Stay
We enjoy the rest of the day. Binalewala namin ang mga masasamang tingin ng mga tao. Hawak ko ngayon ang wine glass na binigay saakin ni Madam. Nakaupo ako sa buhangin at tiningnan ang linaw ng dagat pati na rin ang sunset. Si Vanessa ay nasa dagat na pati si Rhoda. Si Madam ay may kausap sa telepono nya kaya ako lang ang mag isa dito at dinamdaman ang ganda ng tanawin.
Kinuha ko ang cellphone ko para sana kunan ang magandang tanawin pero biglang may tumawag saakin. Nilingon ko sila at nakita ko na sobrang gulat nila sa nakita nila. Nakaawang ang bibig ni Ms. Reyes na walang pinagbago. Ganoon pa rin sya.
Suot nya ang pang teacher na uniform nya habang papalapit saakin na nakaupo sa buhangin. I did not bother to stand up and to greet her. Hindi maalis ang tingin nya saakin na parang hindi makapaniwala sa kanyang nakita.
"H-Hindi mo kami m-minulto?" Tanong nya pag dating malapit saakin.
Kumunot ang noo ko at umiling. "Hindi... Buhay talaga ako. Kahit hawakan mo pa ako." At inabot sya.
Agad syang umatras dahil sa takot. Umiling-uling sya na parang hindi sangayon sa sinabi ko. "D-Diba patay k-kana? Nakita namin ang b-bangkay mo malapit sa bahay mo."
"Bangkay?"
May bangkay na nakita? Kinagat ko ang labi ko. Grabe pala talaga ang ginawa ni Greg. Ang galing nya magpaikot ng tao. They make them believe na talagang patay na ako. I really can't believe this. Sagad sa buto yung sakit nya pero nagawa ko parin syang mapatawad.
"Oo... Ikaw ba talaga si C-Catriona?"
Tumango ako at sinimsim ang wine. "S-Sino ang nagbalita o nag kumpirma sainyo na patay na ako?"
"Si Greg Sandoval."
Kinuyom ko ang kamao ko. Magaling ka talaga Greg. Ang galing mo magpaikot ng mga tao. Sasabayan kita sa gusto mong mangyari.
Ngumiti ako kay Ms. Reyes at tumayo. "Ang totoo nyan... patay na talaga ako. Gusto ko lang ng mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ko kaya nagpapakita ako sa inyo."
Hindi ko alam kung paano ko nauto si Ms. Reyes dahil bigla syang namutla sa sinabi ko. I plastered a smile. Muli kung sinimsim ang wine ko at binalik ang tingin sa kanya na sobrang takot at hindi makatakbo.
"Ma'am? Pwedi mo bang hanapin yung pumatay saakin? Gusto ko na manahimik ang kaluluwa ko."
Umiiyak na sya sa harap ko at umiling ng dahan-dahan. "H-Hindi kita matutulungan n-nyan." At tumakbo na papalayo.
Ngumusi nalang ako sa ginawa kung kalokohan. Pero agad nawala ang ngiti ko sa labi ko ng maalala ko ang ginawa saakin ni Greg. Umusbong ang matinding galit saakin. Buhay pa nga ako pero pinatay na nya. Buhay pa ako physically. Pero pinagkalat talaga nya na patay na ako. The worst thing is, may ginamit pa syang bangkay kuno. Just to prove a point. Gaano ba sya kagalit saakin? Bakit gigil na gigil sya na patayin ako? Kahit grabe na ang ginawa kung kabutihan sa kanya ay ganon parin ang ginagawa nya saakin. I drink the last drop of wine in my wine glass. Binalik ko ang tingin ko sa araw na malapit ng lumubog. Mabigat akung huminga at pinunasan ang pawis saaking noo.
Tiningnan ko ang gawi nila Van na tinawag ako para maligo. Ngumiti ako at hinubad ang sinuot kung damit. Right now, I'm now wearing one piece suit. Hinubad ko ang tsinelas ko at naglakad papunta sa dagat kung nasaan sila.
"Sino kausap mo kanina?" Salubong saakin ni Vanessa.
"Uhm... Teacher ko noong grade 10 ako." Sabi ko.
Tumango sya. Bigla akung tinalsikan ng tubig ni Rhoda sa mukha kay pumikit ako at tumawa. Ginantihan ko naman sya kaya sumali na rin si Vanessa saamin. Tawa lang kami ng tawa hanggang sa nilamig na kaming tatlo. Umahon na kami sa tubig at agad na kinuha ang towel namin dahil sa lamig.
![](https://img.wattpad.com/cover/198358517-288-k127357.jpg)
BINABASA MO ANG
From Afar (Isla del Fuego series 3)
Ficción GeneralHe always told you that he loves you but he keep on hurting you. The whole world despise you. Wala ka ng matanggap kundi puro nalang sakit. Will you still love him despite of what he did?