??CHAPTER 64??
>>DALE RANIE P.O.V<<
“Sya po ba ang nakita nyo?” pinakita ko yung picture ni Stainly sa doktora na nasa harap ko.
“Oo sya nga yung babaeng chineck up ko, although iba ang info na ginamit nya pero Im pretty sure na asya nga yung isa sa mga pasyente ko.” napadasal ako sa sinabi ni Doc, feeling ko dininig ni Lord lahat ng panalangin ko. “..im not sure kung yun address na inilagay nya dito eh totoo.”
“Ok lang po, lahat ng possible way na try ko na, ngayon pa ba ako susuko? Salamat talaga Doc.”
“By the way kung hindi mo sya makita, sinabihan ko sya na bumalik para sa follow up check up. Kung hindi mo sya makita bumalik ka din dito para magkita kayo.” Ngumiti na lang ako bilang tugon sa kanya. Pasasalamatan ko sya habang buhay kapag nagkita kami ng mag-ina ko.
Alam kong hindi ako kasing bait kagaya ng iba, yun tipong tuwing linggo nagsisimba at nag-aabot ng donasyon, kahit nga pagbibigay ng limos sa pulun=bi hindi ko ginagawa at puro paghihiganti ang nasa utak ko. Binigyan pa din ako ni Lord ng blessing yun babaeng halos binalatan ko sa panglalait, na halos sa paningin ko wala na syang ginawang tama, yung babaeng puro katangahan sa katawan, yung babaeng nagbigay sakin ng dahilan para magbago, yung babaeng walang ginawa kung hindi kunsensyahin ako sa tuwing minumura ko at yung babaeng nagpabalik sa pagkalalaki at nagpatibok sa puso ko. ANAKANAMAN ang sweet ko na yata ahh.
Pero tama si doktora, lahat ng impormasyon na sinulat nya ay hindi totoo. Pinuntahan ko yung address na ibinigay saken pero wala daw na nakatira na Stainly sa bahay nay un, at mukhang nagsasabi naman sila ng totoo. Halos nilibot ko yung buong barangay na yon pero ni anino ni Stainly hindi ko nakita.
Kinabukasan nalate ako sa pagpunta sa OB-Gyne dahil sa pagod ko sa paghahanap kay Stainly, pero abot abot pa din ang dalangin ko na sana maabutan ko sila.
“Dale you are late, nakaalis na sila 30 minutes ago, lahat na yata ng pagpapatagal ko para hindi sya umalis ginawa ko na. Sorry Dale!” malungkot na sabi saken ni Doc. Yumi.
“Ok lang maliit lag siguro ang bayan na upang hindi ko sya mahanap, I will find ways para makita ko sya. Salamat sa tulong mo Doc.”
“No don’t thank me wala naman akong ginawa ehh, but I will pray for you para mahanap mo na sya.”
“Yes, at kapag nangyare yon ikaw ang isa sa ninang ng kasal ko.”
Im sure Lord provide the ways to see her, I know in god times..
Habang hawak ko ang sing sing na pinag ipunan kong bilihin.
“Shit!!” napamura ako ng may dumanggil sa hawak ko, kaya gumulong ang hawak kong singsing na agad ko naman sinundan. “..akala ko mawawala ka din grabe kinabahan ako.” I know it was a bit of weird, tama kayo isa na kong weird dahil sa pagkausap ko sa singsing. Itong singsing na to and nagpapaalala sa pagmamahal ko kay Stainly kaya pinagkakaingatan ko to.
“Magkano po tong reseta na to?”
That voice! Halos iikot ko ang ulo ko sa paghahanap ng pamilyar na boses na yon. Kulang na lang magtatalon ako at umiyak sa saya.
She is here, I mean there. Dinaluhong ko sya palapit nakatalikod kasi sya saken habang nasa tapat sya ng hospital pharmacy, kaya hindi nya naramdaman ang presensya.
“670 po lahat.” Sagot nung nurse pagkatapos computing lahat ng nakasulat sa reseta.
“Mejo mahal pala pwede po bang kalahati muna sa susunod nap o yung kalhat---“
“No Miss, bibilhin ko lahat ng nakareseta jan.” I interrupt her.
“DALE RANIE!”
(A/N: mwehehehe bibitinin ko muna kayo beybe! Last 2 chapter ng kalandian ng storya na to. Na halos inabot ng taon sa pag-update. So ayun sa last page na ko mag tha-thank you. Vote and comment naman please.)
~~ImAllYoursKharrian~~
BINABASA MO ANG
My Vecki Lovestory (STAINLY and RANIE) *BOOK2* COMPLETE
Teen FictionMy Vecki LoveStory (Book 1 2 and 3) Tatlong kwento na magpapakilig.. Magpapatawa. Magpapaiyak. At makakapatay ka ng tao kapag hindi nagkatuluyan ang mga partner na gusto mo!! At dahil may pagkabaliw ang AUTHOR mahahawa ka sa kabaliwan taglay nya at...