Kabanata 14

25 2 0
                                    

"Date"

Pangalawang antas na demon.

Kulay pula ang kanilang mata, ang kulay abo nilang buhok ay gawa sa usok at pati ang kanilang katawan na parang tao.

Madali lamang sila talunin dahil nakasaad sa libro ang kanilang kahinaan pero hindi ko alam kung paano sila kalabanin. Para sa akin, napakabilis nilang gumalaw dahil hindi ako marunong makipagaway.

Nagising ako dahil sa bilis ng hangin na tumatama sa aking mukha. Halos hindi ko na mamulat ang aking mata pero pinipilit ko pa din iyon.

Pagmulat ng aking mga mata, ang una komg nakita ay ang mukha ng isang nilalang na demonyo. Binubuhat niya ako sa kanyang mga braso. Sinubukan kong pumiglas pero hindi ko maigalaw ang aking katawan at kahit gusto kong magsalita o sigaw hindi ko magawa, ang ulo at mata ko lamang ang pwede kong magalaw.

Lumingon siya sa akin at nanlaki ang aking mga mata nang nakita ang kabuuan ng mukha niya, para talagang usok ang kanyang mukha. Ang mata lang ang naiiba sa lahat, pulang pula ito na parang dugo.

Hindi ko mapigilan hindi matakot nang tinignan ko ang kanyang mga mata parang sasabog ang puso ko dahil sa takot na naramdaman.

Nagusap sila ng kasama niya, hindi ko maitindihan ang kanilang pinagusapan dahil ang lengwahe nila ang gamit nila. Liningon ako ulit ng demonyo at medyo nilapit ang kanyang mukha. Suminghot siya mg isang beses at nakita kong napa awang ang labi niya, lumabas doon ang matatalim niyang ngipin.

Naiiyak na ako sa takot nang muntik na niya akong kagatin at ang kapwa demonyo niya ay binangga ang kanyang braso. Tumalim ang kanyang tingin sa kanya at pumunta sa akin ang kanyang tingin. Suminghot din siya at napa awang ang bibig.

Gusto kong sumigaw sa takot pero hindi ko magawa dahil hindi ko maigalaw ang labi ko. Gusto ko silang kalabanin pero hindi ko alam kung paano.

Napagtanto kong lumilipad kami sa ere. Kitang-kita ko ang mga puno na lalagpasan pa lang namin at ang buwan na nagsisilbing ilaw sa madilim na lugar.

Nawala na sa paningin ko ang mga puno dahil nilagpasan na namin pero hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Malayo pa lang kitang kita ko na ang malaking butas sa lupa dahil sa kakayahan na binigay sa akin ni tita Celeste at nakita ko din kung gaano ito kalalim.

Nanlaki ang mata ko nang bigla na lamang bumaba ang iba sa malaking butas at sumunod naman ang demonyong bumubuhat sa akin. Gusto kong kumawala pero hindi ko magawa dahil hindi ko maigalae ang katawan ko. Napatingin naman siya sa akin at tumawa.

Tumaas ang balahibo ko sa katawan nang narinig ko ang tawa niya. Naramdaman kong nanginginig ang labi ko sa takot kahit hindi ko 'to magalaw.

"You're trying to escape?" Sobrang lalim ng boses niya and that could sent chills all over my body. "That will never happen."

Nilapit niya ang mukha sa ulo ko at napapikit ako sa takot saka sa init ng hininga niya. Nang naramdaman kong lumayo siya minulat ko ang aking mga mata at nakita kong mas lalong lumalalim ang kanyang mata, tumutulo din ang laway niya habang nakatingin sa akin.

"I can't wait to taste your sweet blood," aniya at humahalaklak.

Dumilim ang paningin ko nang nakapasok na sa malaking butas at napagtanto kong sobrang lalim iyon. All I could see was their red eyes and they are all looking at me. I can hear their whispers and laughs while glaring at me.

Tears suddenly fell in my cheeks and my body was trembling in fear. Am I ready to die?

Napapikit ako dahil sa nakakasilaw na ilaw na lumapat sa aking mga mata. Unti-unti kong minulat ang aking mga mata, una ang nakita ko ay puting ilaw pero napalitan ito agad ng pula at sa malayo.. may palasyo.

Puro bato ang nakikita ko sa paligid, mga kahoy na walang dahon at ang nagiisa lamang ang palasyo na ito dito. Pinikit ko ang aking mga mata nang may narinig ako.

"Tulong! Tulongan mo ako!"

"Ayaw kong manatili dito! Waah!"

"Wag po! Pakiusap! Wag!"

"Pakawalan niyo ako dito! Hindi pa ako patay!"

Iba't ibang boses, iba't ibang emosyon. This is the dungeon of sorrow. According to the book, these souls are feeling guilty, discontent and ballistic.

Hindi sila matatahimik kung hindi matutupad ang gusto nilang mangyari sa mundo ng mga buhay. Let them rest in peace, Divine Goddess.

Palapit na kami sa palasyo nang narinig kong tumawa ang demonyong nakahawak sa akin.

"Lord Dean will be happy if he see you," ngumiti siya sa akin dahilan na lumabas ang matalim niyang mga ngipin. "Because... finally, we found you-"

Biglang naglaho ang bumubuhat sa akin na demonyo. Tumili ako nang nahulog ako pero biglang nagslowmo ang lahat. Nakita kong may pumatay sa mga demonyong kumuha sa akin. Sinaksak o pinana ang mga mata nila dahil yun ang kahinaan nila. Narinig ko ang mga daing at sigaw nila sa sakit pero mas nangingibabaw ang tili ko.

Malapit na akong bumagsak sa mga matatalim na bato at sa mga nagwawalang kaluluwa nang biglang may yumakap sa bewang ko.

"Got you.." he whispered.

Napaiyak ako sa tuwa dahil alam kong ligtas na ako kahit hindi ko kilala ang taong ito. Naramdaman kong mabuti siyang tao.

Medyo humigpit ang yakap niya sa bewang ko at dahan-dahan niya ako binuhat. Inangat ko ang aking mga mata para makilala ang taong lumigtas sa akin pero hindi ko inasahan ang natuklasan ko.

"C-Cadmus?"

Wala siyang reaksyon nang tinignan niya ako. Matalim ang kanyang paningin ngayon, ibang iba sa Cadmus na nakilala ko kanina.

Nang gumalaw si Cadmus, nanlaki ang mga mata ko nang nakita ko ang napakalaki niyang mga pakpak sa likod, nagaagaw ang kulay puti at pilak nito.

Bumaling ako kung saan kami pupunta at natigilan ako nang nakitang papalapit kami sa palasyo. Mukhang napansin ni Cadmus ang reaksyon ko kaya tumigil siya.

"What's wrong?" He said emphatically.

Hindi ko pa din inaalis ang tingin ko sa palasyo. "B-Bakit tayo pupunta d-diyan?"

In my peripheral vision, I can see that he was glaring at me. He did not answer my question, instead,

"Let's talk later and you'll be my date tonight."

What?

Mystic Academy: School of MysticaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon