Ashera's Po'V
INUMAGA NA ako ng gising. Hindi ako nakatulog kagabi dahil sa pangyayari. Ngayon natanong ko sa sarili ko. Tama ba ang ginawa ko? Tama bang tinanggap ko pa ang misyon ma toh? Sa tingin ko hindi tama. Sana naman maging okay na si Axle sa pagsaksak ko sa kanya kagabi.
Bumangon nalang ako sa kama saka ginawa ang morning rituals ko. Nang matapos na ako at dumeretso na ako pababa papuntang restaurant. Nang makarating ako ay dumeretso ako sa locker room. Naabutan ko doon si Cloe na pabalik-balik ang lakad at halatang hindi mapakali.
"Cloe? Bakit panay ang lakad mo?"
Agad siyang bumaling sa akin saka hinawakan ako sa magkabilang balikat. Puno ng pag-aalala ang mukha niya.
"Alam mo ba ang nangyari kay sir Axle?"
Oh... God....
Mali sana ang iniisip ko. But no! Alam ko mismo na hindi mali ang iniisip ko.
"W-why? What happened?" I ask while stuttering. Kahit alam ko naman ang totoo.
Bakit kinakabahan ako? Bakit ang lakas ng tibok ng puso ko?
"Kritikal ang lagay ni sir Axle. Kagabi raw kasi may umatake sa kanya. Nasaksak si sir. Matagal siyang hindi nakita dahil eskinita na ang back door. Buti nalang nakatawag si sir. Halos maubusan na siya ng dugo ng ihatid siya ng kakambal niya. Baka mapano si sir, Ashera. Sobrang bait ni sir sa amin. Hindi ko yata makakaya kung may mangyayaring masama sa kanya."
Agad kong niyakap ni Cloe ng humagulhol na siya ng iyak. Hindi ko na nga napansin na nag-uunahang lumandas ang mga luha ko. For the first time since my mother's death. I cried again. I trained to be cold, heartless, ang ruthless. But since Axle came. I changed a lot.
It's all my fault! My fault!
"S-saang Hospital d-dinala si Axle?" I asked, still crying. Puno ng guilty ang boses ko. Hindi ako nakakaramdam ng guilty sa mga pinatay ko noon. But now? It's different.
Kumalas muna siya sa pagkakayakap sa akin saka ako pinakatitigan sa mata. Gikan ng luha ang mata niya.
"Nasa Delos Santos chain of hospital siya naka confine. Bakit mo natanong?"
"I'm sorry. Kayo muna ang bahala dito. Kailangan kong puntahan si Axle."
Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Dere-deretso ako sa paglalakad hanggang sa makalabas ako. Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa hospital kung saan naka confine si Axle. Nang makarating ako duon ay dumeretso ako sa information desk.
"Where's the room of Axle Collins?" Agad kong tanong sa nurse.
"Room 109, third floor."
Tumakbo na ako papuntang elevator. Agad akong pumasok at pinindot ang number 3. Nang bumukas ang elevator ay tumakbo na ako palabas. Lakad-takbo ang ginawa ko para mahanap ang room 109.
"105... 106... 107... 108.. there, 109."
Tumakbo na ako papunta sa room. Wala na akong katok-katok at pumasok nalang ako. Una kong nakita si Axle na nakaratay sa kama. Puno ng aparato ang katawan niya. Agad tumulo ang luha ko. Nagiging emotional na ako pagdating kay Axle.
Pero fuck! Ako ang may kasalanan nito. Ako. I'm a monster. Wala talaga akong pinagkaiba kay daddy.
"Do you.... know Axle?"
Agad akong napabaling nang may nagsalita. Nakatayo na ngayon ang babae at lalaki na mukhang nasa late 50's. Siguro mga magulang ito no Axle, base na rin sa mga mukha nila.
"Uhm. Assistant po ako ni sir Axle sa restaurant, ma'am, sir."
Lumakad ang ginang papunta sa akin kaya napa-atras ako ng bahagya.
"Hija. May alam kaba sa nangyari sa anak ko?" Kasabay ng pagtatanong ng ginang ay ang pagbuhos ng kanyang luha. Agad akong umiwas ng tingin at bumaling kay Axle na nakapikit parin at namumutla. Pero imbes na katotohanan ang sabihin ko, ang kasinungalingan ang lumabas sa bibig ko.
"K-kanina ko lang po rin nalaman ang nangyari sa kanya. Sa sobrang pag-aalala ko ay pinuntahan ko siya dito."
Napapikit ako sa mga kasinungalingang pinagsasasabi ko. Deserve nilang malaman ang totoo. Pero kasi, hindi pa ngayon ang oras. Paniguradong hindi ako mapapatawad ni Axle. Ngayong napalapit na kami sa isat-isa.
Dumating na nga ang kinatatakutan ko.
Agad akong napadilat ng may yumakap sa akin. Nakayakap na ngayon ang ginangn sa akin. Halo-halo ang naging emosyon ko, sakit, pag-aalala, guilty, at marami pa. Hindi ko maipaliwanag. Ngayon ay kumalas na sa pagkakayakap ang ginang. Tumingin ito kay Axle na puno ng pag-aalala at pagmamahal ang mukha.
I miss my mom......
Napangiti ako sa naisip ko. Miss na miss ko na si mommy.
"Axle hates assistant. Kaya nga nagulat ako sa sinabi mo kanina pero hindi ko lang pinahalata. He's very persistent to his work. Gusto niyang priority palagi ang trabaho bago iyang lovey-dovey na yan", she chuckled. "Ni minsan hindi siya lumingon sa mga babae. His twin—Axcle—always arranged a blind dates for him. At always din siyang hindi sumisipot," agad itong humarap sa akin saka ngumiti ng mapait. "I know that Axle find you special. Kaya hija," hinawakan niya ang kamay ko. "Take care of my son okay? I will only plea's this once. So please.... please... take care of my son."
Hindi ko alam kung ano ang magiging sagot ko. Ako nga ang naging dahilan kung bakit nandito ngayon si Axle at nakaratay tapos ako din ang mag-aalaga sa kanya?
Like, what the fuck?!!
Alam kong wala akong awa pero may konsensiya naman parin naman akong natitira. Hindi tinuro sa akin ni mama kung paano maging mahina. Kung paano maging isang halimaw. But dad does. Si daddy ang gumawa sa aking halimaw.
"Please hija?"
Tumango ako sa ginang. Mukhang ito yata ang napakalaking karmang dumating sa akin. Paano ko ito gagawin?
Habang tinitingnan ko ang mukha ng Ina ni Axle. Parang nagkaroon ulit ako ng Ina. Parang bumalik yata lahat ng mga itinuro ni mama sa akin.
Lumakad ako papuntang higaan ni Axle. Umupo ako sa stool na nasa gilid lang nito. Bigla ko nalang narinig ang pagbukas-sara ng pintuan. Mukhang lumabas ang parents ni Axle para bigyan ako ng privacy. Hinawakan ko ang kamay ni Axle na may IV.
"I only say this once. I'm sorry. Alam kong mataas ang pride at ego ko pero I'm really sorry. Pag may sapat na akong kapangyarihan upang kalabanin si Daddy makakawala rin ako. Alam mo. Binago mo ako Axle. Malaki ang pinagbago ko dahil sayo. So if I will face this consequences. Then so be it. Kung ang kapalit naman nun ay ang kaligtasan mo."
Hawak-hawak ko ang kamay ni Axle habang mahinang umiiyak. Pero dahil siguro sa sobrang stress ay nakatulog ako.
______________________________________________
Don't forget so Vote and comment😊
I will appreciate it😊
Btw beware of the virus readers. Palagi kayong mag mask and if possible wag muna kayong lumabas sa mga tahanan niyo.V_eye2727
YOU ARE READING
Black Mafia 2: Axle Collins
RandomAshera Alfonso is a cold hearted girl. Babaeng utos-utasan ng kanyang ama. Sa pagtanggap niya sa misyong patayin ang isa sa kalaban ng kanyang ama, duon siya nahirapan. Mapapatay kaya niya ang lalaki at masunod ang utos ng kanyang ama? O hahayaan an...