabi ko sa kanya at pasimpleng pinapakita sa kanya yung kamay ko at basically, yung sarili ko.

"Eh paano kung meron?" Galit na galit siya sa akin.

"Edi meron." Sabi ko lang.

Nakakapagod makipag-argue.

"I-risk mo buhay mo ha?" Sabi niya sa akin at nakatingin lang ako sa kanya.

"If that's the will, why not?" I exclaimed.

Totoo naman eh, if yun talaga di ba?

"Mag-isip isip ka nga, tin." Sabi ni Ate Eight bago niya i-end yung call.

Hinulog ko yung phone ko sa kama and I cried.

Hindi ko maintindihan bakit sila ganito sa akin.

Nakakapang-hina lalo na kung sila mismo yung walang tiwala sayo.

- - - - - - - -

A N D R E I

It's a Sunday, I was about to go out to take my merienda.

Diyan nalang siguro ako sa Green, para hindi na ako lalayo.

Pagpasok ko sa SBarro, nakita ko ang isang pamilyar na babae na nakatalikod sa pintuan.

She looked at me.

"Hi." Bati ko and I smiled.

Dumiretso ako para mag-order pagtalikod ko, nakatingin pa rin siya sa akin.

Umupo ako sa vacant seat sa harap niya. 

"Bakit ka nandito?" Sabi niya at hanggang ngayon hindi pa rin ako nililingon.

"Hindi na ba pwede?" Sabi ko sa kanya.

Buti nalang nakita ko siya dito, I got the chance to talk to her personally.

"Magmula nung nangyari 'yun, nawalan na ako ng tiwala sayo." Sabi niya habang nakatingin sa mata ko.

Ramdam ko yung galit niya sa akin.

At I understand her.

"Matagal na akong humihingi ng tawad sa inyo, sayo." Sabi ko sa kanya at ngayon nakahawak lang siya knife na gamit niya.

Ang diin ng pagkakahawak niya.

"Andrei, buhay yun ni Tin! Bakit ba parang ang dali dali lang sayo?" Sabi niya sa akin.

Buti nalang walang tao bukod sa amin.

"Aduke, hindi niyo alam yung pinagdaanan ko noon. Wag ka naman magsalita ng ganyan." Sabi ko at napaatras ako.

Parang kasalanan ko naman lahat?

Hindi naman ako at lalong hindi ko ginusto yun.

"Hindi lang naman ako yung muntik nang mamatay sa aksidenteng yun." Sabi ko sa kanya pero napa smirk nalang siya.

"Andrei, kahit anong sabihin at gawin mo hindi mo na maibabalik yung dating kayo." Sabi niya sa akin.

Ang sakit naman magsalita neto, di ako naka ilag.

"Mahal ko si Tin, mahal ko pa rin siya." Sabi ko sa kanya in my sincerest voice.

"Hindi ka niya mahal." Aray.

"Wala na siyang nararamdaman." Sabi ni aduke sa akin bago uminom ng iced tea na nasa harapan niya.

"Bakit ba ayaw mo na sa akin? Bago kami maaksi- " she cut me.

"See? Bago kayo maaksidente! Andrei, noon yun!" Sabi niya sa akin at halata ko sa mga mata niya na galit pa rin sila sa akin.

"At hindi mo na mabubuo ulit yung mga sinasabi mo." Sabi niya ulit.

Hindi.

Hindi ako susuko.

"Sirang sira na pangalan mo sa pamilya niya at hindi ka na nila kayang tanggapin." Sabi niya, tatayo na sana siya ng magsalita ako ulit.

"Hindi niyo nga ako pinag-explain." I sigh.

Nakakaiyak naman.

"Babalik ka nang ganun ganun na lang?!" Napalakas na yung boses niya.

"Nakainom ako 'nun!" Sabi ko sa kanya.

Tinignan niya ako.

"Andrei! Kahit nakainom ka, alam mo ginagawa mo!" Sinigawan niya ulit ako.

Ang hirap no, kapag nawala na tiwala nila sayo.

"It's just a hug!" Sabi ko sa kanya.

Sumo-sobra na siya.

Hindi na okay 'to.

"Dahil sa lintik na yakap na yan, muntikan na kaming mamatay!" Ang babaw di ba?

Yes.

"Aduke, hindi lang si Tin yung may tama! May tama rin ako." Tinuro ko yung likod ko.

Fresh pa sa akin lahat ng nangyari.

"Niyakap ko siya kasi hindi ko kayang hayaan nalang siyang mamatay. Pero, duks? bakit? bakit ang sama sama ng tingin niyo sa akin?" Nagsimula ng lumambot yung mga tuhod ko.

Napatingin siya sa labas.

I know, she wanted to cry.

"Aduke, tagos! Tagos yung tama sa akin. Ginawa ko yun dahil ganon ko ka-mahal si Tin!" At tumulo na yung mga luha ko na kanina pa gustong lumabas.

"Hindi naman kayo nag-suffer eh di ba? Hindi naman kayo. Kasi ngayon, ako yung hindi na maalala." Sabi ko bago ako tumayo.

Nakita kong umaagos na yung kuha ni Aduke.

"Buti nga eh, buti hindi na niya ako maalala." Natawa ako bago ko punasan luha ko.

"Para wala ng sakit pa, para di niya maalala lahat ng sakit na binigay ko sa kanya nung araw na yun." Sabi ko at kinuha ko na yung order ko na naka paper bag.

"Sorry, aduke ah. Sorry kasi muntik na siyang mamatay dahil sa kagagawan ko. Hindi ko sinasadya." Napatikom ang bibig niya.

"Pasensya." Sabi ko bago ako lumabas ng SBarro.

Ang bigat ng pakiramdam ko.

Dati wing-men namin ni Tin sa Aduke, siya yung nagiging takbuhan namin pag may problema kami.

Minsan siya pa yung nagiging daan para magkaayos kami. Lahat ng surprises, siya ka-tulong namin.

Pero nagbago yun matapos yung aksidenteng 'yun.

I • All About You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon