Chapter 51

391 30 3
                                    

T I N

It's been a month & masasabi ko talaga na naging tahimik yung buhay ko for the past month. Tipong school-bahay lang ako, no visiting of the dorm, no trainings.

Nag-paalam na rin ako sa OSD & sa Coaching Staff namin na hindi ko na itutuloy yung pag-lalaro ko.

A lot of them was shock, actually biglaan lang talaga. I'm planning to stay sa PH if naging okay kami ni andrei, if walang nangyaring gulo.

And yes, mag-stay sana ako para sa kanya. Siya kasi si Andrei, yung una at huling lalaking mamahalin ko more than my dad. Si Andrei yun, hindi naman ako makakahindi sa kanya.

Ginawa kong dahilan yung nangyari sa akin last month, yun yung sinabi kong reason kaya ako magpapatuloy na umalis ng bansa.

Actually, hindi naman talaga yun. I decided to go back to Canada kasi wala naman na yung rason ko para mag-stay pa.

"Okay na ba yung mga gamit mo?" Sabi ni mama sa akin habang nakaupo ako sa sofa.

Iiwan namin lahat ng furnitures namin dito, tho konti lang naman. And naibenta na namin 'tong bahay at lupa namin na 'to. Naibenta ko na rin yung nag-iisang sasakyan ko sa Philippines: sa kakilala ko lang rin naman.

Ang bilis ng mga pangyayari no?

"Bumaba ka na dun, papunta na yung grab." Ngumiti sa akin si mama bago tuluyang bumaba sa sala.

Tinignan ko yung mga maleta ko na nasa harapan ko ngayon. 3 luggages, all mine. Dala dala ko yung mga pabaon ng Philippines sa akin.

"Tin!" Sigaw ni Ate Eight sa akin kaya naman ngumiti ako at sumagot ako ng...

"Bababa na ate!" Tumayo ako sa kama ko at hinila ko na yung mga maleta ko, palabas.

Bago ko isara yung kwarto ko, tinignan ko na muna yung loob. Paalam.

Pagbaba ko sa sala, nakita ko na nakatayo na sila at palabas na si mama at papa. Suot na rin yung mga sweaters nila.

"Wala ka ng nakalimutan ha?" Sabi ni Ate sa akin habang bitbit yung dalawa kong maleta.

Ngumiti ako bago ako magsalita, "Wala na, ate." Tinignan niya lang ako ng isang nakakamatay na tingin.

"Don't worry, tin. Kung nasaan man siya ngayon, alam ko masaya siya kasi nandito ka na sa amin." Sabi ni ate habang inaayos yung damit ko.

Tinignan ko siya sa mata at ngumiti ako.

"Well, thank you sa kanya." Sabi ko at tuluyan na kaming lumabas.

Ako ang huling lumabas ng pintuan namin at tinignan ko muna yung bahay namin.

It's been 6 years. Thank you! 🥺

"Tin! Tara na! Baka traffic." Sigaw ni ate eight sa akin at nakita ko na pasakay na siya sa grab.

Kumaripas ako ng takbo papunta sa kanila at tinignan ko lang yung bahay namin hanggang sa hindi ko na 'to matanaw.

Pagdating namin sa Airport, agad kaming nag-check in ng luggages namin para no hassle na mamaya.

Hindi pa kami pumasok sa loob kasi sabi ni Mama baka daw may biglang dumating. Mama talaga umaasa pa, wag na. Masasaktan lang tayo.

"Tin!" Sigaw ng isang pamilyar na boses.

Tama si mama, may darating talaga.

Lumingon ako sa direksyon kung saan nanggagaling ang boses. You never fails to surprise me.

I • All About You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon