Kabanata 11

1.8K 43 0
                                    

cc

Ring

For the passed days, nasa loob lang ako ng bahay. Kung hindi ako nag bubungkal ng lupa, nag susulat naman ako ng kanta kundi nanonood ng tv. Araw araw ako pinupuntahan ng mga body guards ni Greg para tingnan ang kalagayan ko. At simula din ng gabing 'yon, I did not see Greg anymore. Even his shadow.

Ngayong araw na 'to, ang plano ko ngayon ay aayusin ang mga bulaklak na nahulog dahil sa lakas ng hangin kagabi. Pagkatapos kung maligo ay agad kung kinuha ang garden tools para masimulan na ang pagbubungkal ko ng lupa.

While I'm digging, kumakanta ako. Trying to make things alright and letting the nature heard my voice.

"Stone cold... stone cold..."

Masakit ang sinag ng araw. Parang pumapasok sa kinailaliman ng balat ko kaya tumayo ako. Pagtayo ko ay nakita ko ang babae sa harap ko na nakaawang ang bibig at nasa dibdib ang mga kamay. Napaatras din ako dahil sa gulat. Mahaba ang kanyang buhok at kutis morena ang kanyang mga balat. Medyo singkit ang mga mata nya at payat na hindi gaanong matangkad.

"S-sorry... nagulat b-ba kita?" Tanong ko. 'Yan lang ang tangi salita ang lumabas sa bibig ko.

Nakatingin lang sya saakin at pilit na inoobserbaran ako. Kinawayan ko sya para bumalik sya sa urat nya.

"O-okay ka lang?" Tanong ko muli.

"A-ang ganda mo..."

Eh? Okay lang ba ang babaeng 'to? Umiwas ako ng tingin sa kanya at pinunasan ang namumuong pawis sa noo ko.

"Bago kalang dito? Pero seryoso, ang ganda mo talaga." Anito.

Tiningnan ko sya ng mabuti. Nakikipag plastikan ba ang isang 'to?

"Oo bago lang ako dito."

Ngumiti sya ng matamis. "Ang ganda mo talaga tas ang ganda pa ng boses mo. Sana maging kaibigan din kita. Bagong salta lang ako dito galing ako Zamboanga Province."

Tumango nalang ako at tinuro ang pintuan ng bahay. Nagpaalam na rin sya dahil mamalengke lang daw sya sa bayan. Pumasok na ako sa bahay para uminom ng tubig. Bumalik din kaagad ako sa mini garden para diligan ang mga halaman na bagong tanim ko. Pag tayo ko muli ay nakita kung walang gana na nakatingin saakin si Greg kaya napaawang ang bibig ko. Bat ang daming nanggugulat saakin ngayong araw nato? Bat ba nila ako ginugulat. Bigla bigla nalang silang susulpot sa harap ko.

My throat wave. Umiiwas kaagad ako ng tingin dahil sa kakaibang pangtitig nya. Umalis sya doon sa harap ko at agad na pumasok sa gate. Nilagay ko sa lalagyan ng mga tools ang mga ginamit ko at pumasok sa loob ng bahay para maipaghanda sya ng maiinomin. Binuksan ko ang pinto ng main door.

Kahit nataranta ako, I can't denied the fact how handsome he is in his suit today. Bagay na bagay sakanya ang sinuot nyang itim na pang americano. Nababagay rin sa kanya ang kulot nyang mga buhok at ang kanyang mata na parang galit. Isama na natin ang panga nya na araw-araw galit.

Hindi nya parin ako kinausap kaya inayos ko nalang ang mauupuan nya pati na ang maiinom nya. Hinugasan ko ang kamay ko at kinuha ang hindi pa nagagamit na baso.

Hinubad nya ang itim na coat at tinupi hanggang siko ang longsleeve nya. Ginalaw nya ang kanyang kulot na buhok kaya umiwas muli ako ng tingin. Since that night happened, natatakot na akung kausapin sya. Because everytime we talk, I can't help my self drown deeper. At uramismo nya akung iiwan. Fast and harsh.

"A-ano ang g-gusto m-mong inomin?" Nauutal kung tanong.

Nilingon nya ako at tinaasan ng kilay. "Mag usap tayo. Sit down." He tapped the seat beside me.

From Afar (Isla del Fuego series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon