Kabanata 17

11 2 0
                                    

"Gone"

OUR ROOM?

Tahimik lamang akong sumusunod kay Cadmus pabalik sa kwarto. Hindi naman siguro halata kung bakit ang tahimik ko.

Maraming pumapasok sa isip ko. Maraming posibleng pangyayari ang tumatakbo sa isip ko. Magtatabi ba kami? Paano 'yun? Nakakahiya.

Sa couch ako matutulog. Tama, sa couch nga! Sabihin mo yan kay Cadmus. Nakakahiya naman kung madedemand pa akong paalis siya sa kwarto.

Muntik na akong mabangga sa likod ni Cadmus nang tumigil siya sa harap ng pintuan ng kwarto namin. Bigla akong nataranta nang lumingon siya.

Kumunot ang noo niya. "Are you okay?"

"H-Ha? Ahh.. Oo!" Tumango ako at umiwas ng tingin.

Malakas ang kapit ko sa damit na suot ko nang pumasok kami sa loob. Halos ayaw kong pang gumalaw sa labas, parang ayaw kong pumasok. Baka kung anong isipin ni Cadmus.

Nakatingin lamang ako sa sahig habang naglalakad papasok. Wala na akong pakealam kung gaano kaganda ang kwartong ito o gaano kaelegante ito.

"Jasmine,"

Napaangat ang ulo ko nang tinawag niya ako. Nakatingin siya sa mga kamay ko na mahigpit na nakakapit. Bigla ko naman binitawan ang damit ko.

Bumalik ang tingin niya sa akin at ngumuso, nagpipigil ngumiti. Umangat ng konte ang labi ko para tumugon sa mga ngiti niya.

He chuckled, "You're not okay. You're trembling, Jasmine."

I was?

"Relax. Whatever you are thinking right now, stop it."

Well, I didn't know that I was trembling. Masyado akong nalunod sa mga iniisip.

Kinakalma ko ang aking sarili. Hindi nga lang makatingin sa kanya dahil panay ang titig niya sa akin na may multo na ngiti sa labi.

"Don't worry, Jas. I'll sleep in the couch and you will in my bed."

"H-Ha? P-Pero ikaw dapat sa kama mo--" He cut me off.

"No. Sa couch ako at saka hindi ako pwede sa kabilang kwarto dahil kailangan kita bantayan."

Nawala yung hiya ko sa sinabi niya. Litong-lito ako habang nakakunot ang noo.

"Bakit? A-Ako? Bantayan mo?"

Bumuntong hininga siya. "What happened earlier is not normal, Jasmine."

"What do you mean?"

Niluwagan niya ang kanyang necktie at umupo sa couch. Sumandal siya at pumikit, hinilot niya ang ulo niya.

"Wala ka bang naalala kung paano ka nakarating dito?"

Napaisip ako sa sinabi niya. Wala akong naalala kung paano ako dinala nila dito, pero ang naalala ko ay kung paano nila ako kinuha.

"Nagbabasa ako nang bigla sila nagpakita at kinuha ako. Nawalan na ako ng malay pagkatapos," tinitignan ako ni Cadmus habang nagsasalita kaya umiwas ako ng tingin.

"Nagising na lamang ako na papasok na kami sa malaking butas sa lupa." Pagpatuloy ko.

Binalik ko ang aking mga mata sa kanya. Nakanguso ito at nakatingin sa sahig, malalim ang iniisip.

Nakasulobong ang makapal niyang kilay, matalim din ang malalim niyang mga mata, sobrang tangos ng ilong at manipis ang mapupulang labi na mukhang malambot.

He comb his hair backwards and some of the strands of hair left. Tumalon ako sa gulat nang bumaling siya sa akin. Tumaas ang isang kilay niya nang nakita ang reaksyon ko.

Mystic Academy: School of MysticaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon