KAPITBAHAY

67 5 3
                                        

"Anak, ibigay mo nga ito sa kapitbahay natin. Bagong lipat lang sila."

Tinatamad man ay bumangon ako at inis na inagaw ang tupperware na hawak ng nanay ko.

"Oh ano't nakasimangot ka na naman?"

Nilakihan ko ang ngiti ko at pinakita pa sa kaniya iyon. Nakangiti akong lumakad palabas ng bahay at binitawan lang iyon nang makalabas. 

"Tao po! Buksan niyo ito at nabuburyo na ako!" Sigaw ko habang malakas na kumakatok sa gate nila.

Lumabas agad doon ang isang lalaking matangkad, maputi at nakasalamin. May hawak pa siyang libro at masungit na tumingin sa akin. Hindi man lang lumapit ampota.

"Anong kailangan mo?" Tanong nito sa malalim na boses.

Tae, bigay ko na din siguro puso ko kasabay ng tupperware noh?

"May girlfriend ka na ba?" Lakas loob kong tanong sa kanya. Kumunot naman ang noo niya at tiniklop ang librong hawak at seryosong tumingin sa akin.

"Wala."

Ito na siguro iyon lord?

"Ito nga pala, ulam. Pinapabigay ni mama." Pinakita ko pa ang hawak ko habang nandoon parin siya sa may pinto ng bahay nila.

Nagsimula siyang maglakad papunta sa akin kaya iniabot ko na ang tupperware.

"Salamat," Sabi niya bago tumalikod at naglakad.

Kikiligin na sana ako kaso yung bewang niya kumekembot habang naglalakad at mas magaling pa sa aking rumampa.

"Pota..."

    ____________
AUTHOR'S NOTE
Wala akong maipapayo dito dahil maski ako ay may crush sa lalaki din ang hanap. Kaya bahala na kayo. Problema niyo na iyan.

Oneshot AlbumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon