Ashera's Po'V
UNTI-UNTI AKONG nagising nang may humahaplos sa buhok ko. Nag-angat ako ng tingin at nakita si Axle na nakatitig sa akin na nakangiti, siya rin pala yung humahaplos sa buhok ko. Agad akong napatayo saka sinuri siya.
"Are you feeling better now? May masakit ba sayo? Do you want or need anything? Something?" Sunod-sunod na tanong ko.
Wait, did I just sound like a concerned girlfriend to his boyfriend?
Umiling nalang ako saka binalik ulit ang tingin kay Axle. Ngumiti lang siya sa akin saka hinawakan ang kamay ko.
"I'm fine. Okay na ako kaysa kahapon. Wala akong gusto o ano. Just stay here. Wag mo nalang akong iwan dito." Saad niya habang nakangiti.
Umupo nalang ako sa stool saka siya tinanguan. Guilty. Guilty na guilty ako. Kung ito nalang ang paraan para makabawi sa kanya. Tatanggapin ko. Kung sakaling malaman niya talaga ang totoong pakay ko. Baka kamuhian niya ako. Na siyang kinatatakutan ko. Iniisip ko palang na kamumuhian niya ako, parang sinasaksak ang puso ko.
Why do I have to feel this goddam emotion?! Pero hanggat maaga pa. Kailangan ko na itong pigilan, kahit ang kapalit ay ang pagwasak ng puso ko.
If you fail this time. You know what is the consequence.
Bigla nalang pumasok sa isip ko ang sinabi ni dad. Alam ko. Alam ko na kapag hindi ko nagawa ang misyon ko. Magdudusa ako. Pero mas okay na yun, kesa naman si Axle.
"Nagugutom kana ba?" Biglang pukaw sa akin ni Axle. Hinahaplos na niyang ngayon ang ulo ko.
"Mamaya nalang ako kakain. Busog pa naman ako." I smile to him. Assuring that I'm sincere.
Sasagot pa sana siya nang bumukas ang pintuan. Pumasok duon si Tita at Tito Anton. Nalaman ko palang kanina ang pangalan nila. Kasunod nila ay ang lalaking kamuhang-kamukha ni Axle. Maybe his the twin. Awra palang niya mapaghahalataan mong seryoso nga.
Obviously.....
"Hija. Binilhan na kita ng pagkain. Baka kasi gutom kana." Inilapag mi Tita ang dala niyang pagkain sa lamesa. VIP kasi itong tinutuluyan ni Axle kaya sobrang luwag.
"Salamat Tita."
Nginitian ko si Tita saka bumaling kay Axle na nakakunot ang noo.
"What's up Bro? Are you feeling better now?" Tanong ng kakambal ni Axle saka lumapit sa kakambal niya nakipag man to man fist bump.
"Fine. Still breathing. Bakit ka pala napunta dito? I thought you're in work?" Tanong ni Axle.
"I'm here to check on you if you're still alive and ask you something."
"Lalabas muna kami mga anak, hija. May pupuntahan lang kami." Tumango lang ako kay Tita saka sila tuluyang umalis.
Ako naman ay nakaupo parin sa stool habang pinagmamasdan ang mag kambal na mukhang seryoso yata ang pag-uusapan. Balak ko na sanang tumayo upang bigyan sila ng privacy nang biglang hinawakan ni Axle ang kamay ko.
"Stay here."
Napabuntong-hininga nalang ako saka hinayaan siya. Tiningnan ko naman si Axcle na binigyan ang kanyang kakambal na what-the-hell-are-you-doing look.
"Just spill it out brother."
Huminga nalang ng malalim si Axcle bago pinagpatuloy ang kanyang sasabihin.
"Kailangan mo nang bumalik. We need you. Ginagalawan na ang kalaban ni Soyer."
Naguguluhan akong napatingin sa kanila. Bumalik saan? Teka... kalaban? Ito ba yung sinasabi ni Dad?
Tumingin sa akin si Axle na para bang labag sa loob ang sasabihin niya.
"Siguro pag fully recovered na ako. Masyadong marami kasi ang nawala sa dugo ko."
Nang marinig ko ulit ang dahilan kung bakit napunta si Axle dito sa hospital, unti-unti akong kumalas sa pagkakahawak niya. Hindi ko lang talaga matanggap. Siguro kailangan ko pa ng time.
Bumaling naman sa akin si Axle na puno ng hinanakit ang mata. Pero unti-unti din itong nawala.
"K-kailangan ko l-lang kumain. N-nagugutom na kasi ako."
Hindi ko na hinintay ang sagot niya saka dali-dali akong lumabas ng kwarto. Namalayan ko nalang na naglalakad na ako papasok sa cafeteria. Kanina pa nga rin ako nagugutom eh. Hindi ko nalang pinahalata kay Axle para hindi siya mag-alala.
Yung dalang pagkain naman ng parents ni Axle ay ibinigay ko nalang siguro sa kanya.
Nang makapasok ako sa cafeteria ay umorder lang ako ng capuccino at isang slice ng mocha cake. Sa condo nalang siguro ako kakain. Magbibihis pa kasi ako. Tiyaka malapit ng gumabi kaya kinakailangan kong umuwi.
Nang makuha ko ang order ko ay naghanap ako ng bakanteng mauupuan. Umupo ako sa bandang walang tao. Pagkaupo ko palang ay siyang pag-ingay ng cellphone kong nasa bulsa ng slacks ko.
Tiningnan ko ang caller at halos manlamig ako nung makita ko kung sino ang tumatawag.
"Dad?" I asked casually. Hindi ko pinahalata na kinakabahan ako. Kailangan kong ipakita ang Ashera'ng nakagisnan niya.
"I just want you to know that I want you to do it quickly. And yeah, alam ko ang lahat ng pinanggagawa mo anak ko. Alam mo ang kaya kong gawin. Kaya kung ayaw mong masaktan o mamatay. Gawin mo ang misyon mo. I know Axle change you a lot. But always remember. I am your father. Do as I want to." Then he ended the call.
Ganyan naman talaga siya palagi eh. Simula ng mamatay si mommy trinato niya akong parang hindi anak. Ginawa niya akong parang aso na sunod ng sunod sa kanya.
Hindi ko namalayan na nag-uunahang bumuhos ang luha ko. Hindi ko ma kasi kaya eh. Kinakain na ako ng konsensiya ko. Talagang malaki na ang pinagbago ko.
Inubos ko nalang ang order kong cake saka tumayo dala-dala ang order kong capuccino. Nang makarating ako sa kuwartong inuukupa ni Axle ay siyang paglabas naman ni Axcle. Tinanguan ko nalang siya saka akmang pipihitin ang door knob para makapasok ako nang magsalita siya.
"Ashera Alfonso right?"
Natigilan ako sa sinabi niya. Paano niya ako nakilala? O sinabi ba nang mga magulang niya? Humarap ako sa kanya saka sumagot.
"Yeah."
"Ashera Alfonso daughter of Leo Alfonso and Karen Alfonso. I know your plan what are you doing here. Your plan is to kill my twin brother. But if you do that, I don't know what Axle will do to you. Ngayon ko lang nakita ang kakambal kong ganyan. At kung saktan mo man siya. He will break down and serves him into pieces." Saka siya tuluyang umalis.
Nanghihinang napasandal ako sa pinto. What I'm going to do right now?! Alam na ni Axcle. Paano kung sasabihin niya sa kakambal niya?
Oh God. I don't know what to do....
YOU ARE READING
Black Mafia 2: Axle Collins
RandomAshera Alfonso is a cold hearted girl. Babaeng utos-utasan ng kanyang ama. Sa pagtanggap niya sa misyong patayin ang isa sa kalaban ng kanyang ama, duon siya nahirapan. Mapapatay kaya niya ang lalaki at masunod ang utos ng kanyang ama? O hahayaan an...