Chapter 60 | The End

614 37 13
                                    

The last & final wave.

A N D R E I

After the Ceremony, ang ingay na ng mga tao. Halos lahat nandito na sa pwesto ng students. Hinanap naman ng mata ko sila mama pero hindi ko talaga sila matanaw.

And finally!

Ilalabas ko na sana yung phone ko from my pocket ng biglang may tumawag ng pangalan ko.

"Andrei." Napalingon naman agad ako sa kanya.

Ngumiti lang ako at lumapit na siya papunta sa way ko.

"Congrats to us, Amélie!" Niyakap ko naman siya agad. Tinanggal niya yung nasa ulo niya at saglit na inayos yung buhok.

"Hindi ako papayag na aalis ako ng Philippines na wala tayong picture ." Sabi niya kaya naman natawa ako. Pinunasan ko sandali yung pawis ko sa noo bago ko siya inakbayan.

Isang babaeng nasa 20's yung nagpicture sa aming dalawa. Eto na siguro yung kapatid niya sa totoong parents niya.

"So? Paano ba?" Panimula niya habang nakatingin sa mata ko.

Niyakap ko siya ulit yung sobrang higpit pa. She deserves everything. I got the everything, but si Tin lang talaga.

"Lilipad na kami pabalik sa USA, next week." Bulong niya sa akin. Nalungkot naman ako.

Sayang naman kung ganon, but wala naman akong stand sa buhay niya. Nasa kanila pa rin naman yung desisyon.

"See you soon, Amélie." Sabi ko sa kanya bago ko siya halikan sa noo.

Well, she played a good role sa buhay ko. Marami siyang ginawa for me, and ang laki ng utang na loob ko sa kanya.

"Sa susunod na magkita tayo, dapat sa sarili mo ng company ah." Sabi niya sa akin kaya naman natawa ako.

Napalingom ako sa gilid, at nakita ko naman yung family ko kasama si Tin. Kaya naman agad akong napangiti.

"Andrei, sige na." Sabi ni Amélie, she's about to walk away ng biglang hilain ko siya palapit sa family ko.

"Si Amélie po." Pakilala ko sa kanila at niyakap naman agad siya ng parents ko at mga kapatid ko rin.

"Ams, si Tin." Lumapit si Tin sa kanya at biglang niyakap.

I introduced her to my family kasi gusto siya mameet ni Tin. Wala akong ibang choice but to introduce her kahit mukhang girlfriend ko siya.

"Una na po ako tita & tito!" Yumakap naman sa akin si Amélie at nagpaalam na palayo sa amin.

Agad ko namang inakbayan si Tin bago ko siya yakapin.

"Congratulations to my Cum Laude." Bulong niya sa ears ko kaya naman napangiti ako.

Naramdaman ko naman na nababasa na yung balikat ko kaya hinila ko siya para tignan kung umiiyak ba siya.

"Bakit ka umiiyak?" My arms is still locked in her shoulders.

Pinagtatawanan tuloy kami ng mga kapatid ko.

I • All About You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon