Kabanata 15

1.8K 39 1
                                    

Mag uupdate ako kasi birthday ko na! HAHAHA happy birthday to me! Enjoy reading, Gorjoys 🥺

_______Promises and ring

Sa mismong ng bahay nya ako hinatid. Binuksan ko 'to para makapasok sya pero di sya gumalaw sa kanyang kinagagalawan nanatiling nakatayo.

"Gusto mo bang pumasok muna?" Tanong ko sa kanya.

Ngumuso sya at ginalaw ang buhok ko. "Am I invited? Hmm."

"Oo naman syempre!"

Ngumiti sya. Nakakatunay ang ngiti nya. Tapos napaka genuine. "Maybe next time, Cat. Babalik pa ako sa hospital ngayon. At alam ko na inaantok kana. You have to gain some energy. We'll see each other tomorrow? Hmm?"

"Sige. Ingat k-ka. Salamat..."

"Goodnight. Pumasok kana."

Pumasok na ako. Nilock ko ang gate. "Goodnight, Doc. Bastian! Ingat ka."

Pumasok na ako ng tuluyan sa loob. Ni lock ko ng maigi ang pinto. Pumasok ako sa kusina at uminom ng tubig. Medyo napapaos na talaga ako. Agad naman akung umakyat at hinayaan na matulog ang sarili.

Kinaumagahan, ginising ako ng doorbell. Agad akung bumaba para salubongin kung sino ang nasa labas. Tiningnan ko muna ang pinto at nakita ko si Vanessa na nakatayo sa labas habang may dalang paper bag at payong. Pinagbuksan ko sya ng gate at pinapasok.

"Good morning!" Bati nya saakin.

"Magandang umaga. Ang aga ah?" Sabi ko. Sinarado ko ang gate.

Pumasok na kami sa bahay ng tuluyan. Agad sya dumiretso sa kusina at nilapag ang dala nyang payong at tsaka paper bag.

"Anong maaga? Alas 11 na oh! Kaya masakit na sa balat yung init." Reklamo nya.

Binigyan ko sya ng tubig galing sa ref. Medyo inaantok parin ako pero pinilit ko. May bisita ako ngayon. Kailangan ko'to harapin.

"Ahh... Ano pala ginagawa mo dito? Wala kabang duty?" Tanong ko habang uminom rin ng tubig.

"Wala e. Yung amo ko pumunta ng ibang bansa tsaka naka leave rin kami lahat."

"K-kung gano'n, dito ka nalang matulog mamaya? Tsaka mag sabi ka m-minsan kung uuwi kana. N-nag alala ako."

Ngumuso sya at ngumiti. Lumapit sya saakin at niyakap ako ng mahigpit.

"Ang sweet naman ng pusa. Kaya gustong gusto kita noong una palang e! Alam ko kasi na magka vibe tayo." At niyakap ako muli.

Niyakap ko nalang din sya pabalik. "S-salamat... Teka kumain kana? Magluluto ako ah teka lang."

Nag luto ako ng beans. Tahimik lang sya habang minamasdan ang tubig. Tahimik rin ako na hinihiwa ang sibuyas. Mayamaya ay biglang may doorbell kaya lumingon ako sa pinto.

Tumayo si Vanessa. "Ako na, Cat. Pagpatuloy mo lang 'yan."

Pinagpatuloy ko ang ginawa ko. Nilagay ko sa pan ang mga sahog. Pinaghalo ito ng mabuti bago ko nilagay ang giniling na karne ng baboy. Pagkatapos ay nilagyan ko ng patis at nilagay na ang beans. Hinalo ko 'to saglit bago hinayaan na maluto ng tuloyan. Pumasok na si Vanessa dala ang news paper.

"Ito lang yung nakita ko sa labas." At inabot saakin ang news paper.

Hindi ko alam kung bakit may nag bibigay ng news paper. Diko naman 'to nababayaran at tsaka hindi naman ako nag sabi sa nagpapadala na padalhan ako. Sinadya ba'to?

"Diko alam na nag babasa ka pala nyan." Usat ni Vanessa.

Kumunot ang noo ko at umiling. "Hindi... I mean, minsan oo. May naglalagay kasi doon sa labas at tsaka parang sinasadya e."

From Afar (Isla del Fuego series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon