Chapter 33

319 17 3
                                    

A N D R E I

Ginawa ko lahat para mahanap ko yung kwintas, pero wala eh. Magiging delikado pa kung ipipilit ko yung gusto ko.

Pagbalik ko sa camp, dumiretso ako sa cr para mag-banlaw agad.

"Andrei, sa pinaka dulong room tayo." Turo ni Aljun sa akin na kalalabas lang sa cr.

Oh umuulan nga pala, kaya agad kaming tinransfer sa isang building na maraming bed.

"Yung gamit mo, nandun na rin. Hinatid na ni Tin." Sabay ngiti niya sa akin.

"Sige maliligo na muna ako." Sabi ko sa kanya at tuluyan na akong pumasok sa cr.

After ko maligo nadaanan ko yung quarters ng Lady Spikers.

"Mars, nandyan si Tin?" Tinuro ko naman yung loob.

"Ay yes kuya, saglit tawagin ko po." Tatalikod na sana siya ng biglang magsalita ako ulit.

"Wag na, salamat." At nginitian ko siya.

"Sure ka kuya ha? Nagbabasa lang naman siya eh." Napakamot naman siya ng ulo niya.

Minsan di ko rin kasi maintindihan yung nararamdaman ko. Minsan may pake, minsan wala.

"Sabihin mo nalang, thank you. Sa ano, sa paghatid ng gamit ko." Sabi ko bago ako tuluyan ng umalis sa harapan niya.

Bago ako tuluyan pumasok sa quarters namin, sinilip ko muna kung may Tin na sisilip.

Pero, wala eh.

- - - - - - - - -

T I N

"Thank you daw, ate tin." Sabi ni Marionne pag balik niya galing sa cr.

Nagbabasa ako dito, anong meron.

"Para san?" Nilingon ko naman si Mars mula sa pinto.

"Sabi ni Kuya drei, tatawagin dapat sana kita kaya lang sabi niya wag na daw eh." Sabi niya habang nagkakamot ng ulo.

Hindi ko pa rin sinasabi kayla duki yung nangyari kanina at wala akong balak sabihin sa kanila. Gusto ko manatili lang sa amin ni drei yung nangyari kanina.

Ayaw ko na palikihin yung gulo at para na rin 'to sa ikatatahimik naming dalawa.

"Nasaan na siya?" Umupo naman ako sa bed.

"Ay ewan ko lang kung nandyan pa, ate." Tumayo ako agad at nagpunta ako sa pinto.

Dahan dahan akong sumilip sa bandang dulo at walang Andrei akong nakita.

Good night, drei.

- - - - - - - -

It's exactly 4:00pm nung makarating kami sa Henry Sy Grounds kaya naman sa sobrang pagod nila dumiretso na agad sila sa dorm.

Habang nag-lalakad ako mag-isa nang biglang may sumabay sa akong paglalakad.

"San sila?" Si Encho pala.

"Nauna na, may kinausap pa ako eh." Sabi ko nalang habang patuloy kaming naglalakad.

"Si Andrei hindi ka tinulungan?" Sabi niya at kinuha naman yung gym bag na dala ko sa balikat ko, may dala pa kasi akong backpack para sa mga used clothes ko.

Bilang kilala ko na si Encho, hindi papayag na manalo ako. Kaya nasa kanya na yung bag ko.

"Nako cho, mabigat yan." Sabi ko nalang habang nakahawak ako sa backpack ko.

"Si drei naman kasi hindi ka tinulungan." Natawa naman ako sa kanya.

"Hindi ko na rin kasi nakita dun sa grounds, atsaka okay lang ano ka ba." Sabi ko sa kanya habang naglalakad kaming dalawa.

Ang tahimik ng campus dahil walang classes today. Kaya parang mga puno lang maririnig mo.

"May kikitain pa daw siya eh." Sabi niya bago ako tignan sa mata ko.

Tahimik na kami after that hanggang sa makalusot kami from LS to Agno.

"Oh ayan pala si drei eh." Sabi ni Encho nung nakita niya si Andrei na nakaharap sa direksyon namin.

May kausap siyang maputi at matangkad na babae sa harap niya.

"Wag mo na tawagin cho, ako na. Okay lang." Sabi ko at kinuha ko naman yung bag ko at naglakad.

Nung makarating na kami sa posisyon nila, nagpaalam na sa akin si Encho.

"Hindi mo man lang, hinitay si Tin." Sabi ni encho kaya pansamantala akong tumigil sa harapan nilang dalawa.

Salubong yung kilay ni Andrei habang nakatingin sa akin.

"Sorry kasi ano, magkikita kami ni Amélie. Nawala sa isip ko. Hatid na kita?" Sabi ni andrei kaya naman napatingin ako dun sa babae.

"Ay hindi na drei, okay lang. Ang lapit lang oh." Sabi ko at akmang aalis pero biglang nagsalita si encho.

"Ingat tin!" Ngumiti nalang ako bago ako umalis.

"Thank you, encho!" Sabi ko sa kanya bago ako lumakad ng tuluyan.

Maganda pala yung babae. Siya pala. Siya pala yung pinalit sa akin.

Pagdating ko sa gate ng dorm, tinignan ko muna kung nandon pa rin yung dalawa sa labas.

At pag-silip ko, inakbayan ni Andrei yung babae tapos pinapasok sa gate ng dorm nila.

"Sino sinisi- - ay kaya pala." Paglingon ko sa nagsalita si ate cj.

"Pasok na tin, nandun si Coach sa loob may pizza." Sabi niya sa akin bago siya lumakad.

"Huling sulyap lang, ate." Si Ate cj yung super maasahan mo sa ganitong panahon.

"Oh naka sulyap na, tama na yung isang sakit lang." Sabi niya bago niya ako yakapin from the side.

At tuluyan na siyang umalis sa tabi ko. Baka pupuntahan niya si kuya ray sa green.

"Kamusta?" Sabi ni Coach sa akin habang nakapaweng malapit sa pintuan.

Hindi ko na napigilan yung nararamdaman ko, bigla kong niyakap si Coach Ramil. At naiyak nalang ako.

- - - - - - - -

A N D R E I

Pinapasok ko muna si Amélie sa dorm kasi sabi ni Coach sa amin ayaw daw niya kaming nakikita pakalat kalat sa labas.

"How's the team building?" Tanong niya sa akin habang naglalakad kami papasok.

Naalala ko naman yung kwintas na nawala ko. Paano ko kaya sasabihin?

"Don't tell me nawala mo." Sabi niya kaya napatigil kaming dalawa sa paglalakad at biglang niyakap ko siya.

"I'm sorry." Sabi ko sa kanya at naramdaman ko yung kamay niya sa likod ko.

"Can you atleast find it?" Sabi niya sa akin.

"I tried, inabot ako sa falls ng dilim pero hindi ko nakita." Sabi ko sa kanya at nakita ko kung gaano ka-disappointed yung mata niya.

"Oh my god, andrei." Sabi niya sa akin habang nakatingin sa mata ko.

"Sorry, Amélie. It was an accident. Hindi ko sinadya." Sabi ko sa kanya.

Amélie, ang dami ko ng iniisip. Wag ka ng dumagdag pa.

"Andrei, I told you galing pa yun kay mommy. Hindi pwedeng mawala yun." sabi niya sa akin with her problematic face.

"Don't worry, babalikan ko yun next time. Wag muna ngayon." Sabi ko and naglakad na ako papasok sa loob ng dorm.

Galing pala sa mommy mo eh, so bakit nasayo at bakit mo binigay sa akin?

Andrei! Ano ba 'tong pinasok mo?

I • All About You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon