play "Glimpse of us" by JOJI for better experience. Thank you.
The memories was still vivid. How it all started and how it ended. My past girlfriend, Cassidy, will always be marked on my heart. She was there when I needed someone to lean on. It's a perfect love story but it didn't end up well.
That's why Alyzza and I, are together.
I always try to be best and "perfect" boyfriend for her but every move she does, I'm trying to find Cassidy. Hindi ganito magsalita si Cassidy. Maamo ang boses niya at hindi diretso magsalita. Malambing ang bawat galaw ni Cassidy at hindi ganito. Cassidy would always be there for me but Alyzza wasn't.
I moved on but fuck, I missed Cassidy.
"I wish you were her," bulong ko sa kawalan habang nakatingin kay Alyzza na gumagawa ng cake para sa monthsary namin.
"What? I heard you say something, Love?" aniya bago ako nilingon.
Her eyes smiled and I saw Cassidy, again.
"Cass.." I whispered.
Natahimik siya marahil narinig ang sinabi ko pero maya-maya pa ay ngumiti muli. "Si Cassidy na naman ba? Andito naman ako, bakit siya lagi ang hinahanap mo?" pabirong sabi niya habang nakangiti pa rin.
"I-I'm sorry-I didn't mean it that way, love.." I tried to defend myself but I saw how she accept the part of me where Cassidy lives.
"Ayos lang, ano ka ba! Mahal naman kita.." bulong niya bago itinuon muli ang atensyon sa binibake. "Malapit naman na matapos itong cake. Prepare the table na lang, love."
Tumango ako at walang nagawa kung hindi magtungo sa lamesa at ayusin ang mga plato doon. Hindi mawala sa isip ko ang ekspresyon ni Alyzza. She looks in pain. Hindi ko naman sinasadya na mabanggit si Cassidy.. Nakikita ko lang ang mga kaibahan sa pagkikilos ni Cassidy at ni Alyzza. They're different.
Sumosobra na ba ako? Gusto ko lang naman muling maranasan ang pag-aalaga ni Cassidy dahil kulang ang nararamdaman ko kay Alyzza.
Sa bawat araw na kami ni Alyzza, sinusubukan kong mahulog sa kaniya. Sinusubukan kong pansinin ang bawat bagay na ginagawa niya para lang sa akin. Pakiramdam ko ay siya na nga lang ang gumagawa ng mga bagay sa relasyon namin. She gave efforts while I till trying to fall for her. She loves me while I still trying to found my love for her.
Until one day, Cassidy knock on my door. Wala si Alyzza ngayon dahil nasa magulang niya siya at wala akong magagawa kung hindi hayaan siyang pumunta doon.
I was surprised by Cassidy's sudden visit. Nakauwi na pala siya galing London. She still the same. And I thought I moved on pero nang makita ko ang ngiti niya, ngiti na matagal kong inasam ulit, parang bumalik lahat lahat sa akin.
"John, he left me.." aniya bago ako yakapin. "Akala ko sapat na siya pero ikaw pa rin pala.."
"Ikaw pa rin.." bulong ko habang yakap yakap siya. Wala na akong pakielam kung masaktan ko man ang isang tao na nanatili sa akin noong wala si Cassidy, si Alyzza. "I missed you.."
"I missed you, too. I realized I can't replace you with anyone else. Sinubukan kong hanapin ka sa kaniya pero hindi ko makita.." aniya na nakapagpangiti sa akin.
"No one could replace you.." I said the same time I laid my eyes on someone near us. "Alyzza.."
Napalingon din doon si Cassidy. Nakangiti pa rin si Alyzza habang nakatingin sa amin. "Hi, may dala akong pagkain. Niluto ko 'to. Alam ko kasing hindi ka kumakain ng take-out o luto sa karenderya," aniya bago iabot sa akin ang isang tupperware na may lamang pagkain.
Binalingan ko muna si Cassidy bago tumango. Mukhang nakuha naman niya agad iyon at dumiretso siya sa loob ng bahay. Binalik ko ang atensyon kay Alyzza bago kinuha ang dala niya. Galit ako. Hindi sa kaniya kung hindi para sa sarili ko.
Malakas kong itinapon iyon sa labas ng bahay pero hindi man lang siya pumikit. Nanatili siyang nakangiti sa akin.
"Sayang naman 'yon. Hindi ka ba gutom? O nagbigay na si Cassidy ng pagkain?" tanong niya sa palabirong boses.
Nakita ko ang pasimpleng pagkurot niya sa braso niya. Agad iyong nagmarka sa kutis niya pero agad niya iyong itinago nang makita na nakatingin ako roon.
"I'm sorry.." panimula ko. "Akala ko mahahanap ko siya sa'yo pero hindi. Sinubuka-"
"Sinubukan mong mahulog sa akin pero hindi mo kaya dahil siya pa rin, 'di ba?" pagtutuloy niya sa sasabihin ko. "Hindi ko sasabihing ayos lang dahil hindi ayos iyon. Masakit. Ginawa ko naman lahat para palitan siya pero hindi ko kaya dahil iba siya at iba ako."
"Siya pa rin, Aly.. Hindi ko magagawang palitan siya.."
"Pero, putangina, bakit ka pumasok sa relasyon kung hindi ka pa handa?!" sigaw niya.
Nagulat ako roon. Ngayon lang siya nagalit nang ganito. Nakita ko kung paano kumislap ang mga mata niya at maya-maya pa ay sunod-sunod na tumulo ang luha roon. Hindi ako nakasagot habang nakatingin sa puno ng sakit niyang mata.
"Tangina, sa lahat ba naman! Kung hindi mo siya kayang palitan, bakit naghanap ka ng iba para subukang palitan siya?" bulong niya sa mahinang boses. "Sana sinabi mo agad para hindi ako umasa na masusuklian ako.."
"I'm sorry.."
"Puro sorry, sorry! Napapagod ako! Pero tuwing makikita kitang nakangiti, nawawala 'yon! Tapos hindi pala ako ang dahilan?" aniya.
"Just let me be happy with her.." I whispered.
"Lagi naman, hindi ba? Lagi ko naman hinahayaan ka sa kung saan ka masaya. Ano pa bang laban ko, kung kahit naging tayo, talo ako?" aniya bago punasan ang luha sa pisngi niya. "I'll let you have her.. Kung ito ang paraan para maging masaya ka, pinapakawalan na kita.."
The day she let me go, is the day that I thought I would be happy with Cassidy. Hindi pala. Dahil noong nawala si Alyzza, siya naman ang hinahanap hanap ko. Hindi marunong magluto si Cassidy kaya parating may maid na magluluto para sa amin. I missed how Alyzza cooked for me even she's tired from work.
"Bakit wala?! Akala ko ba mayaman ang pamilya mo?!" bulyaw sa akin ni Cassidy. "Tangina, akala ko mayaman ka kaya binalikan kita!"
She left me again. Tanga na kung tanga pero hinanap ko si Alyzza. Ngayon, sigurado na ako. Si Alyzza na. Siya na ang mahal ko.
Pero tangina, kung kailan handa na ako, wala na pala.
"Wala na siya, hijo," her mother said that made my world crumbles. "Wala na sila ng anak niyo.."
______________________
AUTHOR'S NOTE:
No one should enter a relationship if you're still stuck in your past. Hindi hospital ang present para pagalingin ka sa sugat ng nakaraan. It's not their responsibilities to fix you. Responsibilidad mo na ayusin ang sarili mo bago ka muling pumasok sa isang relasyon. Hindi nila deserve na masaktan dahil lang mahal mo pa ang NOON. Historian ka teh? And everyone, set your standards high, don't settle for less at sa mga taong hindi kayang tratuhin ka nang maayos o maski bare minimun.
![](https://img.wattpad.com/cover/216845216-288-k488120.jpg)
BINABASA MO ANG
Oneshot Album
Historia CortaA compilation of Oneshots stories. Will give you a roller coaster ride, so enjoy!