Ashera's Po'V
NAGLALAKAD AKO ngayon dito sa hallway ng hospital. Galing akong cafeteria dahil bumili pa ako ng makakain. Limang araw ko nang inaalagaan si Axle. Ilang araw nalang siguro ay makakalabas na siya. Kailangan kasing hindi siya mabinat upang hindi mapano ang kanyang saksak. Malalim pa naman yun.
Napabuntong hininga nalang ako. Ngayon tanggap ko na kung bakit narito ngayon si Axle. Tanggap ko nang na-ospital siya. Atleast ako naman ang mag-aalaga. Mas okay na yun. Pambawi nalang siguro.
Agad akong pumasok sa kuwartong inuukupa ni Axle. Nang makapasok ako ay agad kong inilapag ang isang supot na naglalaman ng pagkain saka lumapit kay Axle at binigyan ng isang kape.
"Uminom ka muna. Mamaya kailangan mo nang kumain."
"Thanks."
Ngumiti nalang ako sa kanya saka umupo sa malapit na couch. Akmang maglalaro sana ako ng candy crush nang may tumawag.
Daddy calling.......
I let out a frustrated breath. Masamang balita na naman siguro ang hatid nito.
Kailan pa may magandang balita siya para sayo? Ani ng isang bahagi ng isip ko.
Tumingin muna ako sa gawi ni Axle saka itinaas ang hawak kong phone.
"Sasagutin ko lang ang tawag."
Tumango lang siya sa akin kaya tumayo na ako at lumabas ng silid saka sinagot ang tawag.
"Dad?"
"I'm getting impatient daughter. I know Axle is in Hospital right now. Alam kong hindi mo tinuluyan si Axle. So I will assume your presence here in Korea. I have to talk to you in business matter."
"Copy Dad." Then I ended the call.
Siguradong seryosong usapan ang magaganap sa amin bukas dahil pinapapunta pa niya ako sa Korea. Pero para saan? Alam kong alam niya na nasa hospital si Axle pero diba pwedeng sa tawag nalang niya sasabihin? O talagang importante talaga ito?
Pumasok nalang ako sa kuwarto saka hinarap si Axle. Pano ba ako magpapaalam sa kanya? Umiinom parin siya ng kape hanggang ngayon. Ma testing kaya siya?
"Axle?"
"Hmm?" Tanong niya habang sumisimsim ng kape.
"Kung sakali mang umalis ako dahil kinakailangan. Anong gagawin mo?"
Yeah. Yeah. That was a lame question. Alam ko namang hindi niya ito sasagutin dahil ano lang ba niya ako? I'm just his employee. Wala nang espesiyal.
"Why did you ask?"
Sumimsim muna ako ng kape bago sumagot.
"Nagtatanong lang. Kung sakali lang naman diba? And anyways, okay lang naman kung hindi mo sagutin."
Bago pa man makasagot si Axle ay tumunog ulit ang phone ko. Tiningnan ko ito at halos mapasigaw ako sa sobrang inis. It's daddy again.
"Sasagutin ko muna."
"Okay. And by the way. Tungkol sa tanong mo? Siyempre sasamahan kita. Kung saan ka man, dapat nandun ako. Your special to me Ashera. Kahit hindi halata." Was all he said.
Para yatang tinambol ang puso ko sa mga sinabi niya. Para maka iwas sa sinabi niya ay agad akong lumabas saka dahan-dahan na napasandal sa pinto bago sinagot ang tawag.
"Dad."
"By the way daughter. You already move wrong. You shouldn't tell Axle where were you going. So as of now. I need your presence here IMMEDIATELY. And don't ask me how did I know. I put some hidden camera's there. Oh, scratch that. I ordered to put some hidden cam. So decide daughter before it's too late." Then he ended the call.
"Fuck... Fuck... Fuck..." Sunod-sunod akong napamura.
Sh*t
Ano nang gagawin ko ngayon? Dad is now spying every moves I did. Paniguradong inutusan niya si Kiel. Hindi na ako nag-iisip at tumakbo na ako palabas ng hospital. Akmang papara ako ng taxi nang may humintong lambhorghini sa harapan ko. Then the window of passenger seat open. Dumungaw duon si Kiel.
"Let's go young lady. Your dad is getting impatient."
Wala na akong ibang choice kundi sumakay nalang. Kailangan makapunta agad ako sa Korea.
"Why did you serve my monster dad?"
I heard him chuckled so I drag my attention to him.
"You said your dad is a monster. So that's what represent to you too because you are his daughter? A monster?"
Hindi na ako sumagot sa kanya. Itinuon ko nalang ang atensiyon ko sa labas. Tirik na tirik ang araw kaya medyo matraffic na.
Hinahanap kaya ako ni Axle? Okay lang kaya siya? Kumain na kaya siya?
Bumuntong hininga nalang ako ng malalim.
"What's with the deep sigh?"
Pinandilatan ko ng mata si Kiel na nakatingin sa akin sa rearview mirror.
"Shut the fuck up."
Tinawanan lang niya ako. Nang mag salita siya ulit ay naging seryoso na siya.
"Why don't you set yourself free Ashera? Kung simula't sapol alam mo na ang daddy mo. Why bother serve him even you, yourself know how monster he is?"
"And I'm asking you the same question Kiel. Why?"
He just shrugged "I've plan to."
"Kung sana ganun nalang yun kadali, noon pa ako lumayo. But I know father. He can do whatever he want. He can kill without hesitation. He can plan immediately and he can fucking took away my head into my body without hesitation whether I'm his daughter."
Nagkibit-balikat nalang si Kiel saka tinuon ang atensiyon sa pagmamaneho. Nang makarating kami sa airport ay dumeretso nalang kami. Nakahanda na ang eroplanong sasakyan namin. Nang makapasok ako sa loob ng eroplano ay agad akong umupo.
Tumingin ako sa labas at hinintay si Kiel na makapasok. Tiningnan ko ang cellphone kong kanina pa nag va-vibrate.
115 miscalls from the blue eyed Axle....
Tsk.
In-off ko nalang ang phone ko then buckled up my seat belt. Sana tama itong naging desisyon ko. I broke my promise in Axle's parents.
I'm sorry Tita. Ito nalang ang paraan para hindi masaktan si Axle. Para rin naman ito sa ikabubuti niya.
Goodbye Axle...
YOU ARE READING
Black Mafia 2: Axle Collins
AcakAshera Alfonso is a cold hearted girl. Babaeng utos-utasan ng kanyang ama. Sa pagtanggap niya sa misyong patayin ang isa sa kalaban ng kanyang ama, duon siya nahirapan. Mapapatay kaya niya ang lalaki at masunod ang utos ng kanyang ama? O hahayaan an...