Kabanata 7

23 2 0
                                    

"Card"

Bigla akong nagkaroon ng pag-asa pero nang humarap siya sa akin napalitan kaagad ang aking naramdaman ng lungkot.

"I'm sorry if you're expecting but I am Headmistress Luna, sovereign of this academy."

"Akala ko po ikaw iyong tiya ko. Pasensya't ulila na po ako." Sa nangininig na boses, saka yumuko.

"Cecil is my friend.. my old friend." Ngumiti siya at sinenyasan akong umupo sa upuan, sa harap ng lamesa niya.

"Kaya po pala alam mo ang aking pangalan."

She smiled and shook her head."Because of your necklace kaya nakilala kita kaagad."

Hinawakan ko ang kwintas ko at pinagmasdan ito: Hand wired bail with matching cable chain and a white flower made of polymer clay, the jasmine flower.

"Your tita Cecil contacted me two days ago, saying that you will come here wearing a necklace that describes you... and she was right."

Jasmine flower symbolizes purity and innocence.

Tumulo ang luha ko. She always remind me what jasmine really means.

"Pinangako ko sa kanya na ang academy ang bahala sayo, kaming lahat na nandito ang mag-aalaga sa'yo."

"Salamat po."

"Now, that you are finally here. Welcome to Mystic Academy, darling!" Masigla niyang sabi kaya ngitian ko siya.

Headmistress Luna gave me everything that I need and said na galing iyon lahat kay tita Cecil, Celeste at Celestia. Pinahatid niya din ako sa magiging kwarto ko, sa lalakeng naghatid sakin kanina.

"Maraming salamat po," sabi ko at kinuha sa kanya ang mga gamit na binigay sa akin ng Headmistress. "Pasensya po talaga... ang dami ng gamit ko."

"Ayos lang, utos iyon ng Headmistress." Saka siya umalis.

"Sige po.. salamat."

Pumasok na din ako kaagad nang nawala sa paningin ko ang butler. Pinaalala niya kanina sa akin na may kasama ako sa magiging dorm ko pero nang nakapasok ako, wala siya, baka may pinuntahan.

May kama sa kaliwat at kanan. Nilagay ko ang aking gamit sa kanan dahil sa tingin ko dito iyong akin, may mga gamit na kasi sa kaliwa.

Merong sliding door sa harap ng kama namin at sa tingin ko balcony iyon sa labas. Mamaya ko na tignan kapag tapos ko nang ayusin ang mga gamit ko.

Binuksan ko ang pintuan na nasa dulo lang ng kama ko at isa pala iyong kabinet pero may laman na ito.

Baka mga damit ito ng kasama ko. Isasara ko na sana nang napansin kong may liham na nakasabit sa isang mga bestida. Kinuha ko iyon.

These clothes are all yours, Jasmine.

- Headmistress Luna

Napangiti ako at tinignan ang mga damit. Katulad ito sa mga damit na pinapasuot ni tita Celestia at tita Celeste sa akin.

Bumukas ang pintuan at pumasok ang isang babae na sa tingin ko ay magiging kasama ko ito sa buong school year. Nabigla siya nang nakita niya ako dito pero nawala din iyon at napalitan ng ngiti.

"You're already here na pala. Pasensya kung wala ako dito nung dumating ka may kinuha kasi ako."

"It's okay, no need to say sorry," I said and smiled at her.

"Ang taray! English men! Baka ma-nose bleed ako palagi dahil sayo!" Aniya at hinawakan ang ilong niya.

I laughed at her. Akala ko seryoso ang mga tao dito sa mundong ito dahil halos lahat ng nakausap ko hindi mo mabiro ng basta basta.

Mystic Academy: School of MysticaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon