Kabanata 12

1.7K 40 0
                                    

News paper

Hinatid na nya ako at pagkatapos umuwi na sya. Greg is such a dumb loyal man. I may not call him faithful. Kasi at the end of the day, umuwi pa rin sya sa taong sobrang mahal nya. Diko parin lubos maisip ko bakit nya ako binigyan ng singsing. Kung bakit nga sinabi ang kataga na 'yon. Kung bakit nya ako pinapaasa sa wala.

I don't know his plans. Masyadong misteryoso si Greg para saakin. Napaka misteryoso. Nakakailang ang mga mata nya pag sinubukan mo 'tong tingnan.

Nagdaan ang mga araw, hindi nanaman sya nagpaparamdam. Medyo nalungkot lang ako. Minsan, may nagpapadala ng bulaklak pero wala namang note. Binibisita rin ako ng mga tauhan nya at sinisigurado na ligtas ako.

"Mabuti nalang at nakapasyal ako dito noh? Ang ganda ng bahay mo at ang linis. Pero ikaw lang mag isang nakatira. Di kaba natatakot?" Makuli na tanong ni Vanessa saakin.

Sya yung babaeng nangulat saakin nung isang araw. Inaanyayahan ko sya sa bahay para naman maging maingay ito. Kanina pa sya kuda ng kuda at tanging sagot ko lang sa kanya at tango at iling. Alam kung naintindihan nya rin 'yon.

"G-gusto mo neto?" Alok ko sa kanya ng pagkain.

"Oo, patikim. Mukhang masarap e."

Binigay ko sa kanya ang kalahati at saakin naman ang kalahati. Nandito kami ngayon sa sala at nanonood ng tv. Sya mismo ang bumukas ng tv dahil diko naman alam kung pano paandarin 'to. Tsaka, wala akung alam sa mga palabas kaya hinayaan ko sya na galawin ang ibang gamit dito.

Tumawa kami sa pinanood namin. Medyo naging close narin kami ni Vanessa. Ang dahilan kung bakit sya nandito ay para tulungan nya ang kanyang magulang. Matanda na ang mga ito at sa kanya nalang umaasa. Nakakainggit rin dahil tinatawagan sya ng magulang nya at kinakamusta.

"Nako, anong oras na. Gumagabi na kailangan ko ng umuwi, Cat."

"Dika na kakain dito? Sayang naman 'tong niluto ko para sayo."

Nilingon nya ako at ngumiti. "Nako... sige na nga kain na tayo. Mukhang tataba ako dito sa puder mo e." At tumawa sya.

Tinulungan nya ako sa paglagay ng mga gamitin namin para sa kakainin namin. Nilapag ko naman ang nga ulam na niluto ko para sa munting kung bisita.

Masaya kaming kumain habang nag uusap. First time 'to mangyari sa buhay ko. Na may kasama habang masayang kumakain. Para akung namuhay ng normal dahil dito. Yung hindi iniiwasan ng tao. Malayo sa tukso. Nakakataba ng puso.

Kweninto ko sa kanya ang karanasan ko noong nandon ako sa Siquijor. Halos hindi na nya manguya ang kanyang kinakain dahil sa mga sinasabi ko. Napatawa nalanv ako sa reaksyon nya.

"Seryoso ka? Sa ganda mong 'yan inaaway ka at tinutukso dahil mangkukulam ka?"

Tumango ako. "Oo. May sumpa daw ako kaya ganon."

"Pero di ka man lang nagalit sa kanila? Hays ang bait mo naman."

"I let them think na ganon talaga ako. Diko naman kasalanan 'yon. Bahala sila."

"Ako pa nyan, matagal ko na silang pinakulam. E sinabihan akung mangkukulam edi lubus lubusin na natin."

Napailing nalang ako. I wish I have that kind of confidence. "Nako, wag muna iisipin 'yon. Ang importante nandito na ako ngayon at nakaligtas sa pangunguntya nila."

Tumango ako at pinagpatuloy namin ang pagkain. Tinulungan nya akung magligpit ng mga kinainan namin at sa pag hugas.

"Gusto pa sana talaga mag stay. Pero alam mo na..."

Ngumisi ako. "Nako! Okay lang. May nexttime pa."

Nagpaalam na sya matapos nya malinis ang lahat. Pinilit nya pa ako na linisin na nya pati ang sala pero umayaw na ako. Tumatawa nalang ako habang naiisip ko 'yon. For once, nararamdaman ko na ang pakiramdam kung gaano kasaya na may kakwentuhan ka, may nakatawanan ka. That, you can say everything what you want without judgements. Ang saya pala.

From Afar (Isla del Fuego series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon