??CHAPTER 63??
>>Stainly P.O.V<<
“Inumin mo lahat ng ito, itong pula ay folic acid para sa bata at itong putting tabletas ay Calcium. And my advice is bawas-bawasan mo ang pagtatrabaho mo sa bukid Ms. Padua lalo na at kabuwanan mo na mahirap na kapag inabot ko sa bukid ng panganganak.” Sabi ng OB-Gyne saken.
First time ko lang makapagpacheck up sa OB dahil mas iniipon ko ang pera sa panganganak ko, kadalasan kasi sa center lang ako napunta para may libreng gamut na kasama. Pero dahil nung isang araw sumakit ang tyan ko dahil sa pagod kong magtanim ng paninda kong gulay na binebenta ko sa palengke napag-pasyahan kong kumunsulta sa eksperto.
At para na din magkaroon ako ng first ultra sound ko, healthy naman yung baby sa tyan ko and it’s a girl.
Naaasiwa pa nga ako sa pagtingin saken nun OB dahil ilang ulit nya pang tinanong ang pangalan ko, iba kasi ang sinulat ko na detalye para walang makahanap kung nasaan ako. Kasalukuyan akong naninirahan sa isang probinsya, ayos lang naman kasi tahimik ang buhay ko, hindi ko na binalak ibenta ang bahay ng lola ko. Nagkasya naman yung pera na nakuha ko sa bank account ko kaya nakaraos din ako.
“Ineng ano daw ang anak mo? Babae nga ba?” tanong saken ni Lola Perly isa sya sa magiliw kong kapitbahay na minsan dinadalaw dalaw ako.
“Ahh opo!” nakangiti kong sagot sa kanya.
“Nakow matutuwa siguro ang Tatay nyan kapag nasabi mo na ano?” ngumiti na lang ako bilang tugon.
Walang ni isang may alam sa kalagayan ko dahil wala akong kinakausap kahit na sino at isa pa ayoko ding ikwento, nagpalit din ako ng pangalan para walang makatunton saken na kahit sino.
Umupo ako sa silya kong tumba tumba, habang tinititigan ang una kong ultra sound.
“Baby girl ka pala baby ko, mag-iisip na ako ng pangalan para sayo.” Tuwang-tuwa ako habang tinititigan ang picture habang hawak ko ang malaki ko ng tyan malapit na kasi ang kabuwanan ko pero kaya kop pa naman magkikilos.
“Baby Girl matutuwa kaya ang Papa mo kung sakaling makita ka nya?” hindi ko pa din maiwasang umiyak kapag nasasaagi sa isip ko si Dale Ranie. Kung sana kasing dali lang ang buhay ko, yung tipong one plus one equals two.
Sana hindi ako nahihirapan ngayon, pero wala akong karapatan panghinaan ng loob dahil may isang anghel na aasa din saken. Pinikit ko ang mga mata ko at dinama ang pintig na nasa sinapupunan ko, at isang magandang panaginip ang pumukaw sa pagkakahimbing ko. Isang masaya at buong pamilya ang napanaginipan ko..
(AN: vote and comment last 3 chappy)
~~Im All yours Kharrian~~
BINABASA MO ANG
My Vecki Lovestory (STAINLY and RANIE) *BOOK2* COMPLETE
Teen FictionMy Vecki LoveStory (Book 1 2 and 3) Tatlong kwento na magpapakilig.. Magpapatawa. Magpapaiyak. At makakapatay ka ng tao kapag hindi nagkatuluyan ang mga partner na gusto mo!! At dahil may pagkabaliw ang AUTHOR mahahawa ka sa kabaliwan taglay nya at...