Asher's Po'V
TULUYAN NA AKONG pumasok sa kuwarto ni Axle. Nakita ko siyang nakahiga habang ang isang braso ay nakapatong sa noo niya. Naramdaman niya siguro ang aking presensiya dahil bumaling siya sa akin.
"Hey." Ngumiti siya ng mapait sa akin.
"Hey. Kumain kana."
Lumapit ako sa table na pinaglagyan ng pagkain ng mga magulang ni Axle. Kinuha ko ito saka lumapit sa kanya.
"Subuan mo ako."
Natatawang kinuha ko ang plastik na kutsara saka kumuha ng kanin at ulam at inuma sa bibig ni Axle.
"Ahh."
Binuka niya ang kanyang bibig saka kinain ang pagkain na nasa kutsara. Ginawa namin iyun ng ilang minuto bago niya naubos ang lahat. Iniligpit ko muna ang kanyang pinagkainan bago ko siya binalikan upang magpaalam.
"Axle?"
"Hmm?"
"Magpapaalam lang sana ako sayo. Uuwi muna ako sa condo para magbihis. But don't worry, babalik naman ako para alagaan ka."
Ngumiti siya sa akin saka tumango.
"Bumalik ka hah?"
"I will."
Kinuha ko ang bag ko saka lumapit kay Axle at hinalikan siya sa noo. Pagkatapos nun ay tuluyan na akong umalis. Pagkalabas ko ng hospital ay pumara agad ako ng taxi. Ibinigay ko dito ang address ng condo ko saka niya pinausad ang sasakyan.
Isinandal ko ang aking katawan sa upuan saka ipinikit ang mga mata. Now. I have a choice. Papatayin ko si Axle at walang mamamatay o masasaktan, o alagaan si Axle at bumawi sa kasalanang ginawa ko. But if I chose the latter and he find out about me, siguradong kamumuhian niya ako.
Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga. Ang hirap mag desisyon. Namalayan ko nalang na tumigil ang sinasakyan kong taxi.
"Nandito na ho tayo ma'am."
Ibinigay ko sa kanya ang pamasahe saka lumabas ng taxi. Sumakay ako ng elevator saka pinindot ang number kung saan naroon ang condo ko. Nang bumukas ang elevator ay lumabas na ako. Napahinto ako sa akmang pagbukas ko ng pintuan dahil naka-awang ito ng kaunti.
Naging alerto ako at kinuha ang pocket knife ko. Kung naka-awang ang pintuan, posibleng may naka pasok. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan saka luminga-linga sa paligid. Walang ingay akong lumakad nang may mapansin akong pigura ng lalaki. Akmang aatakehin ko ito nang bumukas ang ilaw saka humarap sa akin ang lalaki.
"Sino ka?"
I don't let my guards down. Pinanatili ko parin ang seryoso kong awra at hindi ko pa ibinababa ang kutsilyo. Baka umatake nalang ito bigla. Mabuti nang sigurado.
"Calm down. Pinadala ako rito ng daddy mo."
May makisig na pangagatawan ang lalaki. Mataas sa akin ng kaunti. Clean cut ang buhok niya na bumagay sa kanyang gwapong mukha at chocolateng mga mata.
Sasagutin ko ma sana siya kung ano ang dahilan nang tumunog ang phone ko. Tiningnan ko muna siya ng masama saka kinuha ang phone kong nag-iingay sa bag.
Daddy calling.......
Agad kong sinagot ang tawag.
"Hello Dad?" I asked coldly.
"I sent Kiel Galvez to watch on you. Wala siyang ibang gagawin maliban sa bantayan ka. So be careful on your moves daughter. And by the way, nandiyan siya ngayon sa condo unit mo." Then the call ended.
Tiningnan ko ulit siya gamit ang walang emosyong mga mata ko. Inilagay ko ulit ang phone ko sa bag saka nagsalita ng malamig.
"I don't do strangers stay at my place. Go. Find your own place."
I don't want to be rude. Pero pag nakita niya ang malambot na ako. Paniguradong sasabihin niya ito kay daddy.
"Okay." Was all he said before turning his back to find his own place.
Nang sumara ang pinto ay naging kalmado na ako. Pero hindi ko parin inalis ang seryoso at malamig kong awra. Tiningnan ko ang bawat corner ng condo, and I'm not mistaken.
Hidden camera's.......
Mukhang malaki na ang duda sa akin ni dad na nagpalagay pa siya ng mga hidden camera. Pumunta nalang ako sa kuwarto saka tiningnan ang bawat sulok nito.
No hidden camera's
Mukhang sa sala lang ang may mga hidden cam. Bumuntong hininga nalang ako saka hinubad ang lahat ng saplot at pumunta sa banyo. Agad akong pumailalimsa shower.
Parang biglang gumaan ang pakiramdam ko. Binilisan ko nalang ang pagsho-shower saka dali-daling nagbihis. Dadaan muna ako sa restaurant upang bumisita.
Nang makalabas ako ng condo ay dumeretso na ako sa restaurant. Nang makarating duon ayy sa back door ako dumaan. Tiningnan ko ang wrist watch ko upang tingnan kung anong oras na.
7:48
May tatlong pa bago magsara ang restaurant. Ten pm kasi nagsasarado. Sakto namang pagpasok ko sa locker room ay nakasalubong ko si Pia.
Oh. Not now. Kailangan kong mag-ingat sa mga galaw ko. Ngayong may nagbabantay na sa akin.
"Oh. There you are. Saan ka nagpunta? I am the manager here. Pag bumalik dito si sir Axle. Malalagot ka sa kanya." Ani niya habang nakataas ang kilay.
"I'm wasting my time listening to your nonsense."
Hindi ko na hinintay ang sagot niya at dere-deretso nalang ako sa paglalakad. Si Cloe ang hinahanap ko pero wala siya sa locker room. Siguro nag e-entertain siya ngayon ng mga customers. Kailangan ko lang magpaalam sa kanya. Baka kung ano-ano pang sabihing dahilan ni Pia.
Nang mahanap ko si Cloe ay agad ko siyang nilapitan.
"Oh, Ashera. Nandito kana pala." Nakangiting bungad niya sa akin.
"Cloe kailangan ko munang umalis. Babantayan ko pa kasi si sir Axle. Hindi pa ako sure kung kailan ako makakabalik.
"Oh, sige. Teka, kumusta na pala si sir?"
"Okay na siya. Kailangan nalang niya ng pahinga."
Nginitian nalang ako ni Cloe saka ako tuluyang umalis ng restaurant at pumunta sa hospital.
Good thing hindi ko na nakasalubong ang bruhildang Pia na yun. Pag ako hindi nakapag timpi baka masapak ko na yun....
______________________________________________
A/N: Cloe pronounce as klo-wey
Anyways happy reading❤️
YOU ARE READING
Black Mafia 2: Axle Collins
RandomAshera Alfonso is a cold hearted girl. Babaeng utos-utasan ng kanyang ama. Sa pagtanggap niya sa misyong patayin ang isa sa kalaban ng kanyang ama, duon siya nahirapan. Mapapatay kaya niya ang lalaki at masunod ang utos ng kanyang ama? O hahayaan an...