JUST A FAN

81 6 1
                                    

"Kyahhhhhhh!"

Nakisali na rin ako sa pagtili ng mga kaklase ko. Napapanood kasi namin ang idol kong si Wackeen. Bumisita siya sa campus namin kaya eto kilig kilig ang lola nyo.

Kaso.

Aalis na sya. Tiniis ko pa ihi ko aalis din naman sya. Tumayo ako at naglakad papuntang cr..

"Haysssttt. Wala man lang akong picture kasama si Wackeen.." Pagmumukmok ko. Paano kase ako makakapag-papicture eh andaming taong harang? Itulak ko sila dyan eh..

After kong umihi ay lumabas na ko sa cr na yun. Nakita ko nga yung idol ko wala namang remembrance.

Hayyyssstt. Buhay!

Sa sobrang lutang ko di ko napansin ang lalaking nakaharang sa daan. Kaya ending? Tumilapon ako at nawasak ang bungo. Chos! Natumba lang ang lola nyo..

"Ayos ka lang ba miss?"

Sheteng kalabaw na inihaw. Kilalang kilala ko yung boses na yun. Nang itaas ko ang palda—ayy este paningin ko. Si Wackeen nga! ang gwapo nya!

"Y-Yeah." Mahinhin kong sambit. Tumayo ako at pinagpagan ang sarili ko. "SHIT! MR.WACKEEN RAMOS! PWEDENG PAPICTURE?!" Nagulat man si Wackeen sa reaksyon ko eh pumayag naman na siya. Ako naman? Pwede na akong mamatay chos!

Naka-ilang shots din bago ako makuntento..

"SALAMATTTT!!" Tili ko ulit. "Ayy—teka. Pa-autograph nga! KYAHHHHHH!" Nilabas ko yung notebook ko at ballpen at iyon nga, pumirma naman sya! Shit!!



"Ako naman ang magre-request.." Biglang turan nya. "Kahit ano. Kahit iuwi mo pa ako o kaya kiss kita. Charot lang!" Natawa naman siya. Happy pill mo ba ako kuya Wackeen?


"Bakit may charot eh yun naman ang hihilingin ko? Tara na iuuwi na kita.." Wika niya at binuhat ako na mala-bridestyle.


Napangiti nalang ako dahil sa ala-alang yun.


"Anong ngini-ngiti mo diyan mahal?naalala mo nanaman ako noh?" Nakangiting turan nya.

"Hmmm.." Tanging tango lang ang sinagot ko.

Kung dati I'm just only a fan ngayon? Asawa ko na siya.

Sana all diba?

AUTHOR'S NOTE
True love cames in unexpected times. Yung akala mong simpleng interaction niyo, siya na pala yung nakatadhana sayo. Learn to wait. Kapag nagmadali, madalas magkamali.

Oneshot AlbumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon