Kabanata 5

31 2 0
                                    

"Direction"

"Prince Eugenio of Lyonesse is the heir apparent to the Lyonesse throne as the only son of King Alexander and Queen Sofia, the Royal Family. Prince of Lyonesse, supposed to be crowned as the next King but he disappeared seven years ago." Basa ko at pinakita ang nasasakupan ng kanilang kaharian.

Nilipat ko sa kabilang pahina, "King Filipe and Queen Marta, the ruler of Lemuria Kingdom. Princess of Lemuria, heir apparent of Lemuria throne." Basa ko ng malakas.

Pinakita din ang litrato ng kanilang nasasakupan pati ang ibang kaharian sa mundong ito. Binanggit din kung sino ang mga pinuno dito, hindi ko alam kung bakit walang masyadong detalye sa bawat pinuno ng mundong ito.

"King Louis and Queen Leona. Louis, Prince of Thula, heir apparent of Thula throne."

At marami pang ibang pinuno sa mundong ito. Napatingala ako at pumikit, sumasakit yung ulo ko sa mga nalalaman. Ito iyong huling libro na binigay sa akin ni tita Celestia, The Royal Families.

Napaisip ako.. kung hindi na ito ang mundong kinakalakihan ko, nasaan ako? Paano ako--kami ni tita Cecil napunta dito sa mundo na ito? Wala akong maalala kung paano, basta isang araw nagising akong nandito na ako. Sa mundong puno ng hindi pangkaraniwang bagay, 'di pangkaraniwang tao at punong puno ng kababalaghan.

Tumayo ako at inayos ang mga librong ginamit ko bago lumabas. Tumungo ako sa kwarto ni tita Cecil pero napatigil ako nang narinig kong may kausap siyang iba.

"Celestia, matalino siyang bata! Anumang minuto alam na niya kung nasaan siya ngayon. Alam nating matalino siya, madali siyang maniniwala sa mga sabi sabi pero nararamdaman niya iyon pag nagsinungaling ang isang tao at nararamdaman niya din pag nagsasabi ng totoo ang tao na yun."

"Then, why did you erase her memory, Cecil? Kung unang tapak pa lang niya sa mundong ito malalaman niya kaagad kung nasaan siya. Te---"

Hindi ko na napigilan ang sarili kong pumasok sa loob at binuksan ang pintuan. "A-Anong alaalang binura, t-tita? May tinatago p-po ba kayo sa a-akin?" Kinagat ko ang labi ko at tinignan si tita Cecil.

Nilapitan niya ako at nag buntong hininga, "Yung bago tayo napunta dito..." hinawakan niya ang kabilang pisngi ko at napapikit ako dahil sa enerhiyang dumaloy sa akin.

Iba't ibang imahe ang pumasok sa isip ko.. ang mga alaalang kinuha sa akin. Naramdaman kong namamasa ang aking pisngi nang hindi ko namalayan.

Napamulat ako nang bumukas ang pintuan at pumasok si tita Celeste na nakangiti. Bumagay sa mala anghel niyang mukha ang kanyang suot na kulay asul na parang isang kalangitan na mahabang bestida at ang mga mahahabang niyang manggas na pilit tinatago ang makinis niyang balat.

"What happened?" Malumanay niyang sinabi.

Tinignan niya kami lahat pero bigla naman siya nagbuntong hininga sa hindi malamang dahilan at tinignan niya ako nang nakangiti.

"Can you come with me?"

"Sure, t-tita." Sabi ko ng dahan-dahan.

Sinulyapan ko si tita Celestia at tita Cecil na tipid ngumiti.

Hinawakan ni tita Celeste ang aking kamay. Her smile gives me comfort and I love how gentle she is.

"Let's go."

"Saan tayo, tita?"

"Magtitinda tayo, hija." Aniya. Napansin ko ang hawak niyang basket sa kabila niyang kamay.

Pumunta kami sa maliit na bayan at una kong napansin ang makukulay na mga bahay sa paligid ko. Hanggang tatlong palapag lamang ang mga bahay ang nandito at pakiramdam ko attic yung pinakataas ng palapag nila.

Mystic Academy: School of MysticaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon