Kabanata 03

10K 513 69
                                    

*** Sabrina's ***

But Before We Go



"OK" That was her reply. Napakunot-noo nalang ako sa inabot ni Edmerson.


"Bakla ka! She said yes!" Tili rin ni Cris habang abala pa rin sa kaka-record ng video.


Sinamaan ko sila ng tingin. "Gago! Kayo kaya ang makipag-date tutal kayo ang may gusto."


Hilary slapped me on my arm. "Hush cous she might hear you." Sabay silip sa table nina Hazel.
"There's nothing wrong naman about dating a girl. Malay mo this is the only way to gain a friendship with her. This will end your non-stop banters."


"At choosy ka pa ha? Si Hazel Sarabia na 'yan! Wala pang pinatulan 'yan, may mga nanligaw pero walang sinagot. Sayo isang tanong lang nag-ok na agad! Yung buhok mo kasing-haba ng traffic sa EDSA." Nagsalita rin si Rowan habang iniihaw ang mga nakuha naming seafood.


"Excuses" Inirapan ko sila. "Ang sabihin niyo gusto niyo akong ipahamak." Nag-umpisa na akong lantakan ang sushi dahil sa frustration. Kapag itong mga 'to talaga ang kasama ko laging may mga pakulo.


How did we end up asking Hazel to date me? Simple lang. Isang linggo kaming hindi pumasok dahil sa pangungulit nila sa akin na makipag-date sa babae. I tried to rebel against the idea pero ang gagang Crisostomo ay biglang nag-aya na kumain sa labas. I couldn't say no because it's food.


Panay naman ang asar ng mga epal na bakla tungkol sa pagtatalo namin ni Hazel kamakailan lang. Ginatungan naman nitong si Rowan na kapag nakita raw namin si Hazel o kung sino man sa barkada nito, itutuloy ko na ang plano na ayain itong makipag-date.


Of course I said yes para matahimik na ang mga loko. At isa pa, kampante naman ako na hindi ko makikita si Hazel dahil medyo malayo ito sa Unibersidad. But my instinct have failed me this time.

Nandito siya. We're currently breathing the same air. What the actual shit.


"Cousin, we won't do you any harm. We just want you guys to stop arguing. Diba sabi ni Ate Amara you should make peace to people na ginawan mo ng bad things?"
Paalala ni Hilary na hindi pa rin maituwid ang pagsasalita ng Tagalog.


"Ay oh..." Pagsingit ni Rowan. "Lagot na. Kapag nalaman ni Ate Amara ang mga pinag-gagagawa mo dito, siguradong sa Amerika ang bagsak mo gurl."


"Kakatakot pa man din ang Ate mo, may mga contact sa kung sinu-sino. Matiyempohan lang talaga na magsumbong ang professor na inaway mo, goodbye Philippines ka na baks." Ambag pa ni Cris.


Napairap ako. "Mga bibig niyo pasmado na naman. Kung pag-uuntugin ko kaya kayo dyan ha? Oo na nga diba? Makikipag-date na nga! Magso-sorry na sa mga gagong naka-away ko, ano happy na? Okay na? Pwede na tayong kumain?" Mga patuya kong tanong.


Tumawa pa ang mga loko dahil sa pagkakapikon ko. They knew me very well. Alam nila talaga ang kahinaan ko.

Hazel's Sweet RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon