CHAPTER 11

742 31 0
                                    

Third Person Po'V

    HINDI ALAM NI Axle kung ilang oras siyang nakatulog. Basta nagising nalang siya dahil sa mahinang pagyugyog.

"Where here kuya."

Nang marinig ang sinabi ng kanyang kakambal ay wala na siyang inaksayang oras at dere-deretso nalang siya sa paglabas. Hindi na niya kailangang ayain ang mga kaibigan na lumabas dahil alam na man niyang sumusunod lang ang mga ito.

May sasakyan ng naka abang sa kanila kaya deretso nalang siyang sumakay. Ngayon nandito na siya para sunduin ang babaeng mahal niya, mas lalo siyang nanlalamig. Parang ilang oras hihimatayin na siya. Hindi niya alam sa sarili kung bakit kinakabahan siya. Mas lalong bumibilis ang tibok ng puso niya.

Hang in there Ashera... Malapit na ako...

Nang marating nila ang pakay nila dito ay agad siyang kumuha ng baril sa backseat. Alam niyang ang kakambal niya ang gumawa ng paraan nito. Mamaya nalang niya ito pasasalamatan. May kailangan lang muna siyang iligtas. At yun ang mahal niya.

Ashera....

Tiningnan muna niya ang abandunadong gusali. It looks so old. Para itong isang haunted house. Per hindi siya napigilan nun. Agad siyang pumasok sa abandunadong gusali. Lahat ng nakasalamuha niyang armado ay binabaril niya. Hindi na niya ito binigyan pa ng pagkakataon na makaganti.

He kick. Shot. Puch and all. Wala na siyang pakealam sa paligid niya. He's livid. All he could think is saved her beloved.

Nang makarating siya sa panghuling palapag, inihanda na niya ang sarili. Pero ganun nalang ang pagkagulat niya ng wala siyang makasalamuhang kalaban. Maliban sa lalaking prenteng nakaupo habang may hawak na baril.

"It's been a long time Axle. Are you ready to face your death?" Tumawa lang ito ng mala demonyo na mas lalong ikina-irita niya.

"Where's Ashera you asshole?!!" Galit niyang sigaw sa kaharap. Kanina pa niya ito gustong barilin. Pero pinigilan lang niya ang sarili.

Something is wrong.....

Kung alam nito ang pagpunta niya dito. Mukhang may nakahanda ma itong plano. At alam na alam niya ang likaw ng bituka ng kaharap niya. Marumi itong maglaro.

"Excited to see her Axle?" Tumawa pa ito na parang nanguuyam bago tumayo saka dinuro-duro siya ng baril habang masamang nakatingin sa kanya. "I would never ever see you happy. If this is the right thing to do to make you miserable. Then I'll do it. I don't have a choice."

Babarilin niya sana ito ng may naghagis bigla ng flashbag dahilan para hindi niya makita ang paligid. Pilit niyang inaaninag ang kaharap niya kanina pero wala na ito. Kasabay nun ang pagsabog ng building.

"Fuck! Kailangan ko ng mahanap si Ashera!"

Kahit yumayanig na ang buong building wala na siyang pakealam. Hindi siya nun mapipigilan. Papasok na sana siya sa isang silid kung saan ito ang itinuturo ng GPS kung nasaan si Ashera nang bigla nalang itong sumabog.

Parang nanghina ang tuhod niya sa nasaksihan. Pilit niyang inihahakbang ang paa sa silid kahit alam niyang delikado. Mabilis din niyang pinunasan ang luhang tumulo galing sa kanyang mata. No! Dapat hindi muna siya mag-isip ng kung ano-ano. Pero hindi eh! Nakita mismo ng mga mata niya kung paano sumabog ang silid na kinalululunan ng babaeng mahal niya.

Agad siyang tumakbo sa naturang silid. Pero bago pa siya makalapit ay sumabog ulit ito. Ramdam niya ang sakit sa kanyang likod na tumama sa kung saang matigas na parte. Kahit sobrang sakit ay pinilit niya ang sariling tumayo, pero bago pa yun ay sinundan ma naman ito ng isang malakas na pagsabog dahilan para mawalan siya ng ulirat.

_

NAGISING  si Axle na puti lang ang nakikita. Ipinalibot niya ang tingin bago dumako sa kamay niya. I fluid. Mukhang nasa hospital siya base sa pag-oobserba niya.

"Kuya. Buti gising kana."

Nang marinig ang boses ng kapatid ay napabaling agad siya dito. Nang mag sink-in sa utak niya ang dahilan kung bakit siya nandito, agad siyang napabangon. Pero agad din siyang napahiga sa sobrang sakit ng kanyang likod.

"Damn it kuya! Wag ka munang gumalaw!" Galit na wika ng kanyang kapatid.

"Nasaan si A—ashera? K—kailangan  ko siyang makita. Kailangan ko siyang iligtas damn it!" Napasigaw nalang siya sa sobrang frustration na nararamdaman.

Kitang kita niya ang nangyaring pagsabog sa building. Kahit ilang ulit ipa-intindi ni Axle sa sarili na buhay pa ang babaeng mahal niya, alam niyang imposibleng mangyari yun.

"Calm down kuya." May kinuhang kung ano ang kakambal niya sa pants nito sama ibinigay ito sa kanya. "Nakita ko ito sa pants mo kuya. I didn't open that. Alam kong importante ito sayo. So... open it and read."

Kinuha niya ang envelope. Ito yung envelope na binigay nung lalaking hindi niya kilala. Tinitigan muna niya ang envelope bago narinig ang pagbukas sara ng pinto. Kahit nanginginig ang kamay, pinilit niya paring buksan at basahin ang laman ng envelope.

Bawat kataga ng sulat at damang-dama ni Axle. Hindi niya mapigilang umiyak. Ngayong alam na niya ang nararamdaman ng babaeng mahal niya, saka naman ito nawala sa kanya.

"Arghhhh!!!"

Sumigaw nalang siya sa sobrang sakit na nararamdaman. Para siyang mababaliw. Hindi niya alam kung saang mental hospital siya pupulutin pagkatapos ng lahat ng nangyari.

Umiyak siya ng umiyak. Sumigaw ng sumigaw hanggang sa wala ng luhang tumulo sa mga mata niya, hanggang sa mapaos na siya, hanggang sa naging manhid na ang katawan niya.

Tanging ang puso nalang niya na tumitibok para sa babaeng mahal niya. Na ngayon ay wala na.

Agad niyang pinahid ang luhang lumandas sa pisngi niya. Akala niya wala ng luhang lalabas sa mga mata niya. Ipinikit nalang niya ang matang pagod na. Agad nanumbalik ang mga ala-ala nila Ashera. Kahit alam niyang nagsinungaling ito sa kanya. Nanaig parin ang pagmamahal niya para dito.

Wala iyun kumpara sa pinagdaanan ng mahal niya. At dahil sa ala-alang yun. Nakatulog nalang siya na may luha sa mata niya.

______________________________________________
A/N: The end is nneeeaaarrrrr! Magdiiwaaannggg HAHAHAHA. Hyper lang ako ngayon. Konti lang ang chapter nang kay Axle pero babawi ako sa ibang stories ko.

Happy reading❤️

Black Mafia 2: Axle CollinsWhere stories live. Discover now