-Love Doesn't Exist-
SIMULA.
"Love? Ano 'yon? Nakakain ba 'yon?" Sabi ko habang umiinom ako ng gin kasama si Icah. Ganito talaga kami ng pinsan ko pag walang magawa. Tamang inom tapos yare later kay Mommy.
Si Icah, siya ang pinsan ko na bestfriend ko din. Siya ang nakakasama ko sa bahay kaya madalas din akong hindi nabo-bored dito sa loob. Napaka kalog kasi niya pero seryoso naman siya pag dating sa pag-ibig. 'Yun nga lang dahil parehas kaming sawi sa pag-ibig.
"Alam mo, sayang kayo ni Zander. Bakit ba kasi kayo naghiwalay?" Sabi niya, sinimangutan niya ako.
Nanghihinayang pa siya sa kagagu-
hang ginawa sakin ni Zander, Samantalang hindi naman dapat manghinayang sa kung ilang taon kayong nagsama. Pag nakakita ng iba edi nganga ka din naman. Balewala lang yung taon na pinagsamahan niyo."Seryoso kaba Icah? Nanghihinayang ka sa'min ni Zander? Gumising ka nga." Sabi ko at inirapan ko nalang siya, napahawak nalang ako sa noo ko.
May pagkatanga din si Icah sa pag-ibig. Kilala ko yung ex niya na si Francis, Siya na mismo ang nakahuli sa sarili niyang boyfriend na may kabit ito pero sadyang tanga si Icah dahil hindi manlang siya naniwala sa sarili niyang nakita. Kaya ayun mukha siyang tanga at pinagpipilitan pa ang sarili sa ex niyang may kabit.
"5 years kayo remember? Tapos iiwan ka nalang sa ere?" Sabi ni Icah.
Ewan ko pero hindi ako nanghihinayang sa taon na naging kami ni Zander. Siya naman ang nang-iwan at ako ang naiwan. Binalewala niya ang pagsasama namin. No choice ako kaysa naman sa ako ang maghabol. Nakakadiri sa babae ang maghabol.
Dapat 5 years na kami nung isang linggo. We celebrated it, ako pa ang nanlibre sakanya noon sa restaurant. Napaka gentleman ni Zander, babae ang nanlilibre tuwing anniversary. Wow.
Pagkatapos naming kumain ay lumuhod siya saakin, i really thought na magpo-propose na siya saakin. Well expected kona 'yon dahil 5 years na kaming magkasama. Pero iba pala ang dahilan ng pagkaluhod niya. Nagsintas lang pala siya ng sapatos.
Tumayo ulit siya at umupo, tinignan niya ako mata sa mata. Unti unti siyang lumuha at hinawakan ang kamay ko. Pinatay niya ang kandila sa may table namin. Pinatigil niya ang background music sa restaurant. Pinaalis niya ang mga tao doon.
Umaasa ako na baka mag propose siya saakin non, pero hindi pala talaga. Sa halip ay nagsabi siya ng "Sorry, we can't work anymore" at bigla bigla na siyang umalis. Tumugtog naman ang kantang Malaya. Tila nananadya itong restaurant.
Sinubukan ko siyang habulin pero biglang bumuhos ang isang malaking ulan na may kasamang kulog at kidlat. Naiwan ako sa kalsada na parang basang sisiw. Lumuhod at umiyak ng umiyak. Yun na yon? Bigla nalang umalis? Nag sorry lang? Wala ng goodbye goodbye?
1 week palang ang nakalipas non. Anong aasahan nila saakin, maka move on agad? Kung si Zander kayang itapon ang lahat. Ako hindi masyadoz ang hirap at napaka sakit. I'm sure kaya niya iniwan ay dahil may bago na siya.
"Simula ngayon, wala na akong alam na Love. Hindi ko na alam na nag e-exist pa 'yan." Matapang kong sinabi at tinaas ang bote ng gin. Walang nasabi si Icah, tumawa nalang.
Yes i'm really serious, kung babalik man sa'kin si Zander ay hindi ko na ito bibigyan pa ng chance. He already close my heart, wala ng makakabukas pa nito. At kung meron man? He must be the lucky man.
BINABASA MO ANG
Love Doesn't Exist (Matsona Series #1)
RomanceMatsona Series #1 Irene Avylile Matsona, a typical broken hearted girl slash bitter. Her ex turned her into cold and stone hearted woman, but what if after her heartbreak is there a true love that will come, a true love that doesn't exist for her bu...