Kabanata 01

17.4K 623 96
                                    

*** Sabrina's ***

Our Constant Debates



"For the nth time, I just want to make things clear again, I'm not a lesbian." This has always been my line every time my friends and I bonded during college years. Specifically in times when a few girls would ask me to have lunch with them or even have the guts to ask me on a date.

Siguro dahil na rin sa galaw ko, sa pananamit ko, o sa pagiging malapit ko sa lalake, napapagkamalan na nila akong one of the boys. 

Basehan na pala 'yon ngayon? Mga tao nga naman.

"Baks subukan mo lang, try mo mag-date ng babae. Wala namang mawawala. Ita-try lang naman." Panggagatong naman nitong si Edmerson habang nilalagyan ng nail polish ang kuko ng pinsan kong si Hilary. Palibhasa nakipagpustahan kasi kay Rowan kaya panay ang pangungulit sa'kin.

Kung makapagsalita 'tong gagang 'to, parang kakain lang ako tapos kapag hindi magustuhan iluluwa ko nalang ng basta-basta.

"Anong klaseng logic meron ka?" Sinamaan ko siya ng tingin.

"Oy that works ha..." Depensa ni Cris. He's currently massaging his boyfriend's shoulder. I still don't know his name though. Papalit-palit kasi 'to ng dyowa. Siguro sa isang buwan nakaka-tatlo o limang boyfriend.

"Tignan mo ako, I refused to be gay, lalakeng-lalake ako noon pero nung sinubukan kong mag-dyowa ng papito, nakaramdam ako ng ginhawa, ayan tinuloy-tuloy ko na."

"Pota ka! Noon pa man din kumekerengkeng ka na. Never ka dumaan sa manhood gaga!" Bulyaw ni Ed.

Now you're probably wondering why they all thought that I was gay too. I have so many gay friends but these three remained 'til college. Kami lagi ang magkakasama. They all know my secrets as I am to theirs. They all know my strengths and weaknesses, my struggles in life, halos lahat at wala silang pinalagpas. Wala na nga ata akong maitatago sa kanila.

"You guys please stop harassing me with your deep tagalog words, hindi ko masasabay sa jokes niyo eh..."

Hilary on the other hand, is the newest member of the gang. Bulol pa ito sa salitang Filipino. Palibhasa lumaki siya sa Los Angeles. Briton ang ina at ang ama ay purong Pinoy, kapatid ng Papa ko. Mas madalas na kami ang umintindi sa pagsasalita niya kaysa siya sa salita namin.

"Oh ayan baks mag-ipon ka na ng Ingles, nagsalita na si tisay." Bwelta ni Rowan. He's trying to do a Dutch braid on my hair.

"Tumigil nga kayo." Binaling ko ang tingin sa pinsang Briton. "Don't mind them cous, they're all just being an ass again."

Kawawa ito kapag kasama namin, bihira makapagsalita dahil sa kadaldalan ng mga bruhang kasama ko.


After our lunch break dumiretso na kami sa kani-kanilang klase. I'm taking Journalism, same kami ng course ni Edmerson. Sina Rowan at Cris naman ay Business Administration ang kinukuha.

Sa aming magka-kaibigan sila ang may masasabi sa buhay. They came from old rich families. Kaya kahit pa gusto ng mga loko na mag-take ng Fashion Design Course, napilitan silang kunin ang BSBA because they're about to inherit their family's businesses.

"Good job Ms Sarabia. This essay that you made is relatable indeed. Well, what can I say sa mga kabataan ngayon, they're all about love." Our professor, Ms. Kat, praises the article made by Hazel Francesca Sarabia.

It's no secret that I have a very strong dislike to this girl. Masyadong pa-bibo. I can't even stand the sight of her. 

Love and Its Subjective Form

Hazel's Sweet RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon