??CHAPTER 59??
>>Thiara P.O.V<<
"One more tequila please and slices of lemon."
"Sige po Ma'am."
Bakit kapag broken hearted kahit anong inom ang gawin mo hindi ako malasing lasing? I was thinking about Alduin Marriage, dati pinangarap kong lumakad sa altar tinititigan ko sya. Yung gumising sa umaga katabi ko sya, at alagaan hanggan sa pagtanda namin. That should be me!! Bukas na ang araw ng kasal nina Alduin.
Sa sobrang lalim ng pag-iisip ko hindi ko namalayan kanina pa tumutunog ang cellphone ko, unregistered number.
"Hello?"
"Thiara?" si Stainly ba to?
"Stainly?"
"Pwede ba tayo mag usap?"
"For what para ipamukha saken kung gaano ka kasaya at naagaw mo sya saken?"
"Hindi sa ganun Thiara, just for once please.."
"Sige meet me here in the Bar. Im going to text you the address."
"Salamat.."
She ended the call, i know i sounded like a selfish, but i cant help it nagmamahal lang naman ako.
>>Stainly P.O.V<<
"Ahm Thiara.." lumapit ako sa may bar stool, doon kasi sya nakaupo.
"Oh your here! The future Mrs. Rodellas how is it? Masaya ba na ikakasal ka na bukas? Oh let me rephrase it, IKAKASAL ka na sa lalaking mahal ko?"
"Hindi ako pumunta dito para makipag away sayo, can we talk in private?"
“So anong dapat natin pag-usapan? Are we gonna talk about my wedding gift? Oh yayain mo kong maging Ninang ng magiging baby nyo? Ang bilis din ni Alduin nakabuo din agad din sya sayo? Masarap ba sya, minsan nga pwede ako naman ang titikim sa kanya.” Sarcastic na sabi ni Thiara saken.
“Can we please stop this non-sense topic, I just wanted to give you this..” inabot ko sa kanya yung malaking box na naglalaman ng gown ko. “..ayokong mapahiya si Alduin, tsaka hindi sya ang ama ng dinadala ko. Kaya may pabor sana ako sayo, pwede bang ikaw ang mag-substitute sa kasal ko, alam ko mas nagmamahalan kayong dalawa. Walang nakakaalam na tumakas ako kaya please Thiara ikaw na ang pumalit saken bilang bride ni Alduin.” I pleaded to her, at mukhang nagulat sya sa sinabi, inilagay ko lang sa kamay nya yung papel kung saan gaganaoin ang kasal ko.’’
Magsisimula na sana akong umalis sa kinalalagyan namin, pero bigla nyang hinawakan ang braso ko kaya napatingin ako sa kanya.
“Wait Stainly? Anong kalokohan to?” natatakhang tanong nya saken.
“Hindi to kalokohan Thiara, alam kong sayo sasaya si Alduin. Kaya nakikiusap ako sayo, will you be her bride?” ngumiti lang ako sakanya at umalis.
Kaylangan kong magpakatatag para sa sarili ko, lalo na ngayon na magkakaanak na wala akong dapat maging dahilan para panghinaan ng loob. Uunahin ko muna siguro ang paghahanap ng lugar at magpapakalayo layo para sa ikabubuti namin mag-ina at ang tangi kong paraan ay ang ibenta ang bahay ng lola ko para may pagkuhaan kaming mag-ina sa panganganak ko.
Tsaka na ko mag-iisip ng magiging trabaho ko, kapag nakahanap na ko ng lugar.
‘Be strong baby, god will help us..’ ayan na lang ang naging dasal ko sa Diyos.
Ngayon na nakalayo na ako sa masasakit na pinagdaanan ko, siguro dapat na kasabay ko na din ibaon sa limot lahat ng memoryang meron ako.
(A/N: Grabe almost a year bago ko natapos tong malanding storya na to, sa sobrang tagal na nakapanganak na ko, nakalimutan ko na nga kung sino ang mga bida sa storya na to sa sobrang tagal. Nagkaroon kasi ako ng authors block yung tipong halos 1 hour akong nakatitig sa laptop ko pero walang pumapasok sa utak ko.
Bigti moment na nga ako ehh pero after 5 moths nung pagbukas ko ng lappy ayun kusang nagtytype na ang mga daliri ko at gumawa na ng kalandian na storya.
Kaya eto ipagpapatuloy ko ang kalandian na sinimulan ni Dale Ranie. Sorry for to damn long waiting eto na tatapusin ko na. Haba ng note ko na miss ko kayo ehh. VOTE and Comment please.)
~~Im All yours Kharrian~~
BINABASA MO ANG
My Vecki Lovestory (STAINLY and RANIE) *BOOK2* COMPLETE
Teen FictionMy Vecki LoveStory (Book 1 2 and 3) Tatlong kwento na magpapakilig.. Magpapatawa. Magpapaiyak. At makakapatay ka ng tao kapag hindi nagkatuluyan ang mga partner na gusto mo!! At dahil may pagkabaliw ang AUTHOR mahahawa ka sa kabaliwan taglay nya at...